"Sigurado ka ba, Anak? Siya talaga 'yon?" Seryosong tanong sa akin ni Mama
Napahinga ako ng malalim bago sumagot sa kaniya
"Opo, Ma. Siya nga yon. Gosh, ang tagal natin siyang hinanap!"
Muli kong tinitigan ang lalaking kanina pa namin sinusundan ni Mama. May katangkaran siya, di ganon kaputi, katamtamang ilong at labi, medyo kulot, at maamo rin ang mukha.
Not bad para maging future husband ko.
Yes, I know. He's going to be my future husband. When I was 14 years old bigla na lang lumabas sa panaginip ko ang stranger na 'to, showing that I'm going to be his wife, that I'm going to be his future.
Noong una, hindi ko pinapansin ang palagi niyang paglabas sa panaginip ko. Pero nagtaka na ako, kasi the fact na di ko naman siya kilala, eh ang linaw linaw ng mukha niya sa panaginip ko at yung mga nangyayare. Parang alam na alam na ng utak ko at parang kilalang kilala ko ang buong pagkatao niya.
Ahm, you see guys... before sumulpot sa panaginip ko ang lalaking 'to, I can predict my OWN future. Yes, nakikita ko ang pwedeng mangyare sa future KO through my SWEET DREAMS. Pero nagbago ang lahat nung magsimula kong mapanaginipan ang lalaking 'to. Nag-iba ang kaso ko. Nanaginip pa rin naman ako ng future pero iba na kasi...
Ang napapanaginipan ko na ay yung kinabukasan niya, like what the heck?? Yung future niya ang nakikita ko sa panaginip ko! Nakikita ko na tipong parang nanonood lang ng TV at siya yung bida!
Like, nakita ko kung paano siya naging engineer, kung paano matatapunan ng kape sa isang restaurant, matalamsikan ng putik dahil sa bus, napanaginipan ko din na mamamatay yung alaga niyang aso, manganganak yung alaga niyang pusa, mananakawan siya sa bus, maiiwanan ng flight, madudukutan sa quiapo, mawawalan ng tsinelas sa beach kaya nagyapak ng tatlong oras, mapa-flatan ng gulong sa daan at pati yung aksidente niya sa isang illegal car racing kasama ng mga barkada niya. Nag-alala nga ako ng medyo sa kaniya non. Ginusto ko siyang balaan noon pero, di ko naman alam kung paano. Hindi ko siya kilala, never kong narinig ang buong pangalan niya sa mga panaginip ko eh. Only his nickname na "Mad", eh ano naman kayang klaseng nickname 'yun di ba? Paano ko naman makikita kung saan mang social media sites yung name na yon, though I've tried. Sinubukan ko pa rin siyang hanapin and trust me sinubukan ko talaga. Pero di sapat ang three letters niyang pangalan eh.
Pero, to be honest, di naman ganon ka-bothersome sa akin ang makita ang future niya. Kaya lang syempre, this never happened to me, yung mapanaginipan ang kinabukasan o ang mangyayare sa buhay ng ibang tao bukod sa akin. Sa kaniya lang talaga. And dahil nga di ko naman siya kilala, nahihirapan akong balaan siya sa mga minor problems na pwede niyang kaharapin. Mabuti na nga lang, so far puro magagaan na problema lang naman ang nakikita ko.
Sometimes nga, para na akong nanonood ng short vlogs niya sa panaginip ko eh. Di naman OA na araw-araw nanaginip ako tungkol sa kaniya, minsan nga halo-halo na rin sa isang gabi yung mga nangyayare. Minsan chronological, madalas hindi. Pero at some point nagiging updated na rin ako sa kaniya.
Araw-araw---- I mean gabi-gabi ganon lang ang scenario ko, ang mapanaginipan siya and makita ang pwedeng mangyare sa future niya UNTIL THIS THING HAPPENED BES! Kung pwede nga lang ang mabalaukan sa panaginip baka hanggang ngayon di pa ako tapos.
KASI...
One normal night, napanaginipan ko na lang, ako na yung sumulpot sa future niya. Kasama na ako sa life ng taong 'to and I don't know why and I don't know how. Di ko alam paano ako nasali sa hinaharap ng isang taong di ko naman kilala. A total stranger??? Hala, sobrang nakakapagtaka talaga. Like, how? Wala man lang bang explanation kung bakit napunta ako doon bigla.
YOU ARE READING
Sweet Future
Short StoryShe can see her own future, but not until he appeared to her dreams. And, now her dreams are all about his future, which is also technically her... Because his future is her as well. A short story about two people, who are totally stranger to each o...