Chapter 9.

99 1 0
                                    

A/N:

SALAMAT po sa lahat nang nakabasa na at babasa palang nang sinulat kong story, 3 days palang akong nagsusulad pero naka 9 chapters na ako. haha ganon ba ako kaadik mag-update? :D

Ang chapter palang ito ay idenededicate ko kay ms. Girlie Dagdag , salamat sa araw araw na pag-aabang nang update ko. :D

KEEP ON READING ENJOY. <3

“Hay nakakapagod  ang araw na to, ang sabi ko sa sarili ko sabay ibinagsak ko ang katawan ko sa napakalambot na kama, makakapagpahinga na din ako sa wakas ang nakangiti kong sabi. Natapos na din kaming magtalo ni Rain kanina tungkol sa sleeping arrangement namin, iginigiit nya na sa iisang kwarto daw dapat kami mag stay na agad ko din namang tinutulan, ayaw nyang pumayag nung una pero wala din syang nagawa, ano sya sinuswerte? Kaya dito ako ngayon sa guest room tumuloy,sinabi pa nyang hindi daw nya itotolerate ang gusto ko hahayaan nalang daw muna nya ako ngayon, hihintayin daw nyang maging ready na ako saka ako lilipat sa kwarto nya. Ayokong magkatabi kami no, baka maulit na naman ang nangyari sa hotel kahapon, NO NO ano nalang ang mangyayari sa akin pag nagkahiwalay na kami?

“Nag-isip ako nang paraan kung paano ko sisimulan ang plano kong gawing  miserable ang buhay ni Rain sa piling ko. Hmmm, nang may bigla akong naisip na plano, napangiti ako sa naisip ko. Bukas na bukas din sisimulan ko syang inisin para matapos na ang kalokohang kasal na to, pero bago ang lahat magbubeauty rest muna ako para maisagawa kong mabuti ang plano ko bukas.  OPERATION INISIN SI RAIN.. hahaha ang nakakaloko kong tawa, wala akong pakialam kung madinig man ni Rain ang pagtawa ko basta ang mahalaga masaya ako..

-Kinabukasan-

Rain’s POV

“Maaga akong nagising dahil may practice game pa kami ngayon, naghahanda kami para sa nalalapit naming laro, kailangan naming mapanatili ang aming championato nakakahiya sa mga taong walang sawang sumusuporta sa team namin.

“Napangiti ako nang pagbaba ko nang hagdan nakita ko si Elein na naghahapag nang pagkain sa mesa, sakto nagugutom na ako , hindi ako masyadong nakakain kagabi sa reception dahil natuon ang atensyon ko sa mga taong dumalo sa munting salo salo nang  kasal namin ni Elein. Hindi ko muna itinuloy ang pagbaba ko nang hagdanan, tinitigan ko muna si Elein, nakatalikod sya sa akin kaya hindi nya ako napansin.

“Ano kaya ang naisip nang babaeng to at naghanda nang almusal? Ang nasabi ko sa isip ko. Baka bumabawi sya sa hindi nya pagpayag na magsama kami sa isang kwarto, napangiti ako sa naisip ko saka ko itinuloy ang pagbaba ko sa hagdan.

Our Fix Marriage *ON-GOING*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon