CHAPTER 8.2

17 3 0
                                    

CHAPTER 8.2

WARNING: Matured content ahead!

Hanggang ngayon ay tulog pa rin si Lyrra. Habang ramdam naman ni Lowel ang lungkot kaya naisipan niya munang maglakad-lakad at magtungo sa kaniyang safe haven. Doon siya lagi pumupunta kapag kinakailangan niyang mapag-isa.

Napakasimple lang ng silid na iyon. Isang maliit na silid na may puting pintura. Sa pamamagitan non ay nararamdaman niyang safe ang sarili niya sa lahat.

Muli niyang nakita ang kutsilyo na naroon. Naalala niya ang ginawa niya sa sarili niya kahapon. Nadagdagan nanaman ang mga sugat sa kaniyang katawan. Isa rin ito sa mga paraan niya para gumaan ang pakiramdam niya. Araw-araw ay kailangan niyang itago ang nararamdaman niyang sakit mula sa mga sugat na iyon upang hindi mag-alala si Lyrra.

Makita niya lang itong masaya ay naiibsan ang lahat para sa kaniya. Ayaw niya ring makita iyon ni Lyrra dahil baka lumayo lang ang loob nito sa kaniya. Siya na lamang ang natitira sa kaniya kaya ayaw niyang may kung anong mangyari sa relasyon na meron sila.

Maya-maya ay nakarinig siya ng mga maliliit na yabag ng paa. Narinig niya rin ang boses ni Lyrra na sumisigaw.

"Lowel! Nasaan ka na ba?"

Hindi niya ito pinansin. Napatingin siya sa pinto ng kaniyang safe haven nang bigla itong bumukas. Si Lyrra.

"Bakit ka nandito Lowel?" takang tanong nito sa kaniya.

Hindi pa rin ito pinansin dahil kinakabahan siya na bigla niyang iinda ang sakit mula sa bagong hiwa sa kaniyang katawan.

"Ano yan? Bakit may kutsilyo diyan Lowel?" dagdag nito.

Napapikit na lang si Lowel. Naramdaman niya ang hapdi ng kaniyang sugat nang biglang higitin ni Lyrra ang kaniyang braso na dahilan upang makita nito ang kanina pa niya inililihim.

"Why?" tanong ni Lyrra kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata nito.

"Hindi ko na kaya Lyrra." Kinuha niya agad ang kutsilyo sa lamesa.

"Huwag!" sigaw ni Lyrra at kinuha sa kamay niya ang kutsilyo.

"Please leave me alone, Lyrra. Just this one please!" sigaw nito pabalik.

Sinubukan niyang kuhanin sa kamay ni Lyrra ngunit nagmatigas ito kaya bigla niyang itinulak ito. Mabilis niyang dinampot ito at itusok sa braso ni Lyrra.

Napahagugol sa sakit si Lyrra habang nakatingin sa dumudugo niyang braso. Kahit ramdam niya ang sakit ay nagawa niya pa ring masampal si Lowel.

"Ano bang nangyayari sa'yo Lowel!? Makakalabas tayo ng sabay dito diba? Isipin mo nakaquarantine lang tayo ng ilang araw dito." wika niya.

Napakaganda ng mga mata niya Lowel. Kumikinang ang mga ito kahit umiiyak. Parang mas maganda kung kikinang ito kapag pinatay mo na ang sarili mo. Wika ng boses sa loob ng kaniyang ulo.

Napatingin si Lowel kay Lyrra. Iniwas naman nito ang tingin niya mula kay Lowel. Nararamdaman niya na natatakot na ito sa kaniya tulad ng matagal na niyang ikinatatakot. Kung hindi sila napadpad doon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito, sa isi-isip niya.

"Tama nga siguro ang taong bumubulong sa isip ko." Diniinan niya ang hawak niya sa kutsilyo.

"Hindi ko na talaga kaya Lyrra. Tama lahat ng sinasabi niya. Hindi ko na kaya na ipakitang masaya ako. Hindi ko na ala ang gagawin ko." wika niya. Napahagulgol na rin siya.

Isang buwan na ang nakakaraan nang manggaling siya sa doktor. "Anong nasa isip mo ngayon Lowel?" tanong ng doktor sa kaniya.

"Noong pumunta kami ng mga kaibigan ko sa bagong bukas na daan sa Sta. Cruz palabas ng probinsya. Habang kitang-kita ko ang paligid mula sa itaas ng bundok. Napaisip ako. Bakit hindi na lang ako tumalon? Wala namang malulungkot kung sakaling mawala ako. Kapag nawala ako sa mundo, malaya na ako."

"Bakit hindi ka tumalon?" tanong sa kaniya ng doktor habang kalmadong nakatingin sa kaniya.

"No! 'Wag kang makikinig sa bumubulong sa'yo Lowel. Nandito lang ako!" sigaw niya sa akin.

Itinapat niya ang hawak niyang kutsilyo sa leeg niya. "I want to end it now, Lyrra." wika niya. "I don't want to be alone this time. I want to be with my family from now on. I'm tired. I want to rest eternally." dagdag niya.

"Please, Lowel. Don't do this to me."

"Sorry." wika niya. Mabilis niyang pinadaan sa leeg niya ang hawak niyang kutsilyo. Bumagsak ang katawan niya sa malamig na semento.

"I'm free." wika niya bago siya tuluyang nawalan ng hininga.

Nights of CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon