skwad
Active NowThursday, 12:15 PM
Krizzle:
Nasaan kayo?
Seen by Julian, Jordi, Sebastian and
Brielle12:18 PM
Krizzle:
Wala kayong balak mag-reply?
Gutom na ako!Brielle:
Gaga ka ba? Malamang
nasa canteen kami.Krizzle:
Hindi naman kasi ako maka-alis
dito sa room. Dalhan niyo ako ng
pagkain, please ☹️Gutom na gutom na ako. Maawa
kayo sa akin.Bakit kasi ako pa inatasang mag-
ayos ng files na ito in alphabetical
order? Huhu. Hindi niyo man lang
ako tinulungan.Sebastian:
Bakit? Hindi mo ba alam ang
pagkakasunod-sunod ng
alphabet?Krisha:
Patapusin mo muna kaming
kumain, saka kami tataas
para dalhan ka ng pagkain.Evan:
Nako, Krizzle, tinatawanan ka
talaga ng mga tao rito. Promise.Cailla:
Bakit, Evan? Hindi ka ba tao?
Nakikitawa ka rin naman.Krizzle:
Ang sasama niyo talaga.
Samantalang ako rito, gutom
na gutom na. Huhu 😭BTW, andiyan ba si Jace?
Julian:
Naisingit pa 'yon? Pinapaasa
ka lang naman 'non!Krizzle:
Malay niyo naman kasi, he
also likes me kasi whenever
I look at him, he's also looking
at me and when he sometimes
catch me looking at him, he smiles!
Seen by JordiCailla:
Ulol. So conyo. Ganiyan
ka ba 'pag kinikilig?Julian:
Asang-asa ka naman. Puwede
naman kausapin ni Jordi para
sa iyo si Jace. Hindi ba, 'pre?
@JordiJordi:
Yes.Evan:
May kamay ka palang pang-
type, 'pre? Akala ko hanggang
seen ka lang.Jordi:
Siraulo. Kumain nalang kayo
nang kumain.Krizzle:
Tama! Kumain nalang kayo
nang kumain. Gutom na rin
ako. Maawa naman kayo.
Seen by JordiBrielle:
Yes, Ma'am. Kung tinatapos mo
nalang iyang ginagawa mo. Chat
ka nang chat!Krizzle:
Ang dami pa kamo. Hindi
pa ako nangangalhati.Bilisan niyo na ring lahat
para matulungan niyo ako.
Mga walang kwentang friends.
Seen by everyone
BINABASA MO ANG
sunflower || jordi gómez de liaño
Fanfictionsunflower | josemaria ignacio gómez de liaño epistolary ▪ fanfiction "stretching towards the sky like i don't care wishing you could see me standing there" -sunflower | sierra burgess is a loser ost date started: may 25, 2019 ...