Jamila Rivera POV:
"Lanz?!" "Lanz?!"
Seriously? Sabay pa kami ni Janaire. Hindi naman ako na-shock na nandito si Lanz pero, parang may mali sa kanilang dalawa. Lalo na si Janaire, hindi ko alam kung anung nakain niya at pumunta siya dito. Hindi ko ba naman alam sa mga taong yun, Parang na-dehydrate lang ako tapos kung makapag-alala parang may cancer yung tao. -____-
"Oh? What's wrong? Ayaw mo ba ako makita jamila? Grabe :( Oy! ba't nandito ka pare?" Ayun nag-apir lang sila. Talaga nga naman, mag-bestfriend sila pero hindi halata. Hahaha!
"Oy! Wala lang, bakit masama dumalaw kay Jamila?"
"Hindi naman pare, pero ang pagkaka-alam ko kasi SINUSUKA mo siya dati." Grabe na ha? Anu bang problema nila sa isa't isa at kung bakit biglang nag-iba ang tingin nila sa isa't isa.
"Pare, hindi ako pumunta dito para paiyakin siya. Gusto ko sa kanya mag-sorry, at sabihing mahal na maha-"
"WAIT LANG, KAYO KUNG MAG-UUSAP KAYO PWEDE SA LABAS NALANG NO?! EH ALAM NIYO NAMANG MAY SAKIT YUNG TAO DIYAN PA KAYO NAGTATALO. LUMABAS NGA MUNA KAYO!" Ayun buti naman sumunod sila sakin. Actually pagod talaga ako, hindi pa kasi ako maka-recover sa sakit ko. Ewan ko, ang weird nila ngayon. -___-
Janaire Lazaro POV:
Nandito na kami sa labas ni Lanz. Bigla ngang naging awkward yung atmosphere eh. Hindi ko alam kung anung nangyari.
"Pare, tapatin mo nga ako. Anung balak mo kay Jamila?" Napatingin ako kay Lanz. Alam ko yung titig niyang yan. Kilala ko si lanz kapag nag-seseryoso.
"Bro, wala akong balak na masama kay Jamila. I just want to apologize for all my wrongs. And i realize that she is the one. Oo pre tinatakwil at sinusuka ko siya dati. Pero bro, narealize ko na mahal ko na siya."
"Bro, baliw kana. Hindi totoo yang sinasabi mo. Kung mahal mo talaga siya, dapat nung una palang sinabi mo na sa kanya yung nararamdaman mo hindi yung pinahirapan at sinaktan mo muna siya bago mo narealize na mahal mo na siya." Seriously hindi ko na alam ang isasagot ko eh. Hindi ko alam kasi nag-uumpisa palang ang plano ko. Hindi ko naman talaga mahal si Jamila. Pero kailangan eh, kailangan.
"Bro kung ayaw mo maniwala edi wag. Basta papatunayan ko sa inyo kung gaano ko kamahal si Jamila. Sige bro, aalis na ako. Babalik nalang ako bukas, ayokong maistorbo si Jamila." Paalis na sana ako ng magsalita si Lanz.
"Pare, kaibigan kita pinagtitiwalaan kita. Pero kailangan ko ding makuha yung gusto ko eh. Kung ngayon narealize mong mahal mo na si Jamila pare ako dati pa mahal na mahal ko na siya. Hindi ako magpapatalo sayo pare. Mahal ko siya. At hindi basta-basta lang na makuha siya. Well, tignan nalang natin kung sino ang papasa."
Na-una nang umalis si Lanz. So si Jamila pala ang babaeng gusto niya dati pa? Hmmm. Hindi ko alam, ang hirap ng kailangan kong gawin. Mahalin ang hindi ko naman gusto. Pero kailangan eh. Ayokong may mawala sa buhay ko na naging mahalaga para sakin.
Lanz Assuncion POV:
Hindi ko alam pero bigla nalang nag-iba ang tingin ko sa kaibigan ko. Naging tingin ko sa kanya ngayon ay kaaway. Hindi ko rin maiitatanggi yun, ako ang naunang nagmahal dapat ako rin ang dapat maging una sa puso ni Jamila. Mahal na mahal ko siya, sabihin niyo ng selfish ako pero hindi ko kayang pakawalan nalang bigla si Jamila kung kani-kanino lang.
A/N: Short update guys! Sobrang busy talaga eh. Btw, maraming salamat sa lahat ng mga readers ko. Sana suportahan niyo pa rin to! Muli salamat! :)
BINABASA MO ANG
Saving All my love for YOU
Teen FictionAko si Lanz, Isang napaka-torpeng tao. Actually may gusto akong babae, siya si Jamila. Maganda, Matalino, Mabait. Actually nasa kanya na yung lahat eh. Kaso, may iba siyang gusto. Yung bestfriend ko kasi yung gusto niya, Si Janaire. Paano kaya kung...