22.WRONG IDEA

76 7 0
                                    

FRINICA’s POV

“Gosh, tinuloy mo ba?” Malungkot ko siyang tiningnan at napabuntong hininga. “Makinig ka na lamang kasi, sa tuwing nagtatanong ka nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ba.” Nahihiya akong ngumit. “Ah sige ituloy mo na. Hindi na ako magtatanong hanggat hindi ka natatapos.” Saad ko.

Ngumiti siya at umiling-iling.

CONTINUATION OF KADE STORY…

“Bakit hindi mo kaya siya halikan upang malaman natin kong ano ang iyong mararamdaman.” Saad ni Wreilla. “Huh? Ano?” Natatakang tanong.

“Diba pakiramdam mo nagseselos ka? Bakit hindi mo siya halikan para malaman natin. Sabi ng kuya ko yan daw ang best way para malaman mo kung may nararamdaman ka nga sa isang tao” Saad niya uli. “Tama yan. Try lang naman. Kung mawawala yang feelings mo ibig sabihin hindi yan crush.” Sagot ni Beatlin. “Wala namang mawawal sayo sa isang halik.” Dagdag ni Jamella.

Ilang beses kong pinag-isipan hanggang sa humantong sa puntong bakit hindi, eh wala naman talagang mawawala. Hindi ko alam kung bakit pumasok iyon sa isip ko. Siguro dahil bata at sa kasakiman sa atensyon kaya ako humantong sa maling disisyon.

6pm na nun ng matapos siyang maglinis ng room mag-isa. Hinintay ko siya sa banyo dahil matapos linisan ang silid ay talagang hinuhugasan niya ang map.

“Ngayon ka lang natapos? Ang kupad mo talagang kumilos!” Bulyaw ko ng dumating siya. Hindi niya pa nalilinisan ang map at gusto niya ng umalis kaso dali kong sinara ang pinto.

Napatawa ako. “Diba sabi ko wag na wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita!” Galit kong saad sabay tulak sa kanya. Nabitawan niya ang map kaya nung matumba siya ay natama ito sa noo niya.

Kita ko ang mukhang nagpipigil sa sakit at dali niyang hinawakan ang nagdurugong noo. ‘Hindi ko alam ang gagawin kahit nakasanayan ko na to ay mas kinakabahan pa ako, siguro dahil sa isa ko pang plano.’

Pinatayo ko siya ng hilahin ko ang damit niya. Sinandal ko siya sa pader. Pinagmasdan ang dumudugong sugat sabay angat sa kamay at malungkot na tiningnan ang sugat.

Pinahid ko ang kamay upang iwakli ang dugo. “Alam mo, nung una palang hindi ko naman talaga intensyon na gawin ang lahat ng mga ginawa ko pero hindi ko sinasabing pinagsisihan ko ito.” Saad bago siya tinitigan sa mga mata.

Binasa ko ang labi at nilapat ang kamay sa may leeg niya. “Gusto ko lang na malaman mong may nararamdaman akong kung ano at hindi ko ito nagugustuhan towards you. I want to stop it because I hate it. I hate you.” Saad ko.

Maingat kong inilapat sa bewang niya ang isang kamay ko. “Sorry.” Saad at hinila siya palapit upang halikan. Akala ko mawawala na ang nararamdaman ko dahil sigurado naman akong hindi ito totoo. Subalit isa lamang pala ito sa aking mga maling akala.

Magmula nun ay halos hindi ko na malapitan si Razz ni kahit tingnan hindi ko magawa. Pero katulad ng lahat ng mga ginawa ko ay hindi niya parin ako sinumbong sa kahit na sino maging sa kaibigan niyang si Neyen.

Matapos iyon, mga isang linggo ay lumabas ang video ng kissing scene namin ni Razz. Magagalit si Papa kung nalaman niya iyon kaso hindi na ito nakaabot sa kanya at sa inyo salamat dahil ganon kagaling na hacker si Kuya.

Ang tanging nakakaalam lamang ng katutuhanan ay ang mga peke kong kaibigan na kumuha ng video, ang mga nakanood, si kuya, ako at si Razz. Pero kahit kaunti lang ang nakapanood ay hindi parin naiwasang maging issue ito sa school.

Na bully ako. Isang maruming tao ang tingin nila sakin and for one week naranasan ko ang pinaranas ko kay Razz. Ang sa P.E. class, recess, cleaning the room until night, lahat bumalik sakin.

THE REASON I LEFT WHO BEG ME TO STAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon