Chapter 14.

47 0 0
                                    

" Isa kaba sa mga babaeng umaaligid at parang lintang dumidikit sa asawa ko? Ang ulit na tanong nung babae. "

" Excuse me! I should be the one who's asking that to you? Ang kapal nman nang mukha mong sabihin na asawa mo ang asawa ko. " ang galit kong sigaw sa kanya.

"Nakita kong namutla yung babae, sabay sabing.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ambisyosa. "Ang nanggagalaiti din nyang sabi.

"Naglakad ako papasok sa gate pero pinigilan nya ako. Hoy babae wag ka ngang basta basta pumapasok nang walang permiso. Ang awat nya sakin sabay tulak sakin palabas.

"medyo napalakas ang pagkakatulak nya sakin kaya nawalan ako nang panimbang. Tinignan ko sya nang masama sabay tayo at hindi nako nakapagpigil kaya hinila ko ang buhok nya palabas nang gate."

"Nagtitili sya pero gumanti din sya nang sabunot sakin. Hindi ko alam kung gano na kami katagal na naghihilahan nang buhok at nagkakalmutan. Nang may tumigil na sasakyan sa tapat namin. Hindi pa din nmin pinansin ang sasakyan tuloy lang kami sa sakitan namin."

"What the f*ck. Ang narinig kong mura nang taong bumaba nang sasakyan.

"Elein stop that, ang natataranta nyang awat sakin. Si Rain pala ang dumating. Hinila nya ako sa kamay sabay niyakap nya ako sa likod pahamblot dahil ayoko pa ding bitawan ang buhok nang babaeng ambisyosang umaangkin sa asawa ko."

"What do you think your two doing? Bakit kayo nagsasabunutan dito sa labas? Nakakahiya sa mga taong makakakita sa inyo." ang galit na ding sigaw ni Rain samin.

"Yang babaeng yan ksi sinasabi nyang asawa ka daw nya." ang sabi pa nung bruha.

"Ikaw ang ambisyosa. Ang sabat ko sa sinasabi nya. Asawa naman talaga ako ni Rain. Ang balik kong sigaw sa kanya sabay hablot na naman sana sa buhok nya nang pinigilan ako ni Rain.

"Enough! Ang galit uling sigaw ni Rain. Medyo natakot ako sa pagsigaw nya dahil makikita mo talaga sa itsura nyang galit na talaga sya.

"Hinawakan nya ako sa braso sabay hila sakin papasok nang bahay.

"Sumunod ka Cara. Ang utos nya dun sa babaeng hindi makapaniwala na ako ang hinila ni Rain papasok nang bahay at hindi sya.

"Cara, ikaw ang magsabi kung anong umpisa nang kaguluhang ito? Ang utos ni Rain dun sa babaeng Cara ang pangalan.

"Tinatanong ko lang naman sya kung sino sya at anong kailangan nya, pero bigla nalang syang nagwala at sinabunutan ako. Ang paawang sabi nung babae kay Rain. At  ang bruha iniba pa ang kwento. Hindi lang pala sya ambisyosa sinungaling pa.

"Liar. Ang sabi ko dun sa babae. Sabi nya asawa mo daw sya. At tinatanong nya kung isa ako sa mga babaeng umaaligid sayo. Can you imagine that huh? Ako umaaligid sayo? E ako ang asawa mo? Ang tuloy tuloy kong sabi.

"Is that true Cara? Ang tanong ni Rain.

" I didn't say that. Ang pagmamaang maangan pa nung babae.

"Tignan mo ang sinungaling talaga, bakit di kana lang ksi magsabi nang totoo? Ang pilit kong sabi.

"That's enough Elein. Ang pigil sakin ni Rain.

"So that's it? Mas kinakampihan mopa yang babaeng yan kesa sakin? Sino ba ang asawa mo saming dalawa ha? Ang naiinis kong sumbat kay Rain."

"Hindi naman sa ganon. Ang sabi ni Rain. Gusto ko lang marinig ang side nyong dalawa. Kaso sa sobrang ingay nyo hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko. ang malumanay na paliwanag ni Rain.

"Hindi, ang pilit kong sabi.

Hindi yan ang nakikita ko, halata namang sa babaeng yan ka kumakampi. Ang galit ko nang sabi kay Rain.

"You know what? Magkampihan man kayong dalawa wala na akong pakiaalam. Magsama kayo. " ang sabi ko kay Rain sabay talikod sa kanya, binangga kopa sa balikat yung babae sabay derederetsong pumanhik nang hagdan.

"Naririnig ko pa ang pagtawag sakin ni Rain pero hindi ko sya pinansin. Binalibag kopa ang pintuan nang kwarto namin para iparamdam sa kanya na galit na talaga ako.

RAIN's POV

"Para akong nahahapong napaupo sa sofa, pagod ako galing nang practice at eto pa ang madadatnan ko pag-uwi. Parang sumasakit na ang ulo ko kaya medyo hinilot ko ang sentido ko.

"I'm sorry Rain. Ang biglang sabi ni Cara, Hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito. Tinanong ko lang naman sya e. Hindi ko naman ineexpect na magwawala sya. Ang paliwanag pa ni Cara.

"It's okey Cara, I understand. Ang sabi ko sa kanya.

"Is she telling the truth? Is she really your wife? Ang pahabol na tanong ni Cara sakin. Sabay upo sa tabi ko.

"Yes she's my wife. Ang sabi ko sa kanya.

"What? Ang histerical na sabi ni Cara sabay tayo sa kinauupuan nya.

"No no, your not serious aren't you? Tell me your just joking? Ang sabi pa nya.

"Hindi ako sumagot, kaya nagmartya sya palabas nang bahay. Ipinilig ko nalang ang ulo ko. Nadagdagan na nman ang sakit nang ulo ko. Galit na nga sakin ang asawa ko dumagdag pa tong si Cara.

"Cara is my childhood friend. Nakilala ko sya nung lumipat kami nang bahay. Sya ang una kong naging kaibigan sa subdivision na nilipatan namin. She's nice and friendly kaya madali kaming nagkapalagayan nang loob.

"Magkasing edad lang kami ni Cara, matanda lang ako sa kanya nang ilang buwan. Pareho kami nang pinasukang school nung high school at nung college. Ayaw daw ksi nyang mahiwalay sakin kaya pinabayaan kona lang sya. "

"Hindi ko sya masisisi na nagalit sya nang malaman nyang asawa ko si Elein dahil bata pa lang kami sinasabi na nyang may gusto sya sakin at magiging asawa daw nya ako. Wag daw akong maghanap nang ibang babae kung hindi ay hindi na daw nya ako kikibuin."

"Hindi ko naman sineryoso ang sinabi nya non ksi mga bata pa kami. Hindi ko naman alam na seryoso pala sya."

"Nagkahiwalay lang kmi nang landas nang magmigrate ang pamilya nya sa UK.  Ayaw sana nyang sumama kaso hindi sya pinayagan nang pamilya nyang maiwan.  Kaya paminsan minsan nalang kmi nagkikita pagnagbabakasyon ang pamilya nya dito sa pilipinas. "

"Huminga ako nang malalim saka tumingala sa kisame,  ilang minuto din ako sa ganong pwesto nang mapagdesisyonan kong puntahan na si Elein sa kwarto namin."

--------

Waaah after 10000000000 million years nakapag-update din.  Salamat sa lahat nang nagtyatyagang magbasa sa sinusulat ko.  Thank you thank you.  Mwuah

Our Fix Marriage *ON-GOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon