006

1.3K 25 1
                                    

skwad
Active Now

Thursday, 3:15 PM

Brielle:
Hoy, mga lalaki, nasaan
kayo? Tara lamon tayo!

Sebastian:
Nasa CR. Sagleeeet! Ang
bagal ni Evan.

Cailla:
Ang aarte niyo. Jusme. Para
kayong mga babae.

Jordi:
Si Evan lang iyon. Kabaklaan.

Julian:
Nanghila ba naman sa CR
pagka-dismiss na pagka-
dismiss pa lang.

Krisha:
Bilisan niyo ngang apat at
nag-aalburoto na iyong isa
rito. Gutom na gutom na raw.

Brielle:
Ako rin, gutom na.

Evan:
Mga PG.

Krizzle:
Aba, hoy, Evan! Makapag-
salita ka riyan. Psh. Ikaw naman
kaya ang nanghila sa CR. Baklang
'to.

Bilisan niyo kasi. Nagugutom na
ako! Sandwich lang ang kinain
ko noong lunch, hindi ba?

Evan:
Maka-bakla 'to. Baka
gusto mong patunayan
ko sa iyo kung gaano
ako kagandang lalaki.

Sebastian:
Sus. Si Jace lang naman
ang katapat mo.

Krizzle:
Ew ka, Evan. Yuck.

Bilisan niyo na nga lang.

Julian:
Ohhh, speaking of Jace,
pumasok siya rito sa CR.
Kausap niya ngayon si
Jordi. HAHAHAHAHAHA!

Jordi, ipakilala mo nga raw
kasi.

Krizzle:
Bilisan niyo nalang. Baka
gusto niyong sunduin ko pa
kayo.

Cailla:
Bakit niyo pa kasi sinabing
naandiyan si Jace?! Nakangiting
aso na itong babaeng ito.

Julian:
Sus, sunduin daw. Gusto lang
naman makita si Jace.

Sebastian:
Pasimple pa. Talaga naman.

Jordi:
Sorry late reply. Kakalabas
lang ni Jace. Haha!

Krizzle:
Bilisan niyo nalang. Mga
bully. Masakit na tiyan ko.

sunflower || jordi gómez de liañoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon