Chapter 1

0 0 0
                                    

Felly gising na! Malalate na tayo sa graduation ceremony mo!"

Panaginip ba yun? Pati sa panaginip ko ginigising ako ni mama.

"Nako naman tong batang to. FELLIANA JALE DELA FUENTES GUMISING KANA"

Ang kulit naman ni mama sa panaginip ko.

"Mama wag ka makulit, at lubayan mo po ako sa panaginip ko please, change dream  tayo."

"Aba't loko tong batang to ah, ahh ayaw mong gumising ah."

Ayun mabuti naman at tumahimik din. Tulog pa Felly, tulog ka lang.

SPLAAAASSSHH!

Bigla nalang nakaramdam ng lamig ng tubig, waaaahhhhh malulunod pa ata ako sa panaginip kooo. "Tuloooong! Tulooong nalulunod ako!"

POINK!

Napamulat ako nang may naramdamang may nambatok sa akin.

"Aray naman mama ba't ka naman namamatok?" Ansakit naman nun. Hinihilod hilod ko yung ulo ko dahil sa sakit ng batok ni mama sa akin, napatingin ako sa orasan

9:12 am

9:12? Loading.. Loading.. Loading

"Halaaa late na ako!Mama naman bakit hindi mo ako ginising?!"

"Ayy ako pa sisisihin mo? Binihusan na nga kita't lahat lahat tulog mantika ka parin. Dapat pala pinakuha ko sa kuya mo yung electric guitar niya at pinatugtog sakanya nang magising ka, o kung hindi ka pa magising mag aarkila na ako ng isang banda"

Haba naman ng sinabi ni mama. Ang onti lang ng sinabi ko eh. Naghuling sulyap muna ako sa orasan at kumuha ng tuwalya at kumaripas na ng takbo papuntang banyo.

Almost 10 minutes din akong naghanda. 9:30 kasi start ng graduation namin. Mabuti at malapit lang ang school sa bahay namin kaya wala pang 5 minutes nandito na kami sa school.

Pagkapasok namin sa gate, agad kong nakita si Acer, kaklase ko. Inaayos nya yung uniform nya. Lumapit ako sakaniya at kinalabit siya.

"Uy bakit ngayon kalang?" Acer

"Bakit late na late na ba ako?" kinakabahan kong tanong.

"Hindi pa naman, alam mo namang Filipino time ang mga gantong event." Acer

"Woohh! Nakahinga rin ako ng maluwag. Dapat pala binagalan ko nalang, si mama kasi excited eh."

"BAE!"Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Anlakas talaga ng epekto sa akin ng taong to.

Thazer Ronn Prentes. Ang gwapo ng name diba. Ang gwapo gwapo kaya ng boyfriend ko. Mas matangkad siya sakin, matangos ang ilong, moreno, bilugan ang mata, sakto lang ang laki ng katawan. Simple lang siya. Gentle man yan at mabait. Katamtamang talino. Pero madiskarte.

"Nako third wheel nanaman ako." Bitter naman neto ni Acer.

"Uy Bae kamusta kana? Kasama mo ba sina tita?" Bungad kong tanong sa kaniya ng makalapit siya

Inakbayan niya ako. "Ayun magkausap sila ni mama (mama ko, mama na rin kasi tawag niya kay mama  eh, oo wala kasing hiya yan. HAHAHAHA!)

"Ahhh, eh ano namang pinag-uusapan nila?"

"Yung kasal natin"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Kasal namin? Gragraduate palang kami ng highschool kasal agad?! Tiningnan ko siya ng may halong gulat.

Nagpipigil siya ng tawa, pero hindi niya na siguro nakayanan at...

"Pffft HAHHAHAHAH! Uy joke lang Bae! HAHAHAHAH! Hindi ka naman mabiro. Para ka nang nakakita ng multo diyan. Umayos ka nga" Pinupunas punasan pa niya yung luha niya sa kakatawa. At nakuha pa akong pagtawanan?

Inirapan ko lang siya, bahala siya diyan. Mmmmmp.

"Oh kayong tatlo dyan! Pumasok na kayo dito, magsisimula na! Kayo nalang ang kulang" Nagulat kami sa sinabi nung guard. Kami nalang pala hinihintay.

Hindi na kami nag aksaya ng panahon at tumakbo na papunta sa loob.

>>>>>>>>

Whoooo! Mabuti at tapos na din. Antagal din natapos nung ceremony ah. Nakauwi na kami dito sa bahay. Hindi na kami nakapagkita at nakapagcelebrate ni Bae. May celebration kasi kami ng fam ko, sila din naman may celebration. Kaya okay lang.

Napagkasunduan namin na sa anniversary namin magcelebrate. Malapit na naman yun eh, next week na. Ambilis na no? Gassshh naeexcite na akoo.

Marami pa akong inisip hanggang sa dinalaw na ako ng antok.

PAST or PRESENT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon