--My Bestfriend is a Gangster--

90 1 1
                                    

[Nica's POV]

"Nica pansinin mo naman ako." pangungulit sakin ni Kai.

"Kai naman, kelan mo ba ko titigilan?!" galit na sabi ko. Bwisit kasi eh! Nasisira beauty ko dito sa lalaking 'to eh!

"Pag sinagot mo na ko!" sabi niya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayoko pa ngang mag paligaw! Masyado pa tayong bata!" sabi ko."Di na tayo bata! Teenager na tayo!" sabi niya.

"Iiihh! Kahit na! Ayoko pa din!" sabi ko sabay tayo at walk out. Hays! Kelan ba ko titigilan ng pesteng yun?! =_=

"Nica, wait!" sigaw ni Kai. Akala ko nakalayo na ko sa kanya pero di pa pala. Sinundan niya ko, at ngayon ay hawak niya ko sa kamay.

"Ano ba Kai bitiwan mo ko!" sigaw ko habang nag pupumiglas, pero di pa din siya bumibitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Puta! Pinag titinginan na kami ng mga schoolmates namin oh! Mamaya ma-issue pa ko dito eh!

"Bitiwan mo siya." napalingon ako sa lalaking nag salita mula sa likod ko. Yehet! Buti na lang dumating na ang superhero ko! (^_^) Nag pumiglas ulit ako at sa wakas! Nakawala na din ako mula sa pagkakahawak ni Kai.

"Eepal ka nanaman ba samin ha?!" sabi ni Kai kay Suho.

Hindi na nagsalita pa si Suho at hinila niya na lang ako papalayo kay Kai. Pero sa kabwisitang taglay ni Kai, humarang siya sa dadaanan namin ni Suho kasama yung mga mukhang ipis niyang ka-barkada. =_=

"Wag na wag mong kakalimutan yung napagusapan natin ah." sabi ni Kai kay Suho sabay alis. Nakakatakot siya nung sinabi niya yun. Ang seryoso ng mukha niya. Feeling ko, may gagawin siyang masama.

"Let's go." sabi ni Suho sabay hila ulit sakin papuntang canteen.

Pagdating namin sa canteen ay naupo kami sa pwesto namin. Dito kami laging umuupo. At wala nang iba pang may karapatang umupo dito sa pwesto namin dahil yari sila kay Suho! (^_^) Sa bandang sulok 'to ng canteen at pang dalawahang tao lang siya.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sakin ni Suho habang nakangiti. His smile.. Para siyang anghel pag nakangiti!

"Huy! Wag mo nga kong titigan! Nai-inlove ka nanaman sakin eh!" sabi niya sabay pitik sa ilong ko.

"Langya ka! Kapal ng fes mo!" pagde-deny ko. Tangina, matagal na kaya kong inlove sayo!

"Ahahah! Ano ba gusto mong kainin?" tanong niya ulit.

"Libre mo ko?" tanong ko sa kanya habang kumikinang ang mga magaganda kong mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend is a Gangster [Suho FanFiction] [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon