Prologue

47 5 0
                                    

It started in junior high. Second year. When I transferred at Braint Academy.

Galing kami ni Aya sa cafeteria at ngayon ay pabalik na kami sa classroom. Napahinto ako nang makasalumakasalubong namin ang grupo ng lalake. Base sa ID lase nila ay mga second year din sila

Pag angat ko ng tingin ko ay nagkasalubong agad ang mga tingin namin ni Hiro.

Hindi katulad ng ibang kasama nya, sya ang pinaka maliit sa kanila at medyo payat. Medyo mahinhin at matinis ng kaonti ang boses. Para syang babae. Hindi naman sya mukhang bakla, pero hindi rin mukhang lalakeng lalake. Sa totoo lang ay ang cute nya

Hindi ito ang unang beses na nakita ko sya at hindi rin ang unang beses na magtama ang mga mata namin.

Umiwas ako ng tingin at alam kong ganon din sya. Naramdaman ko bigla ang pag init ng aking pisngi. Pero muli akong nag angat ng tingin sa kanya at ganon din sya kaya nagtama muli ang tingin namin. Parang parehas kami ng iniisip at hindi ito ang unang beses. Ilang segundo rin ang lumipas na nakatingin kami sa isa't isa nang biglang sumilay ang ngiti sa mga labi nya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang may kung anong gumagalaw sa loob ng tiyan ko at naramdaman ko ang lalong pag init ng pisngi ko

Ang ngiting yon ay nakakahawa kaya di ko napigilan ang sarili na sikretong mapangiti sa kanya

Nagpatuloy kami ni Aya sa paglalakad. Narinig ko pa ang mahinhin nyang tawa at ng mga kasama nya habang papalayo sa amin

"Ang gwapo ni Dwayne" aniya ni Aya na kinikilig pa. Napatango nalang ako

Si Dwayne ang isa sa mga kasama ni Hiro kanina. Kasali sya sa varsity ng school kaya kilala sya isama mo pa ang itsura nya na pinagkakaguluhan ng mga babae

"Dapat pala mamaya na tayo pumunta sa cafeteria para nakasabay natin sila" sabi nyang muli

"Kahit naman sumabay tayo sa kanila ay di nila tayo mapapansin sa dami ng babaeng may gusto sa kanya" sabi ko at naupo sa chair nang makarating kami sa classroom.

Naupo rin si Aya sa bangko nya sa katapat ng bangko ko

"Kahit na no atleast masisilayan ko sya habang kumakain" sumubo pa sya ng sandwich na binili namin sa cafeteria at kala mo nag iimagine ng kung ano

Napailing nalang ako at kumagat sa sandwich ko. Bigla ko naman naalala ang nangyari kanina sa pagitan namin ni Hiro. Naramdaman ko na naman ang bahagyang pag init ng pisngi ko at unti unting pagsilay ng ngiti sa mga labi

"Halaaa ano nginingiti ngiti mo dyan Elisia. Wag mo sabihing may gusto ka rin kay Dwayne?" nang aasar na sabi nya kaya agad akong napailing

"Huy hindi ah" sinserong sabi ko. Alam ko naman na may gusto sya kay Dwayne at isa pa, iba ang gusto ko

"Kung sabagay, manhater ka nga pala" natawa pa sya

"Akala ko ay gusto mo rin sya eh. Pero okay lang naman kahit magkagusto ka sa kanya, crush crush lang naman" natatawa nyang sabi at sumubo ulit ng sandwich

"Pero bakit ka nga nangingiti bigla dyan huh?" mapang asar na sabi nya

"W-wala. Ano ka ba"

"Uyy nauutal. Sige kung hindi si Dwayne, sino nalang ang iniisip mo at napapangiti ka ng ganyan huh?" sabi nya at sinundot sundot pa ang beywang ko

"W-wala ngaa. Di na ba ko pwedeng ngumiti" kumagat ako ng sandwich para mapigilan ang ngito sa mga labi ko

"Si Hiro no?"

Under The Blue Sky [ TaeSoo/VSoo ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon