Pagkadating ni Mad sa harap ng restaurant kung saan naroon nga ang babaeng nakikita nito sa kaniyang mga panaginip gabi- gabi, ay naabutan na lamang niya na kausap na nito ang kaniyang kakambal at ang girlfriend nito.
Hindi siya makapaniwala. Mula sa labas ng restaurant pinagmasadan niya ang babae.
Totoo ba 'to? Siya na talaga 'to?Nasa estado pa ng pagkabigla si Mad nang bigla itong matauhan sa narinig na sigaw mula sa loob ng restaurant.
Napakunot ang noo niya nang makitang sinisigawan na ng girlfriend ng kaniyang kakambal ang babaeng tinitignan niya mula sa labas ng restaurant.
Akmang hahakbang na papasok sa restaurant si Mad nang bigla itong mahinto sa biglaang pagkaramdam ng matinding kaba
Kumabog ng mabilis ang tibok ng puso niya at tila ba parang hindi na siya makahinga.
"N-not now, please!" Nahihirapang usal niya sa sarili habang pilit na inaayos ang sariling paghinga.
Kasalukuyan siya ngayong nakakaranas ng panic disorder.
Napahawak siya sa kaniyang dibdib habang habol-habol pa rin ang sariling paghinga. Halos pagtinginan na siya ng mga tao. Gusto na siyang lapitan ng mga ito upang tanongin kung okay lamang ba siya, hanggang sa may isang matandang babae na ang lumapit sa kaniya
"Hijo? Are you alright? Is there something wrong?" Tanong ng matandang babae sa kaniya pero hindi na niya ito pinansin pa, bagkus balak na lamang sana niyang tumakbo palayo mula roon, at tumakas sa sitwasyong nagpakaba sa kaniya ng husto...
pero mabilis din siyang nahinto at natigilan nang bigla niyang marinig ang boses na di niya inaakalang maririnig niya ng totoo sa personal.
"Hey, look I'm sorry. I'm not flirting with your boyfriend. Is just that, I thought he was the one I was looking for. Matagal na akong may hinahanap na isang lalaki. Akala ko siya 'yon. Pero, hindi pala. Pasensya na, nagkamali lang ako." Narinig niyang sigaw ng babaeng muntik na niyang talikuran
Napatingin siya sa babaeng iyon... at himala man kung maituturing, biglang nawala ang kabang nararamdaman niya at sa halip ay unti-unti na itong nakaramdam ng maayos na paghinga
Teka, bakit naging ganito bigla ang nararamdaman niya!?!
"Hijo, tama na ang walong taon niyong paghihintay at paghahanap sa isa't isa. Labanan mo na ang takot mo. Lapitan mo na siya."
Mabilis na napalingon si Mad sa matandang babaeng lumapit sa kaniya.
Ngumiti muna ito sa kaniya bago dahan-dahang naglakad palayo
"P-paano?"
Nagtaka si Mad sa mga sinabi ng matanda sa kaniya, pero mabilis rin agad naagaw ang atensyon niya nang makita nito kung ano na ang nangyayare sa loob ng restaurant.
Nakita ni Mad kung paano lumapit ang manager ng restaurant sa kakambal niya at sa girlfriend nito at kay Ver. Tila ba pinapaalis na sila ng manager
"No! What the--? No way we're not leaving! This biatch should be the one to leave! Not us! Duuuh!"
Nakita niyang halos apihin na parang tuta ng girlfriend ng kakambal niya si Ver.
Kumulo ang dugo ni Mad. Saglit siyang napapikit sa inis bago mapakalma ang sarili niya at dahan-dahang naglakad papasok sa loob ng restaurant
"Hey, bitch? Back off!!!" Narinig pa niyang sigaw muli nito kay Ver
Habang naglalakad siya papalapit sa mga ito, napansin niya ang mapanghusgang tingin ng lahat kay Ver. Dahil dito mas lalong nadagdagan ang inis niya, lalo na nang makitang nangingilid na ang luha ni Ver. Kaya naman, binilisan niya lalo ang paglalakad at nang makahakbang ng paatras si Ver mabilis niyang hinawakan ang kamay nito at pinigilan ang balak na pag-alis
Nang tignan siya bigla ni Ver, biglang naging blangko ang utak ni Mad ganon din naman si Ver.
Tila ba nagslow-motion ang paligid nilang dalawa, at ang mga puso nila ay nagpapaligsahan sa pagtibok
**Lubdub-lubdub Lubdub-lubdub Lubdub-lubdub Lubdub-lubdub**
Ang isa't isa lamang ang nakikita nila at parang silang dalawa lang ang tao sa mundo. . . Hanggang sa unti-unting nagkalas ng loob si Mad na unang magsalita.
"I'm sorry. Medyo nalate ako ng dating. Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayare. Sorry, sorry." Wika ni Mad
Pero tulala pa rin si Ver at 'di makapaniwala. Hindi ito nakapagsalita.
"Pero okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" Nag-aalalang tanong pa ni Mad sa kaniya
Pero muli ay binalewala lamang ni Ver ang mga sinabi at tinanong ni Mad sa kaniya. Bagkus, mas lalo pa ito napatulala at namangha sa lalaki. Tinitigan niya ng maigi ang mukha ni ni Mad.
"Alam kong nacoconfuse ka ngayon. Pero nagkamali ka ata ng kinausap, babe. That's my identical twin brother." Ngumiti ng malapad si Mad. Sinusubukan niyang tanggalin ngayon sa sarili niya ang ilang o awkwardness na nararamdaman niya dahil sa ginagawa ngayon ng babaeng ito sa kaniya.
Sa ginagawang pagtitig kasi ni Ver kay Mad, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso niya.
Maya-maya, di na rin kinayanan ni Ver ang pagngiti ng lalaki sa kaniya at mabilis din itong napayuko dahil sa kilig. Kasunod din ng pagyuko ni Ver ang pagngisi pa lalo ni Mad. Natawa itong bigla sa inasta ng babae dahil sa sinabi at ginawa niya.
"Mad? You know her?" Naputol bigla ang matamis na nangyayaring iyon sa pagitan nila Mad at Ver nang magtanong na ang kakamabal ni Mad sa kaniya.
"Yeah? Do you know this bitch, Mad---"
Mabilis na nagpantig ang mga tenga ni Mad nang marinig nanaman ang walang habag na pananalita ng girlfriend ng kaniyang kakambal kay Ver
"Hey! Stop talking harsh to her, Ate Beth! Sumusobra ka na. Wala namang ginawang masama sa'yo yung tao pero sobra ka naman kung pagsalitaan siya. You're exaggerating and overreacting."
Hindi nakasagot si Beth at napatulala lang naman ang kakambal ni Mad na si Ale.
"I know this woman. I know her very well. And now, if you will excuse us. Marami pa kaming pag-uusapan." Pagkasabi noon ni Mad, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Ver at mabilis na hinila palayo sa kakambal nito at sa palamura netong girlfriend.
Pero nang malapit na silang dalawa sa pinto ng restaurant, biglang sumigaw at nagtanong ulit si Elizabeth
"Hey, Mad! How did you know that girl?" Tanong nito
Huminto sa paglalakad si Mad kaya napahinto rin si Ver, hindi niya nilingon ang girlfriend ng kakambal niya... pero sinagot nito ang kaniyang tanong.
Pero sa halip na kay Elizabeth ito tumingin upang sumagot, ay kay Ver ito tumingin.
"Of course. She's my future wife." Matapang at walang takot na pahayag ni Mad bago hilahin palabas ng restaurant na iyon si Ver
YOU ARE READING
Sweet Future
Short StoryShe can see her own future, but not until he appeared to her dreams. And, now her dreams are all about his future, which is also technically her... Because his future is her as well. A short story about two people, who are totally stranger to each o...