14 years ago
Balik tayo kung saan ito lahat nagsimula. Unang beses ko silang nakilala nang minsan akong maglako ng kakanin kay Lola Elsa. Simulan noon buong bakasyon ay kasama na ako ng triplets. Hangang sa maimbitahan ako sa kasal nila Mark at Keith Santillan na magiliw ko naman na dinaluhan.
Pagkatapos kong dumalo sa kasal nila Kuya Mark at Ate Keith ay nagtext ang Ate ko kay Lola Elsa. Sasama na daw siya sa fiancé niyang taga ibang bansa, bata pa man ako ay alam ko na iiwan niya na ako kahit sabihin niya pang babalik naman siya. Hindi ko nga maiwasan na isipin na sakto pa talagang wala ako sa bahay nang umalis siya. Talagang sinakto niya na di ko siya mapipigilan.
Umiiyak na niyakap ako ni Lola Elsa, mama siya ni Kuya Mark na kapitbahay namin sa Bicol. Itinuring na nila akong pamilya kahit na hindi nila ako kadugo.
Nasa Manila kami ngayon dahil sa kasal nila. Isinama ako dito dahil kapartner ko si Halel bilang flower girl.
" Hindi ka naman namin matutukan Charm kung sakali." pag-alo sa akin ni Lola Elsa. Naiintindihan ko naman siya dahil marami siyang inaasikaso lalo na si Kuya Kyro na pasaway.
" Opo. Okay lang po." nakatungo kong sabi nginitian ko na rin si lola para hindi siya mag-alala. San na kaya ako pupulutin? Hindi ko maiwasan na mag-isip. Makakatulad na ba ako sa mga batang kinukuha ng mga pulis at dadalhin sa ampunan?
Pumasok sa kwarto si Miles na naabutan akong umiiyak. Agad kong pinunasan ang mukha ko at ngumiti sa kanya.
" I thought we're going to play na? " hinila ako ni Miles papalabas ng kwarto. Hinayaan naman kami ni lola. Nasa condo kami ngayon ni Kuya Mark at isa siya sa anak nila ni Ate Keith.
Triplets silang magkakapatid. Ang panganay ay si Mahalalel na ubod ng sungit, si Kurt ang sunod na sobrang bait at si Miles ang bunso na may pagka-maarte.
Umupo kami sa sala habang naabutan ko naman na naghahanap si Kurt ng cd na papanoorin. Si Halel naman ay busy sa pagbabasa ng hindi ko alam na libro. Wala kasi no'n sa amin.
Mukha siyang lolo sa pagkaka-upo niya sa sofa, eh paano ang seryoso niya magbasa.
Humagikhik ako habang lumalapit sa kanya. Parang biglang hindi na ako sad sa pag-iwan sa akin ni ate.
Pogi naman kasi ng batang to. Pwede siyang artista in fairness.
Umupo ako sa tabi niya at sinilip ang binabasa niya. Hindi ko masyado mabasa basta English siya. Shakespeare? Oo may ganun basta tapos sonnet daw?
Iniunat niya ang braso niya at idinantay sa sandalan ng sofa. Para tuloy siyang nakaakbay sa akin kaya feel na feel na sumandal ako.
Daig ko pa ang Pbb teens!
" Hi~" bati ko kay Halel kasi hindi niya ako pinapansin. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito.
" Sungit." napanguso ako at pinisil ang magkabilang pisngi niya dahil sa gigil.
" Stop " saway nito pero hindi niya tinabig ang kamay ko. Kusa akong bumitaw mahirap naman baka suntukin niya ako sa mukha.
Niyakap ko na lang ang unan na nadampot ko saka nanood na ng mickey mouse. Wiling wili ako sa panonood kaya hindi ko na rin pinansin si Mahalalel na nagbabasa pa rin sa gilid ko. Nilibang ko ang sarili ko at saglit na kinalimutan ang kahihinatnan ko. Si Ate na lang ang meron ako pero bakit niya pa ako nagawang iwan?
" Kuya is sleeping look! " turo sa akin ni Miles sa nakayukyok na si Halel. Hawak pa rin nito ang libro, hinawakan ko ang ulo nito at isinandal sa balikat ko.
" Aww you're so sweet ate." niyakap na rin ako ni Miles at humiga sa lap ko habang nanonood kami.
" Sana ate na lang kita Charm." sabi sa akin ni Kurt habang tinitingnan sila Miles at Halel na tulog na.
BINABASA MO ANG
OWNED BY HIM (STILL EDITING)
General FictionOn a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not s...