One

5.9K 101 3
                                    

"Break na kayo ni Kris? Kailan pa?"

Ngumiti si Cecilia sa ka-opisina niyang si Caycee. "Mag-iisang buwan na."

"Bakit ngayon ko lang nalaman? Kaya pala sa tuwing tinatanong kita kung nagkita na ba kayo ni Kris, hindi ka sumasagot."

Umupo siya sa bakanteng silya sa cubicle ni Caycee. "Eh kasi gusto kong sarilinin nalang muna."

"Umiyak ka?"

Tipid na ngumiti si Cecilia. "Oo. Mga isang linggo din ako malungkot talaga at hindi umiimik 'no."

"Bakit ba kayo nagbreak?"

Nagkibit ng balikat si Cecilia sa naging tanong ng ka-opisinang naging matalik na rin niyang kaibigan. "Wala kaming time sa isa't isa eh. Kapag free ako, may pasok siya, kapag siya naman, may lakad ako. Hindi na kami magtugma. Siguro din, focused na rin kami sa career masyado kaya napabayaan namin ang isa't isa."

"Ikaw nakipagbreak?"

Tumango siya. "Kailangan na eh. Hindi na healthy. Alam mo iyong kami pero parang hindi naman na? Isang buwan kami di nagkita tapos ayon nawalan na ng gana. Kaya sabi ko tapusin nalang namin dahil halata naman na wala na sa amin ang gustong mag-effort pa."

"Tinanggap niya lang 'yon? Hindi man lang ba ikaw pinaglaban ni Kris?"

"Oo. Tinanggap niya agad. Tsaka, mas mabuti ng wala na kami. Hindi ko na din kasi alam if gusto ko pa ipagpatuloy. Parang nasanay na ako na wala siya sa tabi ko."

Umirap si Caycee sa sinabi niya. "Maski na! Kung tinanggap lang niya agad agad, ibig sabihin, hindi siya seryoso? Hindi kaya may babae 'yun sa bago niyang trabaho? Okay naman kayo nung dito pa siya nagtatrabaho ah? Nagresign lang, dumalang na pagkikita niyo?"

Natawa siya sa reaksyon ng kaibigan. Parehas sila ni Caycee na nagtatrabaho sa isang IT company sa may Quezon City at parehas na night shift ang schedule nila dahil US time ang sinusunod nila. They're both working as a software analyst and they've been officmates for almost three years. Kris, her ex, was working with the same company with them pero sa ibang department ito. They were all just friends before then Kris courted her and sinagot niya ito.

After being single for six years, she finally got the courage to enter a new relationship again. Naisip din kasi niya na 23 na siya, tama lang na makahanap siya ng relationship na sa tingin niya ay stable na. Pero akala lang pala niya iyon, because after a year, nagbreak din sila and ang masakit, parang parehas naman nilang kasalanan dahil aware siya na parehas silang hindi nag-effort na.

Month of November nang magsimula iyong pagdalang ng pagkikita nila. From every day, naging every weekends hanggang sa every other weekend nalang at natapos na ang buong buwan ng January na hindi sila nagkita o nagchat man lang ng matino.

Kaya the third day of February, siya na ang tumapos sa relasyon nila dahil wala na talaga siyang nakikitang patutunguhan nun. It was for the best, sa isip isip niya.

She was hurt and sad. It took her a week to open it up to her friends and officemates. Sa tuwing may nakakasalubong siya sa office at tatanungin siya kung kamusta na sila ni Kris, maluwag na sa loob niya na sabihin na wala na sila.

"Naka-move on ka na? Ang bilis naman?" sabi ng isa sa mga highschool bestfriends niyang si Maurice nang minsan magkita sila ng mga kaibigan sa isang mall sa Bulacan.

"Siguro kasi December palang, tanggap ko na na 'yung relationship namin hindi na tatagal. Na December palang pala, hinahanda ko na sarili ko na mag-eend na kami kaya siguro mabilis ko natanggap at nakapagmove on agad." sagot ni Cecilia.

Tinitigan siya ng kaibigang si Maeriel at pinaningkitan ng mga mata. "Alam mo ikaw, pakiramdam ko, ang dali mo magsawa. Feeling ko, hindi mo ganon kamahal si Kris. Hindi ko nga kayo nakikitang nagpopost ng pictures online na akala ko low key lang kayo, pero iyon pala may something wrong na."

"Hindi kami nagpipicture kapag nagdedate kami. Ewan ko rin kung bakit. Basta, minahal ko naman siya pero kasi.."

"Walang thrill? Walang excitement? Ano?"

Malalim na napabuntong-hininga si Cecilia. "I don't know. Basta, bigla nalang nawala iyong spark."

Maurice rolled her eyes at her. "Hay nako, mas okay na rin siguro na wala na kayo. Magfocus ka nalang sa work mo. Pero okay ka lang ba?"

Pinakiramdaman ni Cecilia ang puso niya at nang makasigurado ay ngumiti sa mga kaibigan niya. "Okay na okay."

The whole month of February, Cecilia did nothing but to focus on her work. She travelled also with her college friends every weekend, she spends time with her family, and most importantly she was able to focus on herself a little bit more but still, she felt like there's something missing in her life, she just couldn't pinpoint what that is.

March came and it was her uncle's wedding and of course, hindi maiiwasan na maging mini reunion kapag may ganitong okasyon sa pamilya. Tulad na lamang ngayon, siya ang nasa hot seat ng mga tita niya.

"Wala ka pa bang boyfriend, Cecilia?" tanong ng Tita Mildred niya.

Tumawa lang siya. "Nako tita, wala po."

"23 ka na 'di ba? Try mo kaya makipagdate tapos see how it goes?" suhestyon ng pinsan niyang si Quincy.

She smiled at her cousin. "Tignan ko." sagot nalang niya para hindi na humaba ang diskusyon pero hindi alam ni Quincy na tumatak sa utak niya ang suhestyon nito hanggang sa makauwi siya sa bahay nila.

It's just a month since she had her break up. Though nakapagmove-on naman na siya, tama ba na subukan ulit niyang makipagdate? Hindi ba masyadong maaga? Kaya na ba niyang mag-commit ulit kung sakali?

"No. Mali iyang iniisip mo, Cecilia. I'm not yet ready." sabi niya sa sarili niya.

But after three days, she ate all of those words she said.

It was a Wednesday night and she was getting ready to go to work when she heard the notification sound from her phone.

Teejay Pascua wants to send you a message

Binuksan ni Cecilia ang message request ng isang lalaking nagngangalang Teejay Pascua.

6:40 PM

Teejay:
Knock knock

Cecilia:
Who's there?

Hindi alam ni Cecilia kung ano'ng naisip niya at inaccept ang request nito at nireplyan.

Nilapag niya muna ang phone at nagmadali mag-ayos dahil malelate na pala siya. She was brushing her hair when her phone beeped again.

6:42 PM

Teejay:
Tank

Cecilia:
Tank who?


"Cecilia, tara na at malelate ka na."

Hindi na niya hinintay ang reply ni Teejay at pinatay na ang wifi at nagmadaling bumaba dahil ihahatid siya ng Papa niya sa trabaho.

When she arrived at work, it was a one busy shift. She had projects with escalations and she was swamped with project test calls that when she got home Thursday morning, she was feeling drained and feeling a little bit down. Napapapikit na nga siya pero nagising nang sunud-sunod na notif tones ang iningay ng phone niya. Naka-auto connect kasi ang phone niya sa wifi kaya siguro pumasok ang mga notifications niya kaagad.

Ang iba ay chat sa group chats nila ng mga kaibigan, ang iba ay tagged posts sa Facebook at nang makita ang dalawang messages ni Teejay, doon niya lang naalala na hindi na niya ito nareplyan kagabi.

WED AT 6:45 PM

Teejay:
You're welcome! 😛

WED AT 7:25 PM

Teejay:
Ghosted by Cecilia because of lame joke :((((

Cecilia laughed when she read his messages and found out herself replying to him.. again.

•••

To be continued...

Perhaps..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon