Chapter 4:

17 0 0
                                    

Janaire Lazaro POV:

"Tulungan mo ako para magustuhan ako ni Lanz." She's smiling like a demon. Baliw ba 'tong kaibigan ni Jamila?!

"What?! Are you serious?!"

"Why? Hindi mo ba ako kayang tulungan?" Nahalata kong nababanas siya. Well, hindi ko kayang guluhin ang buhay ni Lanz.

"Wtf Alia. Hindi ko kayang gawin yon, Malay ko ba kung sino ang gusto ng kaibigan ko?! Ayoko, kahit wag muna ako tulungan kay Jamila. I can do it without your help." Aalis na sana ako pero bigla nalang niya hinawakan ang braso ko.

"Well, See you janaire. Tignan natin, malalaman at malalaman din niya kung ano ang plano mo. Tandaan mo: Walang sikreto ang hindi nabubuko. :)" After that incident umalis na siya. The fvck?! Ako tinatakot niya? Huh! Bahala siya sa buhay niya.

Alia Wallter POV:

HAHAHAHA! Revenge, revenge, revenge. Bigla nalang nabuhay ang dugo ko ah? Well, Janaire Lazaro akala mo matatakot ako sayo? Hindi. I can do without his help para mahulog ang loob sakin ni Lanz. Ako pa? Kayang-kaya ko ngang kunin ang gusto ko eh. :)

-----

Class dismissal na pero ako eto sa cafeteria, naka-nganga. Hindi kami natuloy sa make-over ni Jamila may emergency daw kase. Well, buti nalang at di natuloy. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sabihin sa kanya yung nalalaman ko tungkol sa plano ni Janaire.

KRING! KRING! KRING! KRING!

Mommy calling...

"HI HONEY!!!!" Aba muhkang excited si Mom ah? Ano kaya ang meron?

"Hello mom! Ba't napatawag ka ata? May problema ba?"

"Honey nothings wrong. May goodnews lang ako." Goodnews? Hmmmm. Ano kaya yun?

"Mom!!!! Wag ka na mag-pabitin pls? Ano bayun?"

"Honey, your dad wants a 3 months vacation in London. Pinadala na niya yung Visa and passports natin. So tommorow, this saturday we will leave philippines! Yipieeeeeee!" WHAT?!

"REALLY MOM?! BUT?!"

"NO BUT'S HONEY. BYEEEEEEE MWAH!"

What the ef?! For 3 months? Hindi ko makikita si Lanz? Omg. I'm sure magiging maganda naman 'to. I need to do this. Well, i need to have a make-over. Kailangan kong magpaganda sa London. Well, para ako naman ang magustuhan niya. I shall return my Lanz. Hindi pa ako magsisimula ng plano ko. At Janaire Lazaro, babalikan din kita. :)

Lanz Assuncion POV:

3 days ng absent si Jamila. Nabalitaan ko lang kanina na-confined siya because of de-hydration. Masyado kasi siyang stress dito sa school works. Plano ko sana puntahan siya kasi yaya niya lang nagbabantay sa kanya. Umalis daw kasi yung kaibigan niya. Sino pa ba? Edi si Alia. Buti naman at nagbakasyon out of country. Walang mangungulit sakin. -_____- Well ayoko naman talaga sa kanya eh. Masyado siyang pa-impress.

On the way nako sa Hospital kung saan naka-confined si Jamila. Syempre diba? Concerned ako sa kanya kahit hindi niya alam na gusto ko siya. Pumunta muna ako sa information desk para tanungin yung room niya.

"Hi miss, can i ask? Saan ba ang kwarto ni Jamila Rivera?"

"Ah, sir sa room 301 po."

"Salamat miss."

Nag-papacute pa sakin yung nasa info-desk. Para namang ang cute cute niya -____-"

Nandito nako sa tapat ng room ni Jamila ng biglang may lumabas. Eto ata yung mayordoma nila eh.

"Sir, hanap niyo po ba si Ma'am? Eh, may kausap pa po siya sa loob, Janaire po ata ang pangalan. Sige po sir, pasok nalang po kayo." Ahhhh- ANO?! SI JANAIRE NANDITO?!

"Ah, sige po manang salamat po."

Ano naman ang ginagawa ni Janaire dito? Himala? Wait baka papaiyakin nanaman niya si Jamila.

Papasok na sana ako pero parang may mahalaga silang pinag-uusapan.

"Jamila, i was shocked nung nalaman ko na nandito ka. Sorry nga pala sa mga nagawa ko, inaamin ko nagkamali ako eh. Sorry." Then may inabot siyang flower and tray ng fruits. Aba kupal gaya gaya?!

"Panaginip lang ba 'to? Si janaire? Magkakaroon ng concern sakin? Hahahaha! Nakakatawa... haha." Nagsimula ng tumulo yung luha ni Jamila. Gusto ko sanang guluhin yung usapan nila pero hindi naman ako ganon ka bastos.

"Wait jamila, I'm sorry.... don't cry please? Simula nung nagkagusto ka sakin syempre nagulat ako. Pero narealize ko na ikaw lang ang babaeng tunay na nagmahal sakin. Ikaw lang yung laging nag-aalala sakin. Ilang babae man ang dumaan sa buhay ko pero ikaw parin yung iba eh. Ikaw parin yung babaeng hindi ako kayang iwanan. I realize that I love y-" Hindi ko na kayang marinig pa kaya pumasok na ako ng tuluyan para putulin yung conversation nila.

"Hi jamila? How are you? I just really miss you my friend....."

"Lanz?!" "Lanz?!"  Sabay pa talaga sila huh? Well janaire, ako ang makakalaban mo. Kaibigan kita, pero sa oras na 'to hindi pwede. Akin lang si jamila.

A/N: Thank's for my new readers! I love you guys! Pls vote! Muli salamat! Maraming salamat! :)))))

Saving All my love for YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon