Kabanata 3

141 9 0
                                    

"Rosa ang iyong ngalan, hindi ba?"
Isang pamilyar na boses ang aking narinig. At nang lumingon ako ay siya nga ang aking inaasahan.

"Opo,Colonel Julian."
"Binibini, Matanda na ba talaga ako para sabihan ng Opo?"
"Pasensya na Colonel nagbibigay galang lamang."
"Sige, kung iyan ang iyong nais. Ngunit ano ang iyong ginagawang mag-isa dito sa balkonahe?"
"Nagpapahangin lamang, Colonel."
"Maaari ba kitang samahan ditong magpahangin?"
"Maaari naman Colonel, hindi naman ako mababahala."
Tumahimik ang paligid at walang ni isa saamin ang nagsalita ng tanungin nya ako.
"Maaari ka bang magkwento ng mga bagay tungkol sa iyong sarili?"
"Sige Colonel... Ang buong pangalan ko ay Rosaria Palma y Servades. Ako ay labing-pitong (17) taong gulang. Ako ang nag-iisang anak ng aking mga magulang. Ang aming pamilya ay mayroong negosyo, nagbebenta kami ng bigas sa iba't ibang parte ng Maynila, kaya't ako at ang ina ko lamang ang natitira sa aming tahanan...C-colonel Ikaw naman kaya ang magkwento."
Tumawa siya at ngumisi saakin. Hindi maipapagkaila na gwapo ang Colonel Julian.
"Ang pangalan ko ay Julian Del Pilar. Anim kaming magkakapatid. At ako ang pinakagwapo saamin, oo, mas gwapo pa kay Goyong."
"Napakalaking tulong na malaman kong ikaw ang pinakagwapo sainyong magkakapatid." Sarkastiko kong sambit.
"At "mas" gwapo kay Goyong." Dag dag nya... At iyon naman ang dahilan kung bakit ako natawa.
"Na mas gwapo kay heneral goyo... Oo na..."

Humaba-haba ang usapan namin ng Colonel. At nakakagulat na masaya siyang kasama. Naiiba ang kanyang personalidad sa kaniyang itsura, dahil lagi siyang naka seryoso.
"Magkaibigan na tayo ngayon Rosa. Kung may problema ka ay sabihin mo lang saakin huwag kang mahihiya."
"Salamat, Colonel."
"Julian na lamang."
At nginitian ko nalang siya nang napaka laki.
"Salamat ulit Jul--" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng sumulpot si Heneral Del Pilar.
"Kuya, anong ginagawa mo dito at kasama mo pa ang binibining iyan"
Iyan? May pangalan ako Heneral! Rosaria Palma y Servades. Hindi ba't napaka ganda? Hmmph alam kong hindi ko maaaring sabihin ito kay heneral. Baka mamaya tutukan nya ako nang baril.
"Pasensya na po Heneral, aalis na lamang ako."
"Rosa--" hindi na natuloy ang sinasabi ni Julian dahil pinigilan ito ni Heneral

Mukhang hindi ko magugustuhan ang ugali netong heneral na ito... Pag kaharap si Remedios akala mo ay isang santo!
Nagtungo na lamang ako kay Marianna, dahil hindi ko na nagugustuhan ang atmospera dito.
"Marianna, umuwi na tayo."
"Sige tayo'y magpaalam na.

Nagpaalam na kami sa mga Nable Jose.
"Maraming salamat po sa pag-imbitang muli, kaysarap po ng mga inihain ninyong pagkain." Tumungo ako ng bahagya upang magpakita ng pag-galang. Si Marianna naman ay nauna nag umalis dahil may kailangan pa daw syang asikasuhin.

Habang ako ay naglalakad pauwi ay nakasalubong ko ang karwahe ng mga Del Pilar.

"Binibining Rosa, delikadong mag-lakad ka nang mag-isa, ngayon at malalim na rin ang gabi." Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Julian.
"Ayos lang po ako mga ginoo. Malapit lang naman ang aming tahanan. Mabilis naman po akong maglakad."
"Nako, hindi pwede halika na sumabay ka na saamin..."
"Nguni--"
"Sakay." Malamig na sabi ni Heneral Gregorio... Ang kanyang boses ay ma-awtoridad kaya't napilitan na lamang akong sumakay,
"Ito namang si Goyong masyadong seryoso, huwag mo naman takutin ang binibini."
Habang kami ay papunta sa aming tahanan ay kinausap ako ni Heneral.
"Binibini, sa susunod huwag ka nang tatanggi sa utos namin."
"Goyong!" Pagsaway ni Julian kay Heneral.
"Pasensya na po Heneral." Hmph! Kung hindi ka lang heneral ay kanina pa kita hinulog sa karwahe na ito.
Pagkatapos kong sambitin iyon ay tumahimik ang paligid. Walang ni-isa  saamin ang nagsalita. Hanggang sa makarating na kami sa aking tahanan.
"Dito nalang po ako mga Ginoo...Maraming salamat po."
"Paalam Binibini..." Sabi ni Julian.
Inasahan kong magpapaalam din saakin ang heneral ngunit nakatingin lang sya sa kalangitan.
kay sungit talaga ni Heneral
Nang ako ay makapasok ng aming tahanan ay nakita ko ang aking ina na natutulog.
"Siguro ay hinintay mo na naman ako... Mahal kita ina."
Hindi ko na sya pinalipat sa kanyang kwarto dahil mahimbing na syang natutulog.
Dinalhan ko na lang sya ng  kumot at ako ay nagtungo na sa aking silid.

...
Maaga akong nagising dahil tinulungan kong maghanda si ina nang umagahan.
Habang kami ay kumakain, ay naisipan kong huwag muna umalis nang bahay at makipag kwentuhan nalang sa aking ina.
"Ina, magtungo kaya tayo sa plaza, mamili tayo nang mga bagong baro't saya para sa ating dalawa."
"Magandang ideya nga iyan, sige na ubusin mo na ang iyong pagkain at mamamasyal tayo."

Pagdating namin sa plaza ay nagtungo muna kami ni ina sa pamilihan nang mga Baro't saya.
Kay ganda naman nang mga ito.
"Pumili ka lang dyan anak."
"Opo, Ina"

Natapos na kaming bumili nang mga Baro't saya kaya kami ay nagtungo sa pamilihan nang mga palamuti.
Marami pa kaming ginawa at pinasyalan. Tulad nang ilog, sa ilog naman kami namangka at nagkwentuhan.

Natapos ang aming papamasyal sa hardin nang mga magagandang bulaklak.
"Sing ganda mo ang mga bulaklak na ito anak. Tuwing nakakakita ako niyan ay ikaw ay naaalala ko."
"Bakit naman ina?"
"Dahil sa iyong kagandahan at sa iyong amoy na kaysarap amuyin!" Kay sarap naman makipagkwentuhan sa aking ina. Inamoy amoy pa ako. Hahahaha!

Tumagal kami nang isang oras sa hardin at pinanood din namin ang lumubog ang araw. Isa ito sa pinaka magandang pangyayari sa aking buhay, ang makasama ang aking pinakamamahal na ina.

...

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon