Allyson's POV
"*yawn* Morning to myself~" sabi ko.
"What?!"
Nagulat ako pagtingin ko sa orasan ko 6:20 na eh papasok pa ako T^T
Kinuha ko ang towel ko at bagong bili kong shampoo at bumaba na ako para maligo.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ring naman yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Si Ingrid lang pala. Sinagot ko na ito kaagad.
"Masaya ka ba?" sabi ko sakanya.
"Gising ka na?"
Tama bang sagutin yung tanong mo ng tanong din -_-
"Oo and syempre hindi ko makakalimutan na today is your big day!"
"Anong gagawin ko? Kinakabahan ako.."
"Ang kailangan mo lang namang sabihin ay 'Yes.'"
"Hahaha! Pinapatawa mo naman ako eh, pero your right."
"O sige kita na lang tayo mamaya. Byeeeeee~" sabi ko at binaba na.
Matawagan nga naman ngayon si Shae...
"You will now be diverted to voicemail" sabi ng cellphone ko :3
"Aish! Eto talagang babaeng to! Huwag mo sabihing natutulog pa rin siya?" sabi ko na lang sa sarili ko.
Natapos na rin akong maligo. Muli kong tinawagan si Shae.
"Shae, daliaan mo at pumunta ka na dito." sabi ko sa kabilang linya.
"Naligo na rin ako kaya mabango na ako. Daliaan mo pumunta ka na dito, hihintayin kita." dagdag ko.
"Daliaan mo, pumunta ka na dito. Hihintayin talaga kita." sabi ko pa.
"Okay. Okay." sabi niya.
Aki's POV
Papunta na ako sa bahay na binili ko.
Nakarating naman ako agad. Bumaba na ako ng kotse ko. Tinignan ko ang labas ng bahay.
"Yeaaaaaaah! Mama! Papa! Ang saya-saya ko! Babalik na tayo sa bahay!" sabi ko.
"Masaya ka? Masaya din si Papa!" sabi ni Papa na mas ikinasaya ko.
"Gusto mo bang mag-swing ng mas mataas?"
"Opo!"
"Okay, idaretso mo ang legs mo anak" sabi saakin ni Papa.
Nakita ko namang naglabas ng mga prutas si mama.
"Mag-ingat kayo." sabi niya.
"Nakabalik na ako." sabi ko na parang nandito sina mama...
Tinignan ko ulit ang lugar at nakita ko yung garden at may nakita akong mga rosas. Pumitas ako ng isa at saka pinaghiwalay-hiwalay ang mga petals nito.
Tumuloy na ako sa pintuan, pero bago ko ito buksan may nakita akong nakalagay dito na 'House Sealed By **** Land Court'.
Tinanggal ko ito at tinignan ng maiigi. Pagkatapos ay tinupi ko ito at saka nilagay sa bulsa ng polo ko.