Chapter 8

3.8K 144 12
                                    


A/n: Hello guys.^^. Salamat sa mga nagvovote ahh. Hohoho kaya mahal ko kayo eh. Back to the story na tayo.

Kaito's POV

Pagkatapos naming kumain at magpahinga agad na kaming bumaba mula sa rooftop. Dala ng mga sandata namin at handa ng makipag bakbakan para mabuhay.

Yung mga girls nasa likod lang namin, back up sila incase na may unexpected zombies na lumabas.

Konti lang naman yung mga zombies na nasasalubong namin pababa ng building na toh. Pagdaan namin sa CAT room nandoon pa yung walang ulong katawan ni Mam Marie. No sign of sir Glen? Nakaligtas kaya sya?

Malapit lang naman sa kinaroroonan namin ang parking lot. Kaya I think hindi kami masyadong mahihirapan.

"Guys naalala ko lang. Diba may school bus tayo? Why we use it na lang kaysa hiwalay hiwalay tayo nang sasakyan? Besides mas safe yun" suwestyon ni Cj.

"Ang tanong nakanino ang susi nun?" tanong sa kanya ni Nicolas.

"Mang Fred!!! He got the keys" sagot naman ni Jovy.

Paglabas namin ng building sumalubong samin ang batalyong mga zombies. Pero mukhang hindi pa nila kami napapansin. Palakad lakad lang sila, na parang walang destinasyon.

Kumuha si Caitlin ng bato at buong lakas nitong binato sa isang kwarto. Nabasag nito ang bintana dahilan para makagawa ng ingay. Naglapitan doon yung mga zombies.

"Attracted to sounds ahh" mahinang sabi ni Jean yung mataray.

"Guys tara na bago pa tayo mapansin ng mga zombies na yan" sabi ni Caitlin. Agad na kaming kumilos papuntang parking lot. May mga zombies din doon pero kakaunti na lang.

Ginawa ulit ni Caitlin yung ginawa nya kanina and ayun nag alisan na yung mga zombies. Sumenyas naman si Bryan na umusad na. Kanina ko pa napansin na nagpapaka leader ang isang toh. Tss. ayoko mang sumunod I have no choice,.. Ayoko namang ipahamak tong mga kasama ko. Dali dali na kaming lumapit sa mga nakapark na sasakyan. Nang nakita ko yung kotse ko medyo na tuwa ako. Ang ganda pa rin nito buti na lang walang nagtangkang gamitin toh.

"Guys wala na yung bus." sambit ni Cj.

"Mukhang may ibang gumamit"sagot ni Nicolas.

"Hindi baka nagmall? O di kaya niligtas na yung sarili nya sa mga zombies" sarkastikong sagot ni JL kay Nicolas.

"Alam mong babae ka. Nakakapikon ka na., Inaano ba kita ahh?!" bulalas ni Nicolas.

"Alam mo po kasi Mr MVP/Birdbrain wag kang magtanga tangahan. Nakita mo na ngang wala yung bus diba? Syempre may gumamit na nun. Hindi lang tayo ang pwedeng survivor ng BPA noh!" kumunot na yung noo ni Nicolas. Saming tatlo sya yung pinaka mahaba yung pasensya pero mukhang napipikon na talaga toh sa itsura ng mukha nya.

"Oh come on. Sabihin mo na kasi kung bakit ang init ng dugo mo sakin?!!" mataas na yung boses ni Nicolas nun.

"Guys tama na yan please. " pang aawat ni Jovy

"Haha you want to know why? Cause I hate you!!!! Your the reason why ate Mitch ruined her own life. At hindi mo alam yun!!! You bastard!!!" para namang nagulat si Nicolas sa sinabi ni JL.

"Remember Mitchelle Sio Loon? She's may older sister. The one you left heartbroken dahil gwapong gwapo ka sa sarili mo, ganyan kayong mga lalaki eh. Pinaglalaruan nyo yung puso naming mga babae. All of this years lagi syang nakasunod sayo, wanting to be notice. Ito naman kasing ate may pagkatanga din sabi ko na nga na tigilan na ang kahibangan sayo ayun tinuloy pa rin. At ito ka naman pinaasa mo pa, Flirt ka ring tarantado ka! Ayun tuloy umasa yung ate ko tapos ano sasabihin mo na lang sa kanya na laro laro lang yun? Gago ka pala eh.!!!! Ang dapat sa mga katulad mo pinapakain sa mga patay gutom na halimaw na yan eh.!!!! At ang masakit pa ha!!! I saw her one of those creatures na humahabol satin. Siguro kung hindi sya nagkaganun siguro nanaisin pa nyang mabuhay. Nagpakain sya dahil wala na daw saysay ang buhay nya. Leche naman eh. Dapat ikaw na lang yung kinain nila hindi yung ate ko!!!!!" napaupo na sa sahig si JL at nag iiyak. Grabe all this time pala yan ang tinatago nya samin. Nilapitan sya ni Jovy at niyakap.

Last Breath: Zombie Attack ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon