Six

1.3K 95 7
                                    

Napangiti si Cecilia nang mamataan si Teejay na naglalakad papalapit sakanya. Sinalubong niya ito at laking gulat nalang niya nang halikan siya nito sa noo. She didn't expected that gesture from him but all of a sudden, she felt butterflies inside her stomach. The same feeling she's feeling when Teejay became extra sweet on their conversations these past few days.

Bawal ma-attach, Ces ha, paalala niya sa sarili everytime na makakaramdam siya ng kilig.

"Hey there. I miss you." sabi nito nang akbayan siya nito.

She just smiled at him. "Pagod sa work?"

Teejay removed his arm around her and grabbed her hand instead. He kissed the back of her palm. "Yeah, but I feel recharged now that I saw you."

"Bolero." she laughed. Kailangan niya ng masanay sa way ng pagsasalita ni Teejay. Narealize niya kasi na sadyang sweet lang talaga ito magsalita, idagdag pa ang boses nito na akala mo talaga ay malandi pero sa totoo lang ay ganoon lang talaga ang boses nito. Mahinahon na akala mo nang-aakit.

"I'm starving. Where do you want to eat?" tanong nito sakanya.

"Ako taya ngayon ah?"

"Nah. Next time nalang ikaw. Hmm, gusto mo mag-samgyup?"

Sumang-ayon nalang siya sa suhestyon nito dahil wala naman na din siyang maisip na kainin. Like on their first date, hindi sila naubusan ng topic na pag-uusapan. Just like what she said, she feels comfortable with Teejay and ganoon din ito sakanya, ayon na rin rito.

"I feel like I've known you for a long time. Grabe nga eh, nakwento ko na sa'yo lahat tungkol sa'kin na kahit iyong iba kong kaibigan, 'di pa alam."

She smiled and felt.. proud. "So, magyayabang na ba ko?"

Teejay pinched her chubby cheek and kissed it. "Cute mo."

10pm nang makasakay sila sa kotse ni Teejay at as usual, hindi ito pumayag na hindi siya ihatid sa bahay niya. Nahihiya na siya dahil hinahatid pa siya nito sa Bulacan imbes na pauwi na sana ito sa Cavite.

Gusto niya sana mag-offer na magbayad kahit sa gas man lang kaya lang tatanggi ito kaya nang makarating sila sa toll fee gate, inunahan na niya ito at siya na ang nagbayad.

11pm nang makarating sila sa tapat ng bahay niya. Nag-park muna si Teejay tapos ay hinarap siya nito at tinitigan lang habang hawak nito ang kamay niya.

"What?" natatawang sabi niya rito. Hindi kasi siya sanay na tinititigan kaya dinadaan niya nalang sa tawa at biro.

"Wala lang.."

"Sige na, ingat ka pauwi. Gagabihin ka na masyado." sabi nalang niya pero hindi siya hinayaan ni Teejay na makalabas.

"I really enjoy being with you, Cecilia. Thank you for tonight." sabi nito at hinalikan ang likod ng kamay niya.

She smiled with his actions. Sweet talaga nitong lalaking ito kaya hindi niya maisip paano ito nagawang lokohin ng ex nito. Mabait naman si Teejay, sweet, may itsura, may magandang trabaho.. ano kaya ang kulang dito at bakit ito nasaktan ng ex?

Nagkatitigan sila ni Teejay ng matagal hanggang sa nakita nalang niya ang sarili na nakapikit habang unti-unting lumalapit ang labi nito sa labi niya hanggang sa tuluyang nagkadikit ang mga ito.

Sandali lang ang halik na pinagsaluhan nila. Tinimbang niya ang nararamdaman. Kinakabahan siya pero alam niya na dahil lang iyon sa paninibago. Was there butterflies in her stomach? None. Walang butterflies tulad nung nararamdaman niya kapag sweet ito sakanya o 'di kaya'y pag hinahalikan nito noo niya. The kiss felt like.. a kiss. Nothing special. Normal kiss, ganoon lang. And that is good, right? Ibig sabihin, hindi pa naman siya attached.

Perhaps..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon