Prologue

2 0 0
                                    

Napapikit ako ng maramdaman ang malakas na simoy ng hangin. Nilibot ko ang aking tingin. Ang ganda talaga dito.

Napakalawak ng karagatan, napakalinis ng tubig. Nagliliparang mga ibon na tila ba walang iniisip na problema.

May nahagip ang aking mga mata, dalawang ibon na tila masayang magkasama, ngunit nabigla ako ng umalis sa pagkakadapo ang isang ibon. Tila ba nalungkot ang isa pa na natira, pero may isa pang ibon na dumapo at kung pagmamasdan ay dinamayan nito  ang naiwan na ibon.

Napaisip ako, parang mga tao pala ang mga ibon. Ganyang ganyan ang nangyari sa atin, iniwan mo nalang ako bigla, at may isang dumating na kapalit mo para damayan at pasayahin ako. Ngunit mapagbiro talaga ang tadhana.

Dumating sa point na kailangan ko ng mamili. Kahit anong gawin ko. Kahit sino man sa inyo ang piliin ko may masasaktan at masasaktan talaga.

At dumating na ang araw ng pagpili.

Sino ang pipiliin ko kung parehas kayong mahalaga sa akin? Kung parehas kayong napamahal na sa akin? Sino nga ba talaga ang mas matimbang?

My PAST or my PRESENT?

PAST or PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon