Four

1.2K 80 12
                                    

3:15 PM

Patricia Angela:
Friend! Saan ka? Kita tayo!

Cecilia:
Can't. Nasa Trinoma ako. Paano nga ulit pumunta ng MOA?

Patricia Angela:
Grab. Haha! Joke, mag-MRT ka, sa Taft baba. Ano gagawin mo dun?

Cecilia:
Oh. Sige. Magkikita ng officemates. 😊

Patricia Angela:
Osige. Ingat ka!

5:15 PM

Teejay:
I'm done. Where are you?

Cecilia:
Hi! Uhm, pababa palang ng Taft station.

Teejay:
Oh. Sana talaga sinundo nalang kita sa Megamall.

Cecilia:
It's okay. Sa Trinoma nalang ako nag-shop. Pababa na ko. Saan kita kikitain sa MOA?

Teejay:
No, stay there. Sunduin nalang kita.

Cecilia:
Hala! Huwag na, kaya ko naman pumunta jan.

Teejay:
No, sunduin na kita. 😊 Alam mo iyong Mcdo na malapit sa sakayan ng bus? Dun kita sunduin, wait for me there.

Cecilia:
Uhm, hindi ko alam but don't worry, I'll ask around.

Teejay:
Haha! Okay. Tago mo phone mo at marami magnanakaw diyan. Let me know if you're at Mcdo.

5:26 PM

Cecilia:
Here na. 😊

Teejay:
Okay, on my way. 😉 Sabi ni Google maps, 18 minutes ETA.

Cecilia:
Take your time. Ingat!

5:39 PM

Teejay:
I'm here. White car na nasa likod ng SUV.

Cecilia:
I don't see any SUV here. Plate number mo?

Teejay:
NGY-789. Hmm, what's your number, Ces? I'll call.

Cecilia:
09951231234

Teejay calling...

"Hello?"

"Hi! So, do you see the terminal ng bus?"

Luminga si Cecilia sa paligid at naisipan na lumabas na ng Mcdonalds at pumwesto malapit sa may terminal ng bus.

"Yeah. I'm in front of it actually."

"May nakikita ka ba na Andoks?"

Tinignan niya ang buong paligid at hinanap ang Andoks na sinasabi nito.

"Wala eh. Uhm, katabi nung terminal ng bus ay Sogo tapos may mercury drug naman sa kabila." nahihiyang saad niya.

"Ah! Okay, I know where are you. Nasa kabilang side ka pala. Sige, wait me there. Be there in 5 minutes."

"Oh! Okay, sorry. Dito kasi ako naturo nung napagtanungan ko."

"It's okay, Cecilia. Don't worry about it."

Pagkababa ng tawag ay biglang kinabahan si Cecilia. Doon lang ata nag-sink in sakanya na makikipagkita siya sa lalaking kakakilala palang niya ng isang linggo at worse, nakilala niya lang online. Tama ba itong gagawin niya? Hindi kaya mapahamak siya? Paano kung masamang tao pala si Teejay? Mabait lang sa una pero iyon pala ay may masamang balak?

Perhaps..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon