Kabanata 2
KINABUKASAN ay muli kaming nagkita ni Donna sa labasan upang alamin kung nabenta na ba ang alahas na nakulimbat namin kagabi. Ngunit nakasimangot itong dumating sa aming tagpuan.
Malas talaga ang araw ko ngayon. Hindi kinuha ang necklace dahil masyado raw mahal ang kuwintas na to. Binabarat ako kaya naman hindi ko na lang ibinigay, saad ni Donna na halata pa rin sa mukha nito ang pagkainis na nararamdaman.
Nakaupo ako sa mahabang silya at umiinom ng softdrinks. Ito ang almusal ko sa umaga dahil sanay na akong malamig kaagad ang hinahanap pagkakagising ko.
Kinuha ko ang necklace at tinitigan ko ang pendant.
Impyernes, maganda talaga ang kuwintas na ito. Sige, hindi muna natin ibebenta ang isang to para magamit ko sa mga susunod nating target. Para namang magmukha akong class. Wala kasi akong borloloy na nilalagay sa katawan, dahil sa pananamit at manipis na make-up na lang ako bumabawi.
Mukha ka namang class kahit hindi mo suotin yan! dagdag pa ni Donna sa akin.
Napangiti na lamang ako sa sinabi nito. Mayamaya pa'y dumating sina Caloy, Tupe, at Wilbert. Mga nakatira din doon ngunit mararangal ang trabaho.
Boss Kim, good morning! masiglang bati ni Caloy sa akin.
Ngumiti naman si Tupe, habang si Wilbert naman ay naupo sa tabi ko.
Si Wilbert ang lider ng kanilang tropa dahil matalino ito at guwapo. Madiskarte rin kaya naman maraming babae ang naghahabol sa kaniya. Ngunit pagdating sa akin ay hindi niya ako mapa-oo. Dahil hindi ko tipo ang maangas nitong dating, halatang manloloko ng babae.
Ano naman ang ginagawa n'yo rito? Wala ba kayong mga trabaho? tanong ko sa kanilang tatlo. Iisa lang kasi ang pinagtatrabahuhan ng mga ito. Mga ahente ng sasakyan kaya naman malaki ang kinikita ng mga ito sa tuwing makaka-sold out ng sasakyan.
E may sasabihin daw kasi sa 'yo si Wilbert... ani Tupe sa akin kaya napalingon ako kay Wilbert.
Ay naku, Wilbert! Sinasabi ko sa 'yo na ngayon pa lang ay basted ka na kay Kim! sabat naman ni Donna kaya nagtawanan sina Tupe at Caloy. Habang ako naman ay napailing sa kalokohan ni Donna.Ikaw naman, Donna. Inuunahan mo kaagad ako, ang aga-aga pa lang ay sinaktan mo na kaagad ako. Pero hindi talaga yon ang sadya ko sa 'yo, Kim. Naghahanap kami ng model, at ikaw ang naiisip ko dahil ikaw lang naman ang kilala kong pinakamagandang babae sa lugar natin. Malaki ang kikitain mo rito, basta akin ka lang. Deretsahang saad ni Wilbert sa akin.
Medyo nabingi naman ako sa huling sinabi nito. Ano? tanong ko.
Basta tanggapin mo lang ang trabaho, yon ang ibig kong sabihin. Patawa-tawang pagtatama nito sa sasabihin ko.
Mga padale mo, pre e! Nag-aalok ka lang ng trabaho, pati yang pamatay mong diskarte ginagamit mo pa kay Boss Kim. Para namang uobra sa kaniya ang appeal mo e alam mo namang bulsay ka riyan! ani Caloy kay Wilbert.
Kaniya-kaniyang deskarte yan pare! Palibhasa ikaw alam mo nang wala kang pag-asa kaya hanggang boss ka na lang e! tugon naman ni Wilbert.
Nagkaroon pa ng udyukan sa pagitan naming lima kaya nagsalita na ang tinderang si Aling Nenita sa tindahan na tinatambayan namin.
Hoy Caloy, Wilbert! Magsitigil kayong dalawa dahil wala kayong pag-asa parehas. Mayaman ang kailangan ni Kimberly. Hindi katulad ninyo na wala pang naipupundar na sariling bahay. Napakamot sa ulo ang dalawang lalaki sabay dukot sa bulsa at naglabas ng isang daang piso.
Si Tiya Nenita naman e! Dumagdag pa sa mga taong nambabastes. Pagbilhan n'yo na lang po kami ng sigarilyo at malaking softdrinks, wika ni Wilbert dito.
Ay sus! Kayo talagang mga kabataan, hindi n'yo muna unahin ang magpundar ng bahay bago kayo mangligaw. Anong gagawin ninyo sa mga babae, ititira pa ninyo sa bahay ng mga magulang ninyo at dadagdagan pa ninyo ang mga responsibilidad ng mga tatay ninyo? Aba! Ay sa hirap ng panahon ngayon, hindi maaari sa akin ang mga ganiyan. Kaya ikaw Kimberly, huwag mong sasagutin ni isa sa mga iyan at Diyos ko po rudy! Para kang kumuha ng bato at kusa mong ipinukpok sa ulo mo.
YOU ARE READING
Terrified Woman COMPLETE
Любовные романыKim Garcia Angon, suffering from an accident ten years ago. Flame of the place; feared, and worshipped. He is often caught by the police, but he always gets away. Because of his strong appeal that no one can deny. But it's different when it co...