CHAPTER 14: The REVELATION

1.2K 32 2
                                    

UMAGA.

MAGANDA GISING KO.

KANINA ko pa tinititigan ang mga ROSES na binigay ni James sa akin kahapon.

EWAN ko ba, feeling ko lang ako na yata ang pinaka-masuwerteng babae sa balat ng lupa! Hahaha! Kagabi pa ako kinikilig. Masarap lang balikan ang mga araw at sandaling magkasama kaming dalawa. 'Yung moment na nakikita ko siyang nakangiti at tumatawa. 'Yung time na napapatawa ko siya. 'Yung event na parang nahahalata kong ang sweet-sweet niya sa akin. Hahaha! Dami ko talagang Weird things na naiisip... Si James kasi, eh... MANHID. Hahaha!

May kumatok sa pinto ng kuwarto ko.

NAKANGITI kong binuksan iyon.

BIGLANG nawala ang ngiti ko ng tumambad sa akin si JAMES.

NAGULAT ako kaya AGAD kong isinara ang pinto.

NAPATINGIN ako sa paligid ng KUWARTO ko. 

NAGKALAT mga pictures ni JAMES sa dingding.

Naroon din ang mga notes ko na pangalan ni JAMES ang nakasulat.

TAPOS ang mga red roses na nasa tabi ng kama ko.

NGEK! HINDI pwede... Baka makita niya lahat ng ito!

KUMATOK ulit si James sa pinto ng kuwarto ko.

NAHIHIYA kong binuksan ng BAHAGYA ang pinto at inilabas ko ang ulo ko.

"B-Bakit ka nandito?"gulat kong tanong.

NGUMITI si James."Pinaakyat na ako ng nanay mo dito. Katukin daw kita."

"A-Ano bang ginagawa mo dito?"nahihiya kong tanong.

"S-Susunduin lang kita. Pwede ba?"

"H-Hah? S-Sana tinext mo ako."

Ngumiti si James."Wala na akong time para mag-text pa. So ano, okay lang ba?"

"S-Sige, sige... Wait mo na lang ako sa baba. Magsusuklay pa ako, eh."

"Okay."

DUMATING na kami sa SCHOOL.

ACTUALLY, nahiya ako ng bumaba kaming dalawa sa KOTSE.

MADAMI kasing mga estudyante ang nakakita at nakapansin sa amin.

I know, may mga umaandar sa mga isip ng mga ito.

PERO ang nakakahiya talaga ay nung mapansin ko rin sina Camille, Erica, Lalaine at Lloyd na nakatingin din sa akin.

NAHIHIYA ko silang nginitian.

Then, napansin ko si MARK.

NATIGILAN ako.

MALUNGKOT AT MUKHANG GALIT SIYA.

NAGPAALAM na si James sa akin. Diretso na daw siya sa kanyang klase.

NAHIHIYA akong lumapit sa mga kasamahan ko.

"Haba ng hair natin, ah."salubong na biro ni Erica.

"Tumigil ka nga."inis kong sabi sa kanya.

"Sinundo ka niya?"nakangiting tanong ni Camille.

TUMANGO lang ako.

"Courting or kayo na?"si Lalaine.

"Friends lang kami. Issue?"nakangiti kong sagot.

"Friends lang, ah. Sus!"si Lloyd.

"Ligawan mo na kasi."si Erica.

PWEDE KA BANG MAHALIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon