Chapter 3

5K 198 23
                                    


A/n: Chapter 3 na tayo guys!^^ Congrats satin. Alam nyo na ba kung saang team kayo? Hahaha.  Back to the story na nga tayo.

Rupert's POV

"Arrggghh!!!" *Blogghh*. Napasandal na lang ako sa mga locker pagkatapos kong  hampasin ng baseball bat yung mga members ng base ball team namin, na zombie na ngayon. Nahirapan ako sa kanila dahil puro lalaki. Pitong katawan ngayon ang nakaratay sa harapan ko. Hindi ko inaasahan na maeexperience ko ngayon yung mga binabasa ko. Btw I'm Rupert Matthew Manalili ang korean hearthrob ng eskwelahan na toh na ngayon ay pinamumugaran na ng mga Zombie. Nagtataka siguro kayo kung bakit Johnroy ang tawag sakin ng mga tropa ko, well thats my childhood name. Kamukha ko daw kasi yung Tito Johnroy ko kaya ayun tinatawag na nila ako sa pangalan na yun. Basically si Melvin lang ang tumatawag sakin nun dahil childhood friends kami, si Nicolas naman nakigaya na lang. Mahilig ako sa mga fictional stories at sci-fi stories din pero hindi ko naman gustong mangyari talaga yun sa totoong buhay noh. But now may outbreak na, buti na lang nabasa ko yung libro na about sa mga zombie na binigay sakin ni Jhayar. Kaso lang hindi ko pa natapos dahil sa ugok na si Nicolas. Simula kasi ng nagkahiwalay kaming tatlo ang dami ko palaging nakakaharap na mga zombie. Pano kaya nagsimula ang apocalypse na toh? I must know. Naglalakad lang ako papuntang quadrangle looking for my friends. Sana naman buhay pa sila. Dala dala ko pa rin yung baseball bat na puno na ng dugo. Pati yung uniform ko puno na rin ng blood.  Pagpasok ko sa quad napaurong ako pababalik sa nakita ko. Ang dami kasing zombie doon kung tatansyahin siguro mga 30+? Aalis na sana ako ng makarinig ako ng iyak ng babae.

"Dito ka lang sa likod Jana.Tahan na kayang kaya toh ni kuya" may hawak yung lalaki na dos por dos na kahoy. May mga talsik ng dugo na rin sa uniform nya.

"Pero kuya ang dami na nila kanina ka pa *sobs* nakikipaglaban sa mga halimaw na yan *sobs*" iyak ng babae na nakatago sa likod ng kuya nya.

"Dont worry yakang yaka toh ni kuya" tapos nagsmile sya sa kapatid nya.

"Kuya mag ingat ka ahh!!"

Hinahampas ng lalaki yung mga zombie na nagtatangkang lumapit sa kanila.

*Blloooggsshhh* pagtalsik ng mga zombie pero agad naman itong tumatayo.

"Hampasin mo sa ulo!!" sigaw ko. The head is their weakess point. Sinunod naman nya yung sinabi ko at at ayun hindi na muling bumangon yung zombie na pinalo nya. Kaso napunta yung atensyon sakin ng ibang zombie dahil sa pagsigaw ko.

Tss. Mapapalaban na naman ako. Hinanda ko na yung baseball bat na hawak ko at *swiisshh* putok yung ulo ng zombie na hinampas ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at nagtalikuran kami.

"Salamat dre" bulong ng lalaki.

"Mamaya ka na magpasalamat. Hindi pa tayo ligtas." Nasa likod namin yung babae na mukhang takot na takot na. Sh*t ang dami talaga ng mga zombie na toh. Hindi namin sila kakayaning lahat.

Hingal na hingal na rin tong kasama ko, kanina pa siguro toh nakikipaglaban.

"Dre may plano ako. Kukunin ko yung atensyon nila, lumabas na kayo agad dito sa quad."

"Pero pano ka? hindi mo sila kakayanin ang dami kaya nila."

"Dont mind me iligtas mo yang kapatid mo." agad na kong sinugod yung mga zombie, gumawa ako ng space na madadaanan nila. "Sige na dre!" labag man sa damdamin nya hinila nya yung kapatid nya at dumaan sa space na ginawa ko paalis sa mga zombie na toh na naglalaway na.

"Salamat sa tulong dre" sabi nung lalaki. Yung babae naman nakatingin lang sakin.

"Keep safe Rupert" sinabi nung babae without a sound. Yung parang lip sing lang?

Last Breath: Zombie Attack ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon