Crush

5 0 0
                                    


Bata pa lamang tayo wala akong ibang inisip at ginawa kundi ang mapasaya ka. Bawat araw na pagpasok natin sa paaralan ay tila isang mahiwagang araw para sa akin, nararamdaman ko ang mga paru-parong bumabalot sa buong katawan ko sa tuwing kasama kita. Masaya ako, maligalig at hindi mapapantayan ng kahit anong bagay ang mga oras na nakikita kita at nakakasama.

Lumipas ang mga panahon, magkasama pa din tayo nung highschool. Hindi ko pa din masabi sayo ang tunay na nararamdaman ng pusong duwag. Duwag dahil takot masira ang matagal nating pagkakaibigan. Duwag dahil takot na masaktan na baka hindi ako yung taong makakapagpasaya sayo.

Bawat minuto ng aking buhay, iniisip ko na sana pareho tayo ng nadarama. Pareho tayo na sana ganun ka rin, na sana ako'y mahal mo rin. Mahirap magpanggap mahirap magpanggap na kaibigan lang ang turing. Mahirap itago ang nararamdaman na sa tuwing hihilahin mo ako para ipakita ang mga bagay na nakikita mong maganda, mahirap magpanggap na hindi ako nahuhulog sayo. Mahirap titigan ng matagal ang iyong mukha lalo na ang iyong ngiti. Mahirap.... kasi habang tinititigan kita lalong lumalalim ang pagmamahal ko sayo.

Nagsimula sa crush hanggang sa naging tunay na Pag-ibig. wala akong magawa, ngunit hindi na kaya sasabog na ang puso kong nagpupumilit kumawala mula sa pagtatago ng nararamdaman. 

Dumating na ang araw na hinihintay, araw ng iyong kaarawan ang aking napiling pag amin. Masayang nagbihis, nag ayos para naman sayong paningin ako'y gwapo din. Excited nagtungo sa inyong tahanan, may dalang puting rosas. Alam ko ito kasi ang paborito mo, napaka espesyal ng araw na ito sapagkat ikaw ang pinaka espesyal na babae sa buhay ko.

Malapit na ako, kinakabahan pero punong puno ng saya dahil sa wakas eto na. Ito na ang araw na hinihintay at inaasam asam ko ang umamin at hingin ang kamay mo bilang girlfriend ko. Nasa labas na ako ng gate, sa tapat ng bahay niyo mukhang nalate ako ng konti sa pagkat mula sa loob ng bahay niyo dinig ang hiyawan na tila ba lahat ay kinikilig.

Pumasok ako, narinig ko mula sa iyong mga labi "Guys, maraming salamat sa pagdalo nais kong ipakilala sa inyo si Angelo ang boyfriend ko."

Natulala, humina ang tunog sa paligid, ang puso ko biglang kumalabog ang sakit. Ang sakit sakit! nagkamali ako. Akala ko mahal nya rin ako, akala ko pareho kami ng nararamdaman, akala ko ako din ang gusto nyang makasama. Mali pala ako, talagang bestfriend lang pala ako para sa kanya. Hindi ko alam, biglang gumuho ang mundo ko, naiwan ako sa ere hindi ko na kilala kung sino ako.

Nabitawan ko nalang ang bulaklak na hawak ko, tumaknbo palayo. Umiiyak at nag hihikahos, hindi pala lahat ng bagay ay masaya, hindi pala lahat ng bagay na kahit pinaghirapan mo na ay makukuha mo pa rin. Kapag ang isang bagay ay hindi talaga sayo naka tadhana kahit ipilit mo hinding-hindi talaga mapapasayo. Tandaan hindi man para sayo ang bagay na minimithi mo, ang panginoon ay may mas better na ipagkakaloob para sayo.

Secret FilesWhere stories live. Discover now