003

1.6K 27 0
                                    

gurls 💓
Active now

Wednesday, 6:40 PM

Cailla:
Nakagawa na ba kayo ng
assignment sa Physics?

Krisha:
Nope. Tinatamad pa ako.
Maya-maya ng konti.

Brielle:
Ang hirap kaya!

Cailla:
Sinabi mo pa.

Krisha:
@Krizzle? Mayroon ka na?
Alam ko namang 'masipag'
ka.

Krizzle:
Hindi ko naman sinabing
masipag ako pagdating sa
paggawa ng assignments.

Cailla:
Kailangan ba talaga
special mention muna bago
mag-reply?

Brielle:
Eh 'di, wala ka pa ring
assignment?

Krizzle:
Oo, tinatamad ako, eh.

Krisha:
Nakausap mo na ba si Jul?
Ansabi niya sa notes mo?

Krizzle:
Heh! Wala raw sa kaniya
notes ko! Sabi ko sa inyo,
malilintikan kayo sa akin kapag
wala sa kaniya iyong notes ko. 😠

Cailla:
Bakit ba masiyadong big deal
sa iyo yung notes mo?

Krizzle:
Iyon na nga lang kasi iyong
requirement! Hindi kayo nakikinig,
noh?

Ayoko namang mag-sulat ulit
kapag nawala iyon. Grr.

Brielle:
Kung wala kay Julian iyong
notes mo, nakanino?

Krizzle:
Nakay Jordi raw.

Krisha:
Kay Jordi lang naman pala.

Cailla:
Hahahaha! Naka-abot na
kay Jordi.

Krizzle:
Alam niyo namang hindi
kami masiyadong close ni
Jordi, hindi ba? Paano ko
kukunin iyon sa kaniya?

Brielle:
Luh? Arte, ah! Kukunin lang,
eh. 😂

Krizzle:
Kasi naman...

Krisha:
Bakit ba kasi hindi kayo
close ni Jordi? Ang tagal
na nating magkakaibigan!

Krizzle:
Hindi ko rin alam. Basta
hindi lang kami naging close,
ganon!

Cailla:
Crush mo ba si Jordi?
HAHAHAHAHAHAHA!

Krisha:
Hala? Baka nga!

Brielle:
Amin-amin din, girl.
Tayo-tayo lang dito.

Cailla:
Eh, paano si Jace?

Krizzle:
Mga urur. Wala akong gusto
kay Jordi, mga gaga. Loyal
ako kay Jace!

Hindi lang talaga ako naging
close kay Jordi kasi tingin ko
talaga sa kaniya dati ay snobber
sa girls kaya hindi ko na din
siya nagagawang kausapin.

Cailla:
Hindi naman. Sadyang hindi
ka lang magaling na
communicator. Hahahaha!

Krisha:
True! Kasi ikaw naman kamo
ang hindi nag-aapproach kay
Jordi. Nakaka-usap namin siya.
Yes, he's aloof with other girls
pero he's fun to be with naman.

Brielle:
Nadala ka kasi ng first impression
mo sa kaniya, girl, kaya you kept
the thought that he won't be close
to you even tho we're in the same
group. Saka alam mo rin naman,
si Jordi, he won't talk unless you
talk to him. Madalang na siya ang
mag-uumpisa ng usapan.

Cailla:
Why not talk to him kasi? Halata
naman na gusto niyo ring maging
comfortable kayo sa isa't-isa, eh.
Nakikita ko minsan si Jordi na
napapatingin sa iyo kapag nakikipag-
biruan ka kina Seb at Evan.

Krizzle:
I don't know.

Ang layo na ng napunta ng
usapan natin, mga ateng. Hindi
naman ikauunlad ng Pilipinas kapag
nag-usap kaming dalawa.

Krisha:
Malay natin, isa sa inyo maging
presidente ng bansa. Siyempre,
kailangan ng magandang communication
ang runner at voter 😂

Cailla:
Baka dahil sa notes mo, girl,
maging close na kayo 😂

Krizzle:
Lalong nalayo ang usapan!

Gagawa na ako ng assignment
natin. Bahala kayo riyan.

Brielle:
Pakopya ako, ah! Salamat! 😘

Krisha:
Ako rin! Love you.

Cailla:
Ta-try ko na rin gumawa.

Brielle:
Send answers nalang. Hehehe.

Love you both.
Seen by everyone

sunflower || jordi gómez de liañoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon