Pagkadating ko sa parking ng mall kung saan kami magkikita ng kapatid ko ay biglang umulan ng malakas. Mabuti na lang at nakakita agad ako ng paparkingan, kaya hindi ako nahirapan pang magparking.
Kaya lang wala akong dalang payong. Mababasa ako. Haaays. Hassle naman oh!
"Tsk. Mukhang kailangan ko pang tumakbo." Sabi ko bago tuluyang lumabas sa aking kotse. Pero noong sandaling maisara ko na ang kotse ko bigla naman akong may narinig na sumigaw na babae.
Mabilis akong lumingon kung saan nanggaling ang sigaw.
"Nay, O-okay lang po kayo?" Nag-aalinlangang tanong ko habang lumalapit kay nanay na mukhang nadulas.
Napansin ko agad na may edad na rin ang babaeng ito. Kaya nanay ang naitawag ko sa kaniya.
Malapit sa harap ng sasakyan ko siya nadulas kaya naman nalapitan ko rin siya agad
Napansin kong apat na malalaking plastic bag mula sa grocery store ang mga bitbit niya, tapos nakapayong pa siya.
Sa dami ng pinamili niya. Wala ba siyang kasama?
"Aray ko. Ang athritis ko." Pagkarinig ko sa daing niya mabilis kong kinuha ang dala niyang payong at tinulungan siyang makatayo
Nang matulungan ko siyang makatayo, napatingin siya sa mukha ko at mabilis kong napansin ang pagkagulat niya nang makita ako.
"Okay lang ho ba kayo?" Tanong ko ulit sa kaniya. Pero di niya ako sinagot, bagkus hinawakan niya ang mukha ko at parang inexamine ito.
Okay lang ba siya? Bat parang ang weird niya?
"Te-teka lang ho. Yung mga pinamili niyo." Naiilang na iniwas ko na lamang ang mukha ko sa kaniya, pero hindi siya natinag sa pagtitig sa akin
"Sandali po. Hawakan niyo muna." Ibinigay ko ang payong niya sa kaniya at mabilis kong pinulot ang nagkalat niyang mga pinamili pabalik sa apat na malalaking plastic bag na nalaglag na rin sa semento
"Anak, nababasa ka! Hayaan mo na yan dyan. Ako na!" Sabi niya. Pero huli na rin dahil napulot ko na rin ang nagkalat na gulay at iba pa niyang pinamili.
Pagkatapos kong gawin 'yon tumayo ako at binitbit na ng tuluyan yung apat na plastic bag. Habang siya naman ang may dala ng payong
"Saan na po ba kayo pupunta? May sasakyan ho ba kayong dala? Ihahatid ko na po kayo. Medyo madami po at bigat po 'tong mga dala niyo. Kaya po siguro kayo nadulas." Prangkang sabi ko sa kaniya
Napatawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko
"Aruy hijo! Hindi naman! Kaya ko naman 'yan. Nadulas lang talaga!" Depensa niya habang nakangiti, pero di pa rin nawawala ang titig niya sa akin.
"Ah ganon ho ba." Sabi ko na lang
"Oh siya sige. Ihatid mo na lang ako sa kotse ng anak ko. Banda roon lamang naman." Sabi niya saka ako nilead papunta sa kotse na tinutukoy niya
Halos sampung sasakyan lang naman pala ang pagitan ng kotseng pinaghatidan ko sa kaniya mula sa kotse ko.
"Sa back seat mo na lang ilagay, anak." Agad-agad niyang binuksan ang back seat at mabilis ko namang inilagay doon ang mga pinamili niya. Pagkatapos kong ilagay ang mga pinamili niya sa back seat at pagkasara ko ng pinto nito ay narinig ko siyang nagsalita
"Ay, anak?! Biglang huminto ang ulan!"
Napatingin naman ako sa langit
Oo nga.
"Ano ba 'yan. Ba't ba ako namamangha pa sa mga ganiyang bagay, eh mas nakakapagtaka naman yung mga nangyayare sa anak ko." Narinig kong bulong niya sa sarili niya. 'Di ko na lamang iyon pinansin
YOU ARE READING
Sweet Future
Short StoryShe can see her own future, but not until he appeared to her dreams. And, now her dreams are all about his future, which is also technically her... Because his future is her as well. A short story about two people, who are totally stranger to each o...