Kabanata 4

127 5 1
                                    

"Rosa, gumising ka na. Nakahanda na ang pagkain sa kusina. Baka lumamig na iyon." Nagising ako sa napakalambing na boses ni ina. "Halika na, kumain na tayo dahil baka maiwanan pa ako ng barkong sasakyan ko."
Agad akong gumising, nakalimutan ko na ngayon pala aalis si ina patungong Maynila. Dumating ang kaniyang kaibigan galing Estados Unidos inimbita siyang mamasyal sa Maynila, nais sana akong isama ni ina ngunit alam ko na magiging sabagal lang ako sa kanilang pagkikita.

...
Magtatanghali na at kanina pa umalis si ina ng may narinig akong paparating na karwahe. Lumabas ako upang tignan kung ano ang mayroon. Nakita ko ang isang lalaking naka rayadillo, mukhang sundalo ito.
"Kami ay ang mga sundalo ng Brigada Del Pilar, naghahanap kami ng mga bagong kasapi ng Krus Roa.
Mga babaeng labing-anim pataas ay hinihikayat naming sumali. Ilista nyo lamang ang inyong mga pangalan sa papel na aking ibibigay, magbabalik kami dito bukas ng umaga. Hinihingi namin ang inyong kooperasyon. Maraming salamat." 
Krus Roa? Iyon ata ay ang grupo ng mga kababaihang gumagamot sa mga sundalong sugatan. Habang nakikita ko na naglilista na ng mga pangalan ang mga kababaihan sa aming lugar ay biglang may tumawag saakin.
"Rosa" Si Marianna. Mukhang nagmamadali sya.
"B-bakit?" Tanong ko.
"Huwag kang sasali sa Krus Roa ano man ang mangyari." Nagtataka ako kung bakit ganon na lamang ang pag-aalala niya.
"Wala naman talaga akong balak sumali diyan."
"Dapat lamang."
Pinapasok ko muna si Marianna sa aming tahanan.
"Wala dito si ina hanggang sa sabado, maaaring dito ka muna tumuloy."
"Alam ko naman iyon kaya't may mga gamit na ako na dala. Ngunit mas mahalaga ang sasabihin ko kaya't makinig ka ng mabuti. Mamayang hapon ay magpupunta tayo sa simbahan, nandoon si Remedios. Ngayon, ay makikipag kaibigan ka sa kanya. Ang una ninyong pagkikita ay hindi pa parte ng iyong misyon. Ngayon lamang ito magsisimula, kaya't wala sanang kahit anong humadlang sa iyong misyon."

...
Nandito kami ngayon sa simbahan ng San Jacinto. Nakita ko si Remedios na nagtitirik ng kandila. Upang mapansin nya rin ako ay nagtirik din ako ng kandila.
"R-rosa? Marianna?" Napansin nya rin kaming dalawa...
"Remedios! Kamusta na?" Tanong ko.
"Ayos naman...Huwag naman tayo dito mag-usap magagambala natin ang mga nagdadasal. Tara doon tayo sa Ristorante de San Jacinto. Ako na ang bahala sa ating kakainin"
...
"Ililibre ko na kayo. Pumili lang kayo diyan ng gusto ninyo."
"Nako, maraming salamat ah." Sagot naman ni Marianna.
Sinigang...Kare-Kare...Adobong Manok. Napakasarap naman nito.

Nakapili na kami ng kakainin, kaya't nagkwentuhan muna kami.
"Kilala nyo naman siguro si Heneral Gregorio hindi ba?" Biglaang tanong ni Remedios. Mukhang gusto rin ata ni Remedios itong si Gregorio ah. Magiging madali nalang itong misyon ko.
"Oo, Bakit? Gusto mo ba sya?"
"N-nako hindi ah. Sadyang napaka kisig nya lang."
"Alam mo'y bagay kayong dalawa." Singit ni Marianna.
"Nako, hayaan mo Remedios, tutulungan kitang malalapit sa kanya, malapit kong kaibigan ang kanyang kuya na si Julian."
"Ano ka ba, hindi ko naman gusto si Heneral Gregorio." Alam kong kahit hindi nya sabihin ay gusto nya ang heneral. nakikita ko sa kanyang mga mata ang kinang sa t'wing sinasambit ang pangalan ng heneral.
"Ako ang bahala sa iyo." Sabi ko kay Remedios, dahil patuloy lang sya sa pagdepensa sa kaniyang sarili na hindi nya gusto ang heneral...

Dumating na ang mga rekado at nagsimula na kaming kumain. Nakakabusog naman ito, ngunit mas kakain
Ba at mas masarap naman ang luto ni ina. Habang kami ay kumakain ay si Gregorio lang ang bukambibig ni Remedios, nakakatuwa mukhang sila talaga ang nakasulat sa tadhana. Walang sino ang makakapigil sa pag-iibigan nila, nasisigurado ko iyon.
Pagtapos namin ay nagtungo na kami pauwi ni Marianna.
...
"Marianna, Dito ka muna matulog sa kwarto ng mga bisita. Kung may kailangan ka sabihin mo lang."
"Pupunta si Gregorio bukas dito sa bayan ng San Jacinto. Pagkakataon mo na ito." Putol ni Marianna sa sinabi ko.

Patungo ako sa aking kwarto. Inihanda ko na ang aking hihigaan at natulog na ng mahimbing.
...
Umaga na at kausap ko ngayon si Julian Del Pilar, Narito kami ngayon sa Plaza San Jacinto, Kasama ko si Dolores, Remedios, at Marianna. Humingi ako ng tulong kay Colonel Julian upang paglapitin si Heneral at Remedios.
" Julian, Sana ay mapagbigyan mo ang aking hiling, Hikayatin mo sana ang Heneral na makipag lapit at makipag kaibigan kay Remedios. Alam ko kasi na gusto ni Remedios si Heneral."
Napangiti ang Colonel at sinabing "Sige, alam ko din naman na mukhang may pagtingin si Goyong sa Binibining iyon." Natuwa ako ng malaman na may pagtingin si Heneral kay Remedios.
"Salamat Julian!"

Nandito ang brigada del pilar dahil nanghikayat sila ng mga binibini na sumali sa Krus Roja ng kanilang brigada.
Nahagip ng aking paningin si Heneral, may kasama siyang babae at mukhang inaakit niya ito. Narinig ko na rin ang sabi-sabi na bawat bayan na kanyang pinupuntahan ay mayroong siyang iniiwang babaeng luhaan. Ngunit alam kong mababago siya ni Remedios dahil sadyang napaka bait at napaka ganda ni Remedios, isa pa ay mayaman at matalino din daw ang binibini. Siguradong wala nang hahanapin pa si Heneral Gregorio.

...
Naka upo ako ngayon sa gilid ng puno. Nang bigla akong lapitan ni Remedios
"Rosa, Anong sasabihin ko? Inaya ako ng Heneral na kumain at mamasyal mamayang gabi. Anong gagawin ko???" Mukhang kinakabahan si Remedios. "Pumayag ka Remedios, alam ko na mabait na ginoo si Heneral hindi ka nya pababayaan." Todo ang ngiti na aking ibinigay kay Remedios upang huwag siyang kabahan.
"Salamat Rosa, O siya aalis na ako at kailangan ko pang mag-ayos. Paalam!"
"Paalam!" At tuluyan na siyang umalis....
"Ayos na ba???" Nagulat ako dahil kay Julian.
"Salamat! Sa tingin ko ay masayang masaya ngayon si Remedios." Niyakap ko siya dahil sa tuwa. At ako'y nagulat sa aking iniasta. "Mukhang masayang masaya ka talagang nagkakalapit ang dalawa."
"Sige mauuna na ako, kailangan ko pa asikasuhin ang mga babaeng sasali sa Krus Roja." Dagdag niya
"Sige, maghanap ka na ng babaeng mamahalin." Natawa ako sa naging reaksyon niya.
"Maaari naman iyon Hahahahahaha!!! Sige na kailangan ko nang umalis. Paalam." Tinunguan ko na lamang siya.
Habang tinatanaw kong papaalis si Colonel ay may tumawag saakin, sa aking paglingon ay nakita ko ang
Isang lalaking naka Rayadillo at may hawak na sulat. Napaka amo ng kanyang mukha ngayon kaysa sa dati. Parang ito ang aming unang pagkikita.

"Rosa, Gusto mo bang sumali sa Krus Roja?"

~Hindi mapigil ang bugso ng aking puso
Sa t'wing ako'y nakatingin saiyo, maaari
bang hingin ang iyong kamay, hawakan
Mo at wag mong bitawan.~

Nagtama ang aming mga mata...
"Pasensya na Heneral ngunit hindi ko alam kung papayag ang aking ina."
"Sige, sa ngayon ay ibibigay ko muna saiyo ang kasulatan na ito. Kung maaari sana ay sumali ka. May potensyal ka."

Dati ay napaka sungit saakin ng ginoong ito, tapos ngayon ay napaka lambing.
Ngunit ng sandaling magtama ang aming mga mata ay ngayon ko lamang mas napansin ang magaganda niyang mata ang maganda niyang labi---Ngunit ano ba ang aking iniisip?
Si Gregorio ay para kay Remedios lamang at iyon ay ang nakasulat sa tadhana.

...
Ayan! Nakapag update din!
Henlo sainyo! So sa last part Medyo kinilig ako sa last part.
Tapos pumasok yung kantang 'Huling Sandali' Ahhhhh!
So official soundtrack neto is Huling Sandali by December Avenue HAHAHAAHAHAHHA
Try listening to this!
Always Like/Vote/Comment so I can get motivations on continuing this story!

Tadhana; (A Gregorio Del Pilar Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon