Chapter 2

0 0 0
                                    

Maaga akong nagising dahil gusto kong sorpresahin si Bae. Kakauwi niya lang kahapon. Galing kasi sila ng family niya sa family outing sa Palawan. Panigurado nagpapahinga yun sa house nila.

Ginawa ko yung daily routine ko. After ko maligo, I choose a knee pants and a white crop top, and a flat sandals for my ootd. Simple lang diba?

One week na ang nakalipas nung graduation namin. Bakasyon nanaman, at hindi pa kami nag-uusap nina mama kung saan ako magse- senior high. Baka pag-usapan nalang din ni Tita Tristine (Mama ni Thazer) at ni mama kung saan kami mag-aaral ni Bae.

So yun nga, kakauwi niya lang kahapon and I want to drop by sa bahay nila to surprise him because today is January 8! Our anniversary. Gasssh I'm excited!

Tawagan ko nga muna si Thazer.

Ringing... Ringing
Ringing... Ringing
Ringing... Ringing
Ringing... Ringing
Ringing... Ringing

~The number you have dialled is either unattended or out of the coverage area. Please try your call later.

Ayyt tulog pa ba siya?

I try to call him again and again and again but still he didn't pick up the phone. So I guess tulog pa nga siya.

Pupuntahan ko nalang siya sa kanila.

Bumaba na ako para kumain ng almusal and para makadaan narin sa mall.

Binilisan ko kumain para makaalis na din agad. After eating, nagpaalam na ako at lumabas na ng bahay. Magco-commute nalang ako.

Nandito na ako sa mall, mmmm ano kaya pwedeng bilhin? Napadaan ako sa store ng mga watch. Ayunn ang ganda. Watch nalang kaya iregalo ko? Para kapag mapapatingin siya sa watch niya ako agad ang maisip niya hihihi.

Binili ko na yung watch. I also bought cake and chocolates. Mahilig kasi siya sa sweets same as mine.

Yan tapos na! Pwede na akong pumunta sa kanila, ayy wait. Tawagan ko muna si tita Tristy.

Nakatatlong ring lang sinagot na din ni tita.
"Hello Tita?"

~"Umm, Felly? Na-napatawag ka?"

Mukhang nauutal si tita ah, bakit kaya?

"Tita nandiyan po ba si Thazer?"

~"Mmm Yeah he's here. Why?"

"Ah ganun po ba tita sige po, thank youu. Sige po tita I'll hang up na ah, byee"

~"Wait Fe---"

I ended the call. Napangiti naman ako kasi nandun si Thazer. Panigurado matutuwa yun. Pero bakit kaya ganun si Tita? May problem kaya? Hay nako pabayaan na nga.

Masosorpresa talaga kita Bae. Tiyak na matutuwa ka.

>>>>>>>>>>

Nagcommute lang ulit ako, and tada! Nandito na ako. Kumatok ako and pinagbuksan naman ako ng isa sa mga maids nila. Kilala na naman ako kaya hindi na ako tinanong, pinapasok na ako agad.

Yes may maids sila. Apat lang naman. Busy kasi sa work si tita at tito kaya needed ng maid and hindi naman sila ganun kayaman. Sadyang may kaya lang sila.

Pagkapasok ko nakita ko yung isang maid.

"Hello po, nasaan po si Thazer?"

"Ahh, ehh. Ma'am kayo po pala! Nasa dining po nakain ng almusal." alanganin niyang sagot, medyo parang kinakabahan pa nga siya eh. Weird.

"Sige thank you." Nginitian ko siya.

Dumiretso na ako sa dining. Naabutan ko sila na nakain. Pero may nahagip ako ng mga mata ko. Isang babae.

Actually maganda siya. Maputi, may pagkasingkit, hanggang tenga ko siya.

Familiar siya. Ayun tanda ko na! Kilala ko siya. Siya si Katy ka-school mate namin noon, pero grade 11 na siya ngayon.

Bakit siya nandito? Baka kakilala lang ni Tita at inimbita.

Lumapit ako sa kanila.

"Hi Tita!" Nakangiti akong bumeso kay tita.

Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

"Ohh Felly, napadaan ka?" Tita

"Namiss ko lang po kayo" Sabay ngiti

"Halika kumain ka muna" Tita

Syempre nahihiya akong tumanggi kaya umupo ako sa tabi ni Thazer. Bumeso muna ako kay tito at kay Thazer.

Pagkabeso ko kay Thazer hindi manlang siya umimik, nakakapanibago naman.
Weird nga eh hindi siya masyadong nagsasalita , at hindi niya rin ako binati.

Dati naman kapag dadalawin ko siya, yayakapin niya ako pagkakita niya palang sa akin.

Baka naman pakulo niya lang to, tapos may surprise siya sa akin? Hihihihi mahilig pa naman siyang magsurprise. Sige na nga sasakyan ko nalang trip niya.

Umupo na ako sa tabi ni Bae, at kumuha ng pagkain. Antahimik nila sobra. Nakakapanibago naman.

Kumain nalang kami.

Hindi na ako mapakali. Malapit na akong  matapos kumain, ganun din sila. Gusto ko na ibigay sakanya gift ko. Naeexcite na ako.

Pero kailangan kong magpigil, kasi naman sayang yung surprise ni Bae kung sisirain ko diba.

Waaaahh! Hindi ko na kaya! Ako na mauuna.

Tumayo na ako at kinuha yung gift ko sakanya pati narin yung cake at chocolates.

Sinusundan pa nga ako ng tingin nina tita eh pero si Thazer hindi niya manlang ako tinatapunan ng tingin.

Pagkakuha ko lumapit ako kay Thazer. Tumayo na nga siya at akmang aalis na nung lumapit ako. Pinigilan ko siya sa kamay.

"Bae Happy Anniversary! Sana magustuhan mo yan! Nakita mo naman yung tatak ng relo diba? Yan yung binili ko sayo kasi gusto ko kada titingin ka diyan sa relo ako yung una mong maiisip hihihi. Atsaka binili ko din yan kasi kada segundo, minuto, oras ikaw lang ang naiisip ko. I love you Bae! "

Pagkatapos nun niyakap ko siya. Pero kumalas siya sa yakap.

Tumingin siya sa akin, mata sa mata. Cold eyes. Walang bahid na kahit anong tuwa o kahit ano mang emosyon.

Nagulat ako ng hinagis niya yung cake and chocolates pati narin yung regalo ko.

"Hala bakit Bae? Hindi mo ba nagustuhan?" Nag-aalala kong tanong. Nagbabadya narin sa pagtulo ang aking mga luha. Naluluha na ako!

Umiling siya. At ang susunod niyang sinabi ang nagpagunaw ng mundo ko.

"Let's break up Felly"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAST or PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon