Si Rita isang babaeng nagbibigay aliw, kapag sumapit na ang gabi nag iibang anyo. Mula sa mahirap na pamiya, iniwan ng ama't ina sa kanyang lola. Lumaki sya ng walang ginawa kundi kumayod sa paghahanap buhay. Hindi sya nakapagtapos elementarya lamang ang kanyang naabot kahit matalino ito hindi sapat ang talino kung walang sapat na salapi para makapag-aral.
Mula bata hanggang magdalaga lumaki siya sa pagtitinda ng sampagita sa tapat ng simbahan sa Maynila. Namasukan sa isang karinderya upang maging isang waitress. Nakilala sya ng isang bakla sa pinapasukang karinderya, napansin ng isang bakla ang kagandahang nakatago sa isang babaeng simpleng manamit aw walang napatong na make up sa mukha. "Iha, ang ganda mo naman bakit hindi ka nalang magtrabaho sa akin sayang ang ganda mo kung hindi natin pagkakakitaan ng malaki."
Nagulat si Rita, nagdadalawang isip dahil sa gipit at naghihikahos ang pamilya napilitan itong pumunta sa lugar na kung saan itinuro ng baklang nakilala ang sinasabing club na may naghihintay na trabaho sa kanya. Alam ni Rita ang papasuking trabaho, alam niya na kahit hindi pa niya minsan naranasan ang mga bagay na mararanasan nya sa loob ng club ay napilitan itong pasukin ang trabaho sapagkat alam niyang ito nalang ang natitirang paraan upang maiahon ang pamilya sa hirap ng buhay.
Ako nga pala si Michael minsan akong napadpad sa club na pinapasukan ni Rita. Sinama ako ng aking mga katrabaho napag usapan nilang magtungo kami sa isang kilalang club sa Maynila upang makapagrelax mula sa stress at pagod sa aming trabaho. Hindi ko inaasahang dun ko pala makikita ang babaeng magpapatibok ng aking puso.
Maganda, mabait, simple at may pangarap na babae si Rita. Ngunit sa kahirapan ng buhay kaya nya ito nagawa. Hindi ako nandidiri sa kanya malaki ang respeto ko at bilib ako sa paghahanap buhay nya mabigyan lang ng magandang buhay ang lola nya na kinagisnan nyng magulang.
Nagkalapit kami ni Rita sa umaga ay lumalabas kami. Nagkikwentuhan at nagkamabutihan gustong gusto ko sya bigyan ng magandang buhay na malayo sa kung anong buhay na tinatahak nya ngayon. Si Rita na biktima din ng rape ay hindi ko kinahihiyang mahalin, kung ano man ang kanyang nakaraan at kahit ilang lalaki pa ang dumaan sa kanya hinding hindi ako titingin sa kanyang nakaraan. Ang mahalaga ay ang pag-ibig kong handang tanggapin sino siya at ano man ang kanyang nakaraan.
YOU ARE READING
Secret Files
Short StoryIba't ibang kwento. ibat-ibang pangyayari sa buhay na magbibigay aral sa atin.