CHAPTER 1: THE MISSION

6.6K 102 20
                                    

MORNING. 

ORG. MEETING.

LATE NA AKO.

“Sorry! Late again!”sigaw ko pagkapasok ng classroom.

Napatingin mga kasamahan ko sa akin. Nakangiti ko silang kinindatan sabay peace sign ng kamay.

Ngumiti si Miss Asuncion.”Well, Dolly, ano na naman reason natin at late ka na naman...  Again?”

Lumapit ako sa kanya.”Eh, trapik kasi. Saka ma’am, mahirap po talagang sumakay ng jeep.”

“Wow, bagong rason. Akala ko sasabihin mo na namang dumaan ka ng ospital para dalawin ang mga kaibigan mong baby sa pediatric ward.”si Lalaine. Isa sa best friends ko.

“Uhm, baka later na lang after ng meeting natin.”masaya kong sabi.

“Hay naku, tama na nga ‘yan. Maupo ka na muna, Dolly. Then si Lalaine na bahalang mag-discuss sa’yo ng agenda natin.”nakangiti Si Miss Asuncion. Ang dalaga at super bait naming Guidance Counselor.

“Okay po!”sabi ko na nagmamadaling naupo.

Tumayo na si Lalaine. Pumunta na siya sa harap.

“Bilang president ng Peer Counselors Organization, gusto ko munang magpasalamat sa inyo dahil naging successful ang last event na kinunduct natin for the foundation day…”masaya si Lalaine.

Nagpalakpakan kami. Actually, singing ang dance contest lang naman ang event na iyon. Successful dahil sold-out ang ticket and magagaling naman talaga ang mga sumali.

“By the way, ‘yung last mission natin, si Gina,’yung estudyanteng binubugbog ng kanyang stepfather… We glad to inform you that kahapon ay nabalitaan naming nakulong na ang kanyang tatay. So because of that, ligtas na siya. So follow ups na lang tayo sa mga mangyayari pa and don’t forget to console and continue the counseling sa kanya. Maganda kasi na may mga nakakausap siya at nagiging kaibigan. So your mission is not yet finished…”

“Anyway, don’t forget to visit her sa kanilang bahay. Try to check if meron pang mga possible hindrance and mga pangyayari na pwedeng ika-depress pa ng schoolmate niyo. Importanteng matutukan n’yo pa rin si Gina…”singit ni Miss Asuncion.

Well, well, well… PEER CONSELORS ORGANIZATION. Isang special organization na itinayo ng Guidance department sa school. Isa rin siyang typical na org. na merong mga mission, vision, goals etc. etc. etc. But what this org. special is that, we, the team ay mayroong importanteng role sa loob ng school. We must provide the good manners, maging huwaran, a good leader and probably be a student model sa lahat. Meron kaming mission na ginagawa, this is to help our co-students sa kanilang mga problema. Karamihan sa mga cases na aming tinututukan ay ang mga kasong dinadala sa guidance dept. tulad ng family problems, any kind of abuses, bullying and even love matters… Ang cool di ba? Bigat ng responsibilities namin… Hehehe.

“Tama ba namang magday-dreaming sa oras ng meeting?”si Lalaine.

Napansin yata ako.

Ngek! Ako ba? Nag-sorry na lang ako sa kanila. Eh, nage-explain lang naman ako sa mga readers eh. Sabay kindat!

“Meron kayong bagong student na babantayan and probably kelangang alalayan…”si Miss Asuncion.

PWEDE KA BANG MAHALIN?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon