Kabanata 1

2.6K 29 4
                                    

       Kim, nariyan na ang inaantay natin, bulong ni Donna sa akin.

Napasulyap  naman ako sa tinutukoy nito na si Alisha. Ang babaeng pinaka-sosyal sa party na yon.

Ang ganda niya sa suot niyang red dress. Bakat na bakat ang hubog ng kaniyang katawan, dahil fitted ito sa kaniya. Nangingintab din ang diamond earrings nito, at ganoon din ang necklace nitong suot na lalong nagpatingkad sa cleavage nitong ubod ng lalim at puti. Ngumiti ako bago lumapit kay Alisha, dala ang isang baso na may lamang wine.

O hi, Alisha! How are you? Long time no see, bati ko sa kaniya na ikinakunot naman ng noo ng kaharap ko. Mukhang nangangapa ito sa isipan kung kilala ba niya ako.

O my God! Don't tell na nalimutan mo na ako, magka-batch tayo noong college. Remember? saad ko rito pero napapangiti na lang itong napatango-tango.

I'm sorry, medyo nakalimutan ko kasi ang name mo e. What's your name again? tanong nito sa akin.

I'm Jane, nalimutan mo na nga ako. Pero it's okay, ikaw tandang-tanda ko pa naman. So how are you? Saan ka na nagwo-work ngayon?

Sa Paris ako nagtatrabaho ngayon, actually kakauwi ko lang para sa bakasyon. Ikaw? anito.

Heto, abala sa mga business. Naalala mo ba si Kevin? He is my husband now at may sarili siyang kumpanya rito sa Manila. How about you? You look great, mas gumanda ka ngayon. Namula ang mukha nito dahil sa sinabi ko kaya pakiramdam ko'y napalagay na ang loob nito sa akin.

Actually, malapit na rin akong ikasal. Pero yong boyfriend ko kasi ay sobrang busy. Kaya naman hindi pa namin halos maasikaso ang wedding. So friend mo pala si Cally? saad nito na ang tinutukoy ay ang celebrant ng gabing yon.

Yes. Super close kami ni Cally! Oo nga pala, may surprise ako para sa kaniya, pero hindi ko alam kung magugustuhan niya ang regalo ko. Can you help me? Puwede ko ba sa 'yong ipakita ang gift ko, then tell me kung maganda ba o hindi? Nahihiya kasi akong ibigay sa kaniya at kinakabahan ako na hindi niya magustuhan. Alam mo naman na masyadong class si Cally hindi ba? So I'll make sure na expensive tong binili ko sa kaniya.

Of course, let me see! saad nito.

Puwede ba roon tayo sa rest room? Baka may makakita kasi rito. Gusto ko pa naman siyang i-surprise, pakiusap ko sa kanya na kaagad naman niyang naunawaan.

Of course, tara sa rest room. Nagpatiuna na ito kaya naman napangiti akong sinundan si Alisha. Nagtungo kami sa rest room, sakto naman na walang tao roon kaya malaya kong magagawa ang balak ko.

Mula sa aking handbag ay inilabas ko ang necklace na nakalagay pa sa box, may kasama rin itong earrings.

Wow, ang ganda naman niyan! I'm sure na magugustuhan yan ni Cally, saad ni Alisha sa akin.

Really? Puwede mo bang i-try? Let me see kung maganda nga siya kung suot, suhestiyon ko sa kaniya.

Bakit ako ang magta-try? Nakakahiya naman sa 'yo! anito na nagdadalawang-isip pang isuot.

Bakit hindi? I-check ko lang kung maganda nga siya, mukhang magaling ka kasing magdala kaya gusto kong makita kung talagang babagay ito sa kaniya. Napangiti ito sa akin dahil sa pagpuring ginawa ko kaya naman napilitan na itong hubarin ang suot niyang hikaw at kuwintas upang sukatin ang regalo ko kay Cally.

Okay, I will try. Kinuha nito ang necklace at earrings. Pahawak nitong sa akin, wika nito na ang tinutukoy ay ang kaniyang hikaw at necklace.

Of course... Kinuha ko naman iyon, nginitian ko pa siya habang isinusuot niya ang necklace na regalo ko. O wait, cr lang ako! paalam ko sa kaniya. Tumango naman ito habang nakatitig sa salamin at sinusubukang isuot naman ang hikaw. Pumasok ako sa cubicle, at nang mai-lock ko ang pinto ay tuluyan na akong napangiti. Success! usal ko sa sarili ko sabay tingala sa bintana ng CR.

Alam ko na malaki ang bintana ng CR, dahil nasubukan ko nang dumaan dito noong una akong dumayo sa lugar na ito. Alam ko na rin ang pagdadaanan ko dahil kabisado ko na ang lugar kaya naman malaya akong nakalabas ng wala man lang nakakapuna sa akin.

Sa labas ng parking lot ay nakabantay na sa akin si Donna. Nakangiti itong sinalubong ako dahil alam na nitong nagtagumpay akong linlangin si Alisha na nakilala lang ni Donna sa internet.

Ang galing mo talaga, Kim! Kaya bilib na bilib ako sa 'yo e, ang galing mong dumeskarte! humahangang wika nito sa akin.

Siyempre ako pa ba! Pagyayabang ko pa rito sabay labas ng kuwintas at hikaw na nakulimbat ko.

Oo fake ang ipinasukat ko kay Alisha. Hindi niya nahalata yon dahil sa unang tingin ay halata namang mamahalin ang alahas kahit fake naman talaga iyon. Nakalagay lang sa magandang box kaya naman nagmukha itong mamahalin.

Tara na at marami pa akong pupuntahan at babayaran. Naglakad na ako palayo sa lugar at kaagad namang sumunod si Donna. Sumakay kami kaagad dahil baka may makakita pa sa amin na ibang bisita.

Ang totoo ay dayo lang kami sa lugar na yon at nagpanggap lang kaming invited sa birthday party. Pero hindi ko talaga kilala si Cally ng personal dahil nalaman lang naman ni Donna na birthday nito ay dahil sa post nito sa kaniyang Facebook account. Doon din nakilala ni Donna si Alisha na pinakasosyal sa kanilang magkakaibigan kaya ito ang napili kong target.

Nang makarating kami sa esquater na aming tinitirahan ay inabot ko kay Donna ang nakulimbat kong alahas.

Ikaw na ang bahala riyan, saad ko rito.

Tumango naman ito bago kami naghiwalay ng destinasyon.

Malayo pa lang ako ay naririnig ko na si Nanay na nag-iingay. Siguro ay pinagagalitan na naman ang mga kapatid ko. Napabuntong-hininga ako bago pumasok sa pintuan, napatingin naman sa akin si Nanay na kasalukuyang nakakunot pa ang noo.

Punyeta, Kimberly! Abay anong oras na? Naisipan mo pa talagang umuwi ha? Puro barkada na naman ang inaatupag mo, tapos malalaman ko na nasa kulungan ka na naman at doon natutulog! Ako ba talaga ay papatayin na ninyo sa konsumisyon?! galit na galit na bulalas nito sa akin.

Naupo ako sa kahoy na upuan at nagtanggal ng sandals.

Nay, hindi naman po ako galing kung saan. Nagtrabaho po ako, at kayo na rin ang nagsabi na gabing-gabi na. Hindi ba kayo nahihiya sa kapit-bahay? Gabing-gabi na ay ang ingay-ingay pa rin ninyo...

Hindi nagustuhan ni Nanay ang sagot ko kaya lalo itong nagalit sa akin.

Aba't binabaliktad mo pa ang sitwasyon ha! Nagtrabaho? May nagtrabaho ba na ganiyan ang pustura mo? Ano ka hostes? Hindi ka ba kinikilabutan sa sinusuot mong yan na halos lumuwa na ang dibdib mo at makita na ang singit mo? Aba hoy, Kimberly! Hindi kita pinalaki para maging pokpok katulad ng mga kapit-bahay natin! Marangal ang trabaho ko kaya dapat yon ang tularan mo!

Nay, hindi naman porke sexy ang suot ay hostes na. Sa ganda kong ito, mapagkakamalan akong hostes? Sabi nga ng mga kumare mo para akong anak ng beauty queen e! Beauty queen ka ba? Hindi nakaimik si Nanay kaya naman dinuksungan ko ang sasabihin ko. O hindi ba? Hindi rin totoo dahil hindi ka naman maganda, kaya nay, huwag maniwala sa nakikita mo lang... Tumayo ako at pumasok sa kuwarto, habang si Nanay naman ay lalong nagalit sa sinabi ko.

Aba't talagang napakawalang modo mo talagang bata ka! Manang-mana ka sa ama mong balasubas! Papatayin talaga ninyo ako sa konsumisyon! pagpapatuloy pa nito na hindi ko na pinansin. Natulog na ako dahil bukas ay may raket ulit kami.

Sa Birthday Party nagkakagulo naman ang magkaibigang si Cally at Alisha. Umiiyak si Alisha dahil naloko siya ng isang babae na nagpakilala na si Jane.

Kaaagad siyang pinuntahan ng boyfriend niyang si Joshua.

What happen? tanong ni Joshua sa kaniya.

Nanakawan ako ng necklace at earrings, babe. Akala ko kasi kaibigan din siya ni Cally, kinuha niya yong bigay mo sa aking necklace... umiiyak na sumbong nito kay Joshua.

Shhhss... hayaan mo na, okay lang yon. Ang mahalaga hindi ka nasaktan.

Pero babe, galing sa 'yo ang kuwintas na yon. Tapos pinanakaw ko lang—

It's okay. Ibibili na lang kita ng bago. Huwag mo nang isipin pa yon, okay? Hinalikan ni Joshua sa pisngi si Alisha para tumigil na ito sa pag-iyak.

Pinag-ipunan niya nga ang kuwintas na yon dahil gusto niyang regaluhan si Alisha ng mamahaling alahas. Kaya lang nanakaw naman ito kaya wala na siyang magagawa. Ang importante ay hindi sinaktan si Alisha, dahil baka kung anong magawa niya sa mangnanakaw na gumawa noon sa girlfriend niya.

Terrified Woman COMPLETE Where stories live. Discover now