BWISIT KA MILLIE

301 3 0
                                    

Uhm, skl, pero wala pong kinalaman titles ng chapter sa content n'ong chapter. (Anuraw?) But 'yon nga, basta, hayaan niyo 'yan. Nabibwisit lang talaga ako kay Millie.

---------

"Tayo pa rin ba sa next lifetime?" he smiled widely at me while I couldn't say a thing.

Tears escaped my eyes.

"Ba't ka umiiyak? Hindi ka ba masaya kay santo? Sabi sa 'yo, sa 'kin ka na lang, e." tawa lang siya nang tawa habang umiiyak ako sa harap niya.

"Gwapo pa rin ba 'ko? Nagmakaawa pa kasi ako sa Kaniya na i-keep 'yong dati kong mukha para mas madaming ma-inlove na multo sa 'kin, e."

"Masaya ako na nakahanap ng Gen si Parker. Kahit hindi Imogen, at least may Gen."

"Akala ko PG lang kayo n'on ni santo, SPG din pala kayo. Nakarami kayo, ah," sabi niya.

"Wala ka bang sasabihin kahit ano? Starstruck ka naman sa kagwapuhan ko? Alam ko naman 'yon. Kaya sa next lifetime, ako na. Promise, wala ng Bianca. Traumatized na 'ko, 'no. I learned the hard way." kumindat siya sa 'kin.

"Galit ka ba sa akin? Ba't ayaw mong magsalita?" tanong niya kaya umiyak ako lalo saka lumapit sa kaniya.

"I'm sorry, Parker." tears kept on falling. Hinawakan niya 'yong pisngi ko tapos inalis 'yong mga luha.

"'Di ba, sabi sa 'yo 'wag kang mag-sorry? Kasi wala kang kasalanan. Si Bianca lang 'yong deserving para mag-sorry. Saka tumigil ka na kakaiyak. Magiging blurry patungin mo at hindi mo makikita nang maayos kung gaano kagwapo 'yong pinakawalan mo. Joke."

"Basta, lagi kang mag-iingat. Sabihin mo kay Shiloah, bawas-bawasan na ngayon. Matatanda na kayo. Kahit twice a week na lang," he said while laughing.

"Anyways, aalis na ako. Ingat ka palagi. I love you, Mrs. Yapchengco ko." kumindat siya sa akin.

"Are you okay?" the voice wake me up.

I didn't answer. I looked at the time and it was 5:04 AM.

Tumulo uli 'yong luha ko.

"Shiloah . . . Can we . . . visit the cemetery today?" I asked and he only nodded.

"Of course." and then he smiled.

WHAT IF PARKER Y. DIDN'T DIE(a fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon