Tahimik kong binagtas ang hagdan pababa sa hapag kainan. Maaga pa naman para sa trabaho ko, ngunit gusto ko nang maunang bumaba upang di na maabutan ang pamilyang Santillan. I don't want to see any of them.
" Can you stop smiling like an idiot?" rinig ko ang bangayan na nagmumula sa baba. Sinilip ko muna ang taong kausap ni Miles bago lumapit sa kanila. Bakit siya nandito? Ang aga naman yata niyang nagising?
Tumambad sa akin si Mahalalel at ang buong pamilya namin na nagsisimula ng kumain. Our father, Mark Santillan, holds a tray with coffee and milk in it. While our mother, Keith Santillan is cooking bacon in the kitchen. Pinagmasdan ko muna silang lahat bago lumapit sa hapag. I fake a yawned.
" G-Good morning." naiilang kong bati sa lahat at umupo na saktong natapat pa kay Mahalalel. Mukhang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi, magana pa rin siyang kumakain ngayon.
" Alam mo ate Charm si kuya nababaliw na kanina pa yan ngisi nang ngisi." bungad na topic ng madaldal na si Miles. Model na ito ngayon at sinusuong ang pag-aartista. She's pretty dashing even in the morning. Nahiya naman ako na parang hinabol ng sampung kabayo kapag bagong gising.
" Hayaan mo na Miles, hindi ka pa nasanay dyan." patay malisya kong sagot kay Miles.
Bumaling ako kay Mahalalel na nakatitig sabay ngumisi sa akin nang nakakaloko. He was grinning as if he knew my secret. I ignored it and glance at my food. Ipinagsalin na din ako ni mama ng naluto niyang bacon. Nakangiti itong nakatingin sa aming lahat habang isa-isa kaming pinagbibigyan.
That's how she's always been. She takes care of us with no favouritism.
How can I tell her what I did? Hindi ko alam kung paano ko nagawa ang kasalanan na 'yun. Sa lahat ng hirap na dinananas ko ang pamilyang Santillan ang kumupkop sa akin.
And because of what happened last night, I guess I'll lose them.
Apat na taon ang tanda ko sa triplets, lahat sila ay 18 na samantalang ako ay 22 na. Parehas na Senior High School si Mahalalel at Kurt samantalang si Miles naman ay naiwan sa Junior High dahil tumigil ito sa pag-aaral. Miles decided to pursue her modeling career, so she left school. Kurt is enrolled in STEM while Mahalalel is studying HUMSS.
" Naku ate Charm baka may girlfriend na ang ermitanyong yan kaya ngisi nang ngisi." sabi ni Kurt na maya maya ay napahiyaw na. Napataas na lamang ang kilay ni mama sa kanilang dalawa tila naputol ang usapan nila ni papa na parang may sariling mundo. Pinag-uusapan din kasi nila ang pag-alis nilang dalawa. Naimbitahan kasi si papa na magturo sa ibang lugar kaya sasama naman si mama para may mag-alaga dito.
" Wag nga kayong bastos pag nakain." saway naman ni Mark Santillan sa mga anak. Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Ngayon na lang din kami ulit nakapagsabay sabay kumain dahil sa mga busy na schedules.
Sila mama at papa ay busy sa pagttrabaho dahil isang guro si Mark Santillan habang hands on naman sa business si Keith Santillan. Kakabukas pa lamang ng bagong branch ng flower shop nito.
Nanahimik na naman ang magugulong magkakapatid. Tahimik na din akong kumain habang iniiwasan ang mga titig ni Mahalalel. His stares are bothering me. Para niya akong hinuhubaran sa mga titig niya.
" Ngayon daw po kayo aalis sabi ni Tito Klint?" tanong ko habang sinisimsim ang kape ko.
" Oo. Nakaready na nga kami eh. Buti sabay sabay tayong nag-agahan ngayon at walang nasa galaan." pagpaparinig ni Mama Keith kay Kurt na nagbibingi bingihan sa gilid. Lagi kasing inuumaga ito sa girlfriend niya.
" Okay po. Ako na lang po maghuhugas ngayon para makaready na po kayo." I smiled at her. Kinuha ko na ang mga plato at tumayo. Hawak ko naman ang oras ko ngayon bilang secretary sa isang car company na pagmamay-ari ng kapatid ni Mark Santillan.
BINABASA MO ANG
OWNED BY HIM (STILL EDITING)
General FictionOn a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not s...