7.SONGS TARGET

194 10 0
                                    

FRINICA's POV

Di nagtagal matapos ang mahahalagang programa ay dahan-dahan nang nagpaalam ang ibang mga bisita at ngayon ay kaunti na lamang ang natira, kasama ang banda at iba pang tauhan ng venue. Umalis na rin lahat ng paparazzi sa isang utos lang ni Papa.

Nakaupo ako ngayon habang pinagmamasdan silang sumasayaw sa gitna.

Nakangiti akong nakatingin kina Mama at Papa. Natawa naman ako ng maapakan ni Yen ang paa ni Honny. Si Lolo ay nalasing na kaya minabuti nang ihatid ni Tito. Umalis na rin si kuya Yoichi.

Pinaiwan naman ni Lolo si Arn upang magsaya na ngayon ay kasayaw si Byen. "Ayain mo kaya si Zie." Bulong ko sa tulala at nakangiting si Kade. Gulat siyang bumalik sa sarili at kumunot ang noo. "Itataboy lang ako non." Padabog na sabi.

"Try lang naman. Kung ayaw niya edi bumalik ka rito sasabayan kitang uminom ng alak." Nakangiting bulong ko. "Sabi mo yan ha." Tumango ako.

Kita ko ang panginginig niya habang dahan-dahang lumalakad palapit kay Zie. Nang malapit na siya ay nilingon niya ako habang balot parin ng takot at kaba. Ngumiti ako at tumango hudyat na magiging ayos lang ang lahat.

Pinagmasdan kong kinausap niya si Zie at pansin ko nung una ay tumatanggi ito pero di nagtagal ay nakuha rin ng kakulitan ni Kade. Ngumiti ako sa best friend ko kaya nahihiya siyang umiwas ng tingin.

Naalis ang atensyon ko sa kanila ng humarang ang isang babae. Inangat ko ang ulo at kita ko ang malungkot na nakangiting si Yeka. "Can I have my dance once again?" Tanong niya. Tumayo ako at tumango.

'I love slow songs. Its perfect by Ed Sheeran.' Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at nilibot sa leeg niya. Pinatong niya naman ang mga kamay sa bewang ko then we gently swaying.

Pumikit ako para damhin ang kanta nang lumapit siya para bumulong. "You didn't deserve what happened." Ngumiti ako at minulat ang mga mata. "Yes, I do."

Hinila niya ako palapit ay niyakap. "Ngayong bumalik kana ay hindi ko na hahayaang lamunin ako ng takot. Hindi na kita sasaktan." Niyakap ko lang siya habang patuloy pa rin sa pagsayaw. 'Ayaw kong sabayan ng lungkot ang kalungkutan ng iba.' Ilang minuto pa ang nakalipas at tahimik lang kaming sumasayaw.

Napahinto kami ng biglang huminto ang kanta. "Nababagot na yata ang lahat at inaantok na rin. Kaya hayaan niyong gisingin ko kayo ng isang awitin na para sa lahat." Binulong niya sa banda ang napiling kanta at dali naman itong nagsimula.

"Avoiding this disaster seemed impossible." Umiling-iling ako nang magsimula siyang kumanta. Lumakad na rin kaming mga nasa dance floor pabalik sa pwesto namin at pinanood ang pinsan ko. Umupo kaming magkakaibigan sa isang mesa lang.

'Hindi naman pangit at hindi rin masyadong maganda ang boses niya. Sakto lang.' Napatawa ako nang pumikit siya para damhin ang kantang tamang-tama para sa kanya.

"I'm in love with someone who doesn't know I exist
I stare from afar, in my hand-broken heart
While I play pretend."

Nilingon ko ang tinitingnan niya. Kita ko si Zie na masayang nakikipagtawanan sa isang lalaking nasa kabilang mesa. Nag-aalala akong binalik ang tingin sa ngayong nakapikit na si Kade.

"I'm in love with someone who doesn't know I exist
And it's you, yes it's true
You don't even know it, I can't ever win."

Nang minulat niya ang mga mata ay sakin na ito nakatingin. "Am I invisible? Should I let it go?" Dali akong umiling dahilan kaya napangiti siya at muntik matawa.

Matagal nang tinanggap ni Kade na may gusto siya kay Zie kaso hindi niya magawang aminin ito dahil kahit paglapit ay halos nanginginig na siya. Sinubukan niyang tumigil lalo na nong malaman niyang ayaw ni Zie sa mga lesbian. Kaso alam ko at nakikita kong hanggang ngayon ay hindi parin nabubura ang nararamdaman niya.

THE REASON I LEFT WHO BEG ME TO STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon