May crush sakin si batman

36 1 0
                                    

Naaalala ko yung sinabi niya sa 'kin dati na nagkagusto siya sa 'kin simula nung nagsusukat ako

ng BMI (Body Mass Index) nila. Ang tanda ko, June pa 'ko nagsukat non. Isa-isa kong tinawag yung

mga kaklase ko na halos lahat, bago ang mukha. Isa akong transferee mula Pasig, at inilipat dito 

sa Taytay sa kadahilanang : tamad ako mag-aral. (y) pero ayos naman dito sa bagong skul. Andami nga lang loko-loko sa daanan pauwi. 

Balik tayo kay batman. 

OO. nagkagusto siya sa 'kin pero nauna siya. :) yung panahon kasi na may gusto siya sa 'kin, ako ang nangde- dedma. Naalala ko rin nung nagtangka siyang manligaw, nagpalakad na kung kani kanino, kaya andami kong naririnig na papuri sa kanya na 'MABAIT yan' kuno. 'SERYOSO yan' kuno. -_-'' nung mga panahong yon, isa lang siyang ordinaryong kong kaklase na nagka-crush sa 'kin kaya naisip ko na mawawala rin yan. Infatuation lang kumbaga. pero napansin ko na lang nung mga nakaraang buwan na naiilang na 'ko sa presensya niya. Hindi na kagaya ng dati na, wala akong pakialam kung nasa malapit diya. Ngayon kasi, likod pa lang niya, alam ko na, boses pa lang, alam ko na, at yung paglapit niya sa upuan ko, hindi ko matiis na hindi siya layuan. Hindi ko alam kung anong iaakto ko kapag nandyan siya. 

Sabi nga ni kuya Ode, kaibigan ko, late-bloomer daw ako. late daw kasi yung pag-react ng feelings ko sa taong yun. medyo hindi ko po naintindihan yung sinabi niya sakin :3 napagisip-isip ko lang, siguro nga natatakot lang akong tanggapin sa sarili ko na may nagugustuhan ako. Siguro dala lang rin ng nakaraan. Ako kasi yung babaeng minsan ng nagmahal pero napaglaruan lang. Minsang umasa't nasaktan. Minsan na ring natuto sa ganyang bagay. :)

Siguro nga, natatakot lang akong maulit pa yung nangyari sa nakaraan.

#MayCrushsakinsiBatman (y)

10/02/14 12:50 am Tinapos ko lang i-type 'to. hindi pa naman kasi ako inaantok. hanggang dito na lang muna xD maaga pa bukas (y)

pati pupunta dito si batman :3 ano kaya mangyayari bukas? xD

Crush ko si BatmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon