Chapter 1: Stranger

17 3 0
                                    

LIANA

RIIIIIIIING!
RIIIIIIIING!
RIIIIIIIING!


Nagising agad ang diwa ko dahil sa alarm.

Ugh! Inaantok pa ako e. Pero kailangan pumasok, para sa future.

Im Liana Elizabeth Baldomez. Grade 11 Senior Highschool student.

Nagreready  ako ngayon para sa school. Bat kasi mga magaganda yung mga palabas kada sunday sa tv anong oras tuloy ako nakatulog, kaya ito lunes na lunes kulang sa tulog.

Dalawang minuto akong tumingin sa kisame nang bigla akong napabangon. Naalimpungatan ako.

'Oh sh*t, ngayon ko pala sasabihin sa kanya ang totoo. Hay naku.'

Dali dali akong bumangon to start my daily morning routine.

Toothbrush, ligo, bihis.

I checked my cellphone. "OH MAAH!" late na ako. Baka di ko sya masabayan papasok sa school.

Dali dali akong nagsuklay at tumakbo pababa sa hagdan. "Ma, alis na po ako!" Naamoy ko pa yung favourite kong bacon at itlog na syang nagpahinto sakin saglit na animoy nang-aakit na puntahan ko sila sa lamesa at kainin.

"Breakfast ka muna?"

"Pass muna ma." Sagot ko kay mama kahit labag sa gusto ng tiyan ko. Sorry muna stomach isasakripisyo muna kita para kay heart. Babawi ako sayo mamaya. Nagmamadali akong lumabas ng bahay.

Ngayong araw ko napagdesisyonan na sabihin ang totoong nararamdaman ko para sa kanya. Kay Kyle. Were friends since bata palang kami. Mahigit one week ko na syang di nakakausap ngayon. Siguro dahil sinusulit na namin ang natirang vacation namin to spend for our family. And in this past few days parang di ko na talaga matago tago pa. He's my childhood sweetheart pero ngayon lang ako nakaipon ng lakas ng loob para sabihin ang nararamdaman ko.

~*~


Takbo ako ng takbo papuntang school habang luminga-linga sa paligid nang nakita ko syang papasok sa gate. Mas binilisan ko pa ang takbo ko. Wala na akong paki sa nakakakita sakin. Kahit sobrang kabog ng puso ko na parang gusto nang lumabas para tulungan akong mahanap ang target ko at nang matanggal na ang kaba ko. Matagal ko na itong pinag isipan, walang nang atrasan 'to.

Sa pagtakbo ko, may nahagilap akong nakatalikod at nakauniform na dalawang lalaki. Sa tindig ng nasa unahan ay si Kyle na talaga ito. Bahala na. I make a run-walk while closing my eyes to gain more courage to make close to him at nang maramdaman ko na ang braso nya hinila ko sya paharap sakin. This is it.

"I...  I LIKE YOU!" pagasigaw kong sabi sa harap nya. Sobrang pula ng mukha ko. Pagkatapos kung sabihin yon. Parang may natanggal na  malaking bato na nakapatong sa dibdib ko. Yes i finally said it.

"Huh?" wait nakakaya bang umiba ng boses ng tao in a week? Siguro meron naman.

I slowly open my eyes. "Umm-" medyo blur pa yung nakikita ko. Lalaking medyo mahaba ang buhok na tago ang mata na blonde. Wait, Who is he?

"Who are you?..." gulat at takang tanong nya.

Lumaki bahagya ang mata ko habang nakatingin sa kanya at napanganga. Waaaah! Bat sya yung nahila ko? Wait, nasa unahan si Kyle! Mali yung nahila ko. Nakakahiya, lupa kainin mo ako ngayon.

Napansin kong huminto si Kyle sa unahan. Hala narinig nya kaya? Malayo agwat namin kaya siguradong di yun maririnig. Paano ba ako makakatakas dito. Lian mag-isip ka ng palusot.

CONFESS GONE BADWhere stories live. Discover now