• Chapter 36 •

4.9K 132 25
                                    


Chapter 36: Wrong Person

🎧🎧🎧🎧🎧

Jevin's POV:

Hindi kami makapagsalita dahil sa sinabi ni Yisabella.

Hindi magagawa ni Kyle yun. Dahil hindi ugali ni Kyle na magpahalik sa babaeng hindi siya gusto. Kilala namin siya, hindi talaga siya ganun.

"A-And worst" Dagdag pa ulit ni Yisabella kaya napapikit ako. Kahit ayokong makinig, hindi ko maiwasang magintriga sa susunod pang sasabihin ni Yisa.

"What, sweetheart?" Tanong ni Adrian.

"H-He..." At napalunok siya.

Mukhang hindi namin magugustuhan ang susunod niyang sasabihin.

Nanatili kaming walang imik, si Xana naman nakatingin pa rin sa kawalan pero alam naming nakikinig siya sa usapan.

"He kissed back po, hinalikan niya rin si Keisha" Pagkasabi ni Yisa ng salitang yan, hindi kami makapaniwala.

"That's it! Where's that fucking jerk?!" Gigil na sambit ni Leslie, padabog siyang tumayo at luminga-linga para hanapin si Kyle.

Hindi naman kami magkapagsalita, kaming apat. Hindi kami makapaniwala, yung sinabi ni Yisa na ginawa 'daw' ni Kyle, parang imposible naman yun.

We knew Kyle for 14 years already. And for 18 years of existence of Kyle, he never did that. For fuck's sake, tell me this is not happening.

"Sabi na nga ba eh, may tinatago yang si Verdez!" Galit na saad ni Zia, nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang bisita.

This day is ruined, because of what Kyle did. And I can't believe it, we can't believe it.

"What do you mean, Zia?" Tanong ni Daryl kay Zia.

"Kasi di ba kanina lumabas ako ng venue para kausapin sa phone si Leslie, tapos nung pabalik na ako dito nakita ko si Kyle na may kausap rin sa phone. At dahil hindi ko maiwasang macurious kung sino ang kausap niya, nagtago muna ako at pinakinggan ang pag-uusap nila.

Unfortunately, he sounded so sweet towards that person. He even called used couple endearments like sweetheart and sweetie, and worst... he said 'You love me? I know' parang ganun basta ganun yung dating" Sabi ni Zia kaya lalong uminit ang ulo ni Leslie. She can't help it, Xana is her bestfriend.

"Are you sure?" Tanong ni Adrian.

"Sigurado siya sa sinabi niya, dahil narecord niya ang pag-uusap nila" Sabi ko kaya nilabas ni Zia ang phone niya.

"Let me hear it" Pare-parehas naman kaming napatingin kay Xana nang magsalita siya, hindi na nagreklamo si Zia sa utos niya at binigay na lang sa kanya ang cellphone.

Maya-maya, nakarinig na kami ng boses. Totoo naman talaga ang sinabi ni Zia, narecord niya ng hindi niya alam dahil nakafocus siya kay Kyle. Nalaman na lang niya na recorded iyon nang kalikutin ko ang phone niya.

Umabot ng halos dalawang minuto rin ang record, lahat naman sila hindi makapaniwala. Lahat kami.

Pansin ko naman na nadismaya si Xian sa nalaman niya, naiintindihan naman namin siya dahil botong-boto siya kay Kyle para sa ate niya tapos yun na lang yung malalaman niya.

Clash Between Campus Royalties [Completed]Where stories live. Discover now