Chapter 17

2.9K 110 17
                                    

Rupert's POV

Paikot ikot lang kami ni Bryan sa loob ng mall. Nagbabakasakaling makita namin sila Melvin. May mangilan ngilan din kaming zombies na nakasalubong but instead na gumamit ng baril we used to choose sa close combat with them using my baseball bat, si Bryan naman nakakita ng tubo along the way. Mahirap na kapag gumamit kami ng baril sa kanila.

Nandito kami ngayon sa fourth floor ng mall ng sumilip kami sa baba. Mula kasi doon kita ang main entrance ng lugar. Maraming zombies ang nagpapasukan sa loob dahil sa ingay na ginagawa ng fire alarm.

"Ang dami nila pwede tayong matrap" bulalas ni Bryan. Totoo naman yung sinabi nya. Ilang horde din ng zombies ang pumapasok ngayon sa mall.

"We must find them" dali dali kaming nag lakad para hanapin yung dalawa.

Nang may nasalubong kaming grupo ng mga zombies.

"Sh*t" nag cuss si Bryan. Marami rami din kasi yung mga zombies na yun.

Tumakbo yung mga halimaw papalapit sa direksyon namin. Hinigpitan ko yung hawak sa baseball bat na dala ko.

*Baaaaggggg*

Hinampas ko yung ulo ng zombie na lumapit sakin. Pumutok ang ulo nito at kumalat ang dugo sa sahig.

Nakita kong ganun din ang ginagawa ni Bryan. Magtalikudan kami at napapalibutan ng maraming zombies. Lahat ng lumalapit samin ay pumuputok ang ulo. May mga blood stain na rin sa mukha at damit namin.

*RRRRAAAAWWWRRR* ungol ng mga nakapalibot saming halimaw. Nagagrinding sila ng mga ngipin nila.

"Ang dami nila" hinihingal na si Bryan. Tumutulo na rin ang pawis nito.

"Focus lang matatapos din toh" tinignan ko isa isa yung mga zombies. Naaagnas na ang mga balat nila, yung iba wala ng mata. Masangsang din ang amoy na nagmumula sa kanilang katawan. Natigilan ako sa pag aanalyze sa mga buhay na bangkay ng makakita ako ng pamilyar na damit.

"Mama" nilingon ako ni Bryan. Biglang bumuhos ang luha ko. Ayoko mang tanggapin pero si Mama yun. Suot ng zombie na yun ang damit ni Mama ng makita ko sya sa Tv.

"Rupert?" tawag ni Bryan sa pangalan ko. Hindi ko sya nilingon, nakatitig lang ako sa zombie na gustong gustong kainin ang laman ko.

"Mama, Mama, Mama,Mama" paulit ulit kong tawag. Feeling ko mababaliw na ko dahil sa nakikita ko. Si Mama ba talaga yan? Kahit naaagnas na ang ibang parte ng mukha nya alam kong si Mama yun.

"Rupert ano ba!!!" hinampas ni Bryan ang isang zombie na nagtangkang lumapit sakin.

Nakatayo lang ako doon na para bang istatwa.

-------++++++------

Kaito's POV

Salamat sa Diyos nakababa na din kami mula sa kisame.  Andito kami ngayon sa isang Grocery, si Nicolas naghahalungkat ng pagkain. Nakakita kasi sya ng bagpack doon, yung parang free sa tuwing bibili ka ng 1000+ na item nila. Pinupuno nya yun ng mga pagkain.

"Melvin ano ba mas masarap? " inangat nya yung dalawang brand ng chocolate.

"Kahit sa ganitong panahon pagkain pa rin ang inaatupag mo" tinalikuran ko na lang sya at nagtingin tingin sa paligid.

"Ang kj mo talaga energu boosting foods naman tong kinukuha ko. Para may energy tayo para makipag habulan sa mga zombies" hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa pagtingin tingin.

Last Breath: Zombie Attack ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon