Pang Habambuhay

5 0 0
                                    


Si Abbie nakilala ko sya nung college dahil sa may back subject ako naging classmate ko sya sa Calculus. Lugue last name niya Magno naman ako kaya sa seating arrangement magkatabi kami. Swerte nya may katabi syang pogi hehhe. Magaling sya sa Calculus yun nga yata yung dahilan kung bakit namangha ako sa kanya bukod sa ganda at bait niya.

Hindi ko din naman alam kung bakit ako bumagsak sa subject na yun. Hindi naman ako mahina at alam ko namang matataas din naman yung exams ko baka sadyang hula-hula system lang yung dati kong prof. haha.

Masaya ako dahil binagsak nya ko dahil kung nakapasa ako sa Calculus hindi ko nakilala si Abbie. Minsan na din naman kaming nakapagkwentuhan tungkol sa mga pangarap sa buhay at mga hilig sa buhay. Naikwento nya din sa akin na galing sya sa mahirap na pamumuhay noon kaya't nagsisikap sya para naman mabigyan nya ng maginhawang buhay ang kanyang pamilya. Oh! diba hindi ka pa ba maiinlove sa ganyang klase ng babae? Maparaan at masipag. Nagtatrabaho after class sa isang sikat na fastfood chain sa tapat ng unibersidad kung saan kami nag aaral.

Hindi naman kami mayaman sapat lang din naman ang kinikita ng aking mga magulang para matugunan ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Pero di naman dahilan yun para lang umasa nalang ako. Nagtututor ako ng mga anak ng kaibigan ng mama ko at dahil dun kumikita ako ng sapat para hindi na humingi ng baon at pang project sa mama ko.

Pareho kami ni Abbie simple lang ang pangarap sa buhay, ang makapagtapos at makakuha ng magandang trabaho, makaipon at mabigyan ng maginhawa ang aming mga magulang. Nakapagtapos kami, ilang araw at buwan ang lumipas hindi na kami nagkita. Wala na ding komunikasyon sa isa't-isa, malungkot kasi nakakamiss siya at yung mga alala namin sa school.

Isang araw, tumunog yung phone ko may tumawag sa akin at sinabing maaari na ko magsimula ng trabaho dun sa kumpanyang pareho naming minimithi ni Abbie. Masaya na malungkot, masaya kasi pangarap ko yun at malungkot naman dahil naalala ko si Abbie, Kamusta na kaya sya?

Unang araw ng trabaho, kabado na excited haharap sa panibagong yugto ng buhay kung saan dito ko na masisimulan ang pagtupad sa aking mga pangarap. Hindi ko alamna sa araw na ito may surpresa din palang sasalubong. Unang-una napakaswerte ko at nakapasa ako sa kumpanyang pangarap ko o namin ni Abbie pero ang nakakagulat sa lahat sa orientation kasama ko si Abbie hindi namin inaasahang paglalapitin kami ng tadhana. Sobrang saya ko! sabi ko Lord fries lang hiningi ko sa inyo pero ang binigay niyo eh isang Value meal. Grabe! iba talaga si God kapag sya na ang nagbuhos ng grasya higit pa sa hinihiling mo.

Naging kawork ko si Abbie, pareho naming naiangat sa hirap ang pamilya. Nagkaaminan kami, pareho naming mahal ang isa't-isa. Bumuo kami ng pamilya at naging masaya habambuhay. Si Abbie, siya kasi yung tipo ng babae na PANG HABAMBUHAY! :)

Secret FilesWhere stories live. Discover now