Present
" Charm bring me the report now! "
" Patimpla naman ng coffee please."
" Charm pabigay sa HR."
" Ito din sige salamat."
Kiming ngumiti ako habang nagmamadaling pinagkukuha ang inuutos nila. Bago pa lang ako sa company namin kaya kailangan kong pag-igihan ang trabaho lalo na ako ang pinakabata.
I took Bachelor of Secondary Education Major in English. Pero secretary ang naging first work ko sa kompanya ng kapatid ni papa. At dahil kahit halos Tito ko na siya mas nakasanayan ko nang tawagin siyang Sir Kyro. Ako kasi ang madalas nilang asahan sa paper works kaya nang mag-offer sila na ako na lang ang secretary, hindi ako nakatanggi.
Idineliver ko na ang kapeng ipinatimpla ni Stacey sa desk niya. Halos madapa nga ako sa pagparu't parito dahil sa mga utos nila. Humahangos na tumakbo ako sa office ni Ms. Chan para sa report. Pinunsan ko ang pawis ko bago kumatok, bumukas naman ang agad ang pinto at lumabas si Sir Kyro na nakakunot ang noo.
" Oh Charm sipag ah." gulat na gulat nitong bungad. Nginitian ko siya ng pilit at bumati na kay Ms. Chan na nasa likod.
" Good morning ma'am ito na po 'yong files." masungit na tumango ito at parang walang tao na binasa ang file. Nasanay na ako sa malamig na pagtrato niya sa akin. Naniningkit na naman ang mga singkit niyang mata na lalong nagpaganda sa kanya.
Natuod ako dahil sa kaba at napatitig na lamang sa sahig. Nakikita ko naman sa gilid ng mata ko ang nakatayong si Sir Kyro. Grabe ang titig nito kay Ms. Chan.
" Oh..you may leave Ms. Charm." parang napipilitan pang paalam ni Ms. Chan sa'kin. Tumango ako at umalis na. Akala ko noon si Ms. Chan ang girlfriend ni Sir Kyro pero sa nakikita ko ngayon mukhang malabong mangyari. Sa ganda ni Ms. Chan hindi tatalab si Sir Kyro na walang ibang inisip kundi motor. Gwapo naman si Sir Kyro pero kung itatapat siya kay Ms. Chan mukhang mas boss pa ito.
" You too Kyro, wag kang tambay sa office ko." sabi din ni Ms. Chan kay Sir Kyro. Hindi man lang nito tiningnan si Sir Kyro at abala lamang si Ms. Chan sa pagtatype. Workaholic kasi talaga ito kaya sobra akong naiintimidate sa kanya.
Napahagikhik ako palabas ng office dahil sa nakita. Ilang segundo lang ay nasa labas na din si Sir Kyro na mukhang badtrip. Mukhang may motor shop na naman na hindi napagbigyan. Si Ms. Chan kasi ang humahawak ng bank account ng kompanya. Wala kasing tiwala ang mga Santillan kay Sir Kyro. Maliit pa lang kasi ang kompanya kaya dapat maingat sa pag-iinvest.
" Anong tinatawa tawa mo dyan huh?" pasakal na inakbayan ako ni Sir Kyro na napahigpit kaya 'di ako makahinga. Ginulo niya din ang pinaghirapan kong buhok. Bagsak ang balikat na naunang naglakad. I think he's sad that he didn't get what he want.
Umiling na lang ako bago sumunod sa kanya. Sa ilang taon na pagtatrabaho ko sa kanya, hindi ko pa siya nakakitaan ng kaseryosohan sa trabaho.
Sabi kasi ni mama hindi naman ito yung hilig ni sir. Motor daw kasi ang hilig nito kaso wala siyang choice. Lagi ko nga din nakikita si Sir na nakatingin sa mga magazines na motor ang paksa.
Tahimik na pumasok ako sa office at umupo sa desk ko. Matatanaw lang dito ang office ni Sir Kyro, paikot-ikot siya ngayon sa seivel chair.
Hanggang ngayon isip-bata pa din siya. Hindi rin naman nalalayo ang edad namin. Kinuha ko ang phone ko nang maramdam kong magvibrate ito.
From: Mahalalel
Sunduin kita?
Hindi ko ito pinansin at kinutingting na lang ang laptop ko. Isinilent ko ang phone ko, sunod sunod itong nagvibrate.
BINABASA MO ANG
OWNED BY HIM (STILL EDITING)
General FictionOn a dangerous night, I'm a prey in my step brother's lair. Before I took a step back, I was already owned by him. This is for mature readers. This story contains mature scenes. The corresponding chapters of this story contains sexual contents not s...