Chapter 4

7 1 0
                                    

Right after ng last subject namin, pumunta na ako ng debate room. Actually kinakabahan ako, I know parang tanga lang. Kinakabahan ako over something na di naman nag eexist. Di ko nga din maintindihan ang sarali ko kung bakit ako napaparanoid.

Andito na ako sa tapat ng debate room. Nag aalangan ako kung papasok ba ako. Para akong tanga na urong sulong. Kainis! Sana pala tinanggap ko na yung offer ni Eli na samahan ako, nagmatapang pa kasi ako. Pero sabi kasi ni Kuya Markee wala naman nasabi yung Titus na yun na kasama si Eli. Ang arte! Ano to exclusive interview?

After ng ilang minutes, I decided to knock. Pero naka tatlong knock na ako wala paring nagbubukas. I hold the door knob at bukas naman pala ito. I slowly entered the room at mukhang walang tao. Pumunta ako sa office ni Titus na nasa dulong part ng room. Sumilip ako sa glass window at nandun nga ito. Kaya naman pala naka headphone ito kaya di naririnig ang pagkatok ko.

Binuksan ko ng konti ang pintuan ng office niya at nakita niya ako. "Hi, kanina ka pa?" tanong niya sa akin habang tinatanggal ang headphone niya.

"Di masyado. Pero naka ilang katok na ako pero walang nagbubukas yun pala kasi may nakasalpak dyan sa tenga mo." sagot ko sakanya.

"Ow, sorry. Wait lang ayusin ko lang to, una kana sa receiving area."

"Where are the others? Di ba need nating pag usapan yung mga topics for our next debate?" tanong ko sakanya habang paupo ako. Medyo uneasy yung pakiramdam ko knowing na kaming dalawa lang ni Titus sa room na to.

"Ah, they already went home. Di naman kasi org day ngayon so mostly of the members di nagpupunta or nagsstay dito." he answered as he went out of his office.

"Ha? So tayong dalawa lang talaga dito?" panic kong tanong. Gahd! Never pa akong nag stay sa isang room with a guy. Then bigla siyang tumawa. "At anong nakakatawa?" taas kilay kong tanong sakanya. Sira ulo to, pagtawanan daw ba ako.

"You." turo niya sakin while smiling like an idiot.

"Me? Ano namang nakakatawa sakin?"

"Yang itsura mo when you knew na tayo lang dalawa ang andito na parang may gagawin akong di maganda sayo. Relax, we will just talk about our org. Nothing more." at umupo siya sa tapat ng inuupuan ko. Napaiwas naman ako ng tingin sakanya at napatungo.

"Ano ba Ariela, pinagmumukha mong tanga ang sarili mo sa harap ng unggoy na to." bulong ko sa sarili ko.

"Losen up Pereyra. I don't bite." he said while smirking. Pero ako gusto na kitang kagatin kung di ka lang gwapo ay naku! Yabang talaga!

"Lets get this over with. Ano ba ang matutulong ko?" pag iiba ko ng topic. Kasi kung di ko ililigaw ang usapan malamang aasarin lang ako neto. Somehow nagpapasalamat ako na wala dito si Eli kundi uulanin nanaman ako ng pang aasar nun.

"Oh about that. I want to ask your opinion kung anong magandang topic na gamitin para sa gagawin nating debate next month. As you see, nag uumpisa nadin ang ibang orgs para sa mga activities nila. So Im asking you if you have any good idea for our upcoming event." seryoso niyang sabi sakin. Kung may ilang traits man akong inaadmire kay Titus ay yung pagiging responsible niya. Di katulad ng ibang rich kids na inaasa na lang sa mga magulang nila pag bumagsak sila. Pero si Titus, makikita mong he knows what he want to be.

"Actually there are many good topics. And I'm thinking, bakit di tayo magkaroon ng topic na every student ay makakarelate. Yung hindi politics yung focused."

"That's a good idea. And it will let the other students na mag interact." sang ayon naman ni Titus sa sinabi ko.

Nag brainstorming pa kami ni Titus at nakatingin lang ako sakanya while he's discussing to me everything. Tama nga sila, Titus is a very good looking man. Idagdag pa na matalino ito at dedicated as the president of this org. Yun nga lang, may pagkamayabang at suplado ang isang to. He will never talk to you unless may pakinabang siya sayo. Ganun siya. Biglang ako nagkaroon ng kakaibang pakiramdam while staring at him. And I am not familiar with this kind of feeling. It's something.. new.

ShadowzonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon