"Congratulations Hermione Ashleen"
sigaw ni Kuya Ashly at niyakap ako ng mahigpit.Nakakatuwa kagagaling ko lang sa school kasama ang mga magulang ko dahil graduation ko ngayun araw. Napakasarap pagmasdan kung paano nag effort at handaan ako nila Ma at lalong lalo na si Kuya na pinag gastusan ang araw na ito.
"Thank you so much po Kuya lalo na inyo Ma, Pa" sambit ko habang natatawa sa tinuran ni Kuya, paano naman kasi yung energy ni Kuya akala mo grumaduate na ako ng college.
"Oh bat natatawa ka dyan?" tanong ni Kuya sakin.
"Paano naman kasi Kuya Ash grade 6 palang po ako pero yung reaction mo mukha na akong grumaduate sa kolehiyo" sabi ko kay Kuya.
"Alam mo bunso kahit maliit man malaki yung achievements na natatanggap mo lagi mong tatandaan andito kami lagi nila Ma at Tatay para sumuporta sayo. At e-cecelebrate natin yan" madamdaming saad ni Kuya sakin.
Matapos akong kausapin ni Kuya, si Tatay naman ang nag salita.
"Bunso nasa kwarto na pala yung regalo namin sayo, pasensyahan mo na yun lang nabigay namin"
Niyakap ko na lang sila nang mahigpit at nagpasalamat muli. Naalala ko nung dati kwenento ni Ma nung grumaduate siya wala nga siyang handa nun pagkatapos na pagkatapos nung graduation ceremony niya uwi agad sila ni Lola at natulog lang parang walang nangyari.
Si Ma ang unang bumitaw sa yakapan namin.
"Oh siya, aasikasuhin ko muna iba nating bisita at ikaw Ashly puntahan mo na mga tropa mo dun"
"Ikaw naman naman bunso kumain ka na at nang makapag pahinga ka na" bilin ni Ma sakin.
Siguradong magpapahinga ako matapos kong kumain dahil wala naman akong bisita karamihan ang mga nasa labas ay mga kaibigan ni Kuya Ash at unti naming kamag-anak. Yung mga classmate ko nag handa rin sila sa kanila kanilang bahay kasama ang pamilya nila.
Sa sala ko napiling kumain dahil mas komportable akong kumain pag bukas ang TV.
Habang nanunuod ako biglang pumasok si Kuya Mateo childhood bestfriend slash classmate slash tropa ni Kuya, laging mag kasama mukha ng mag jowa silang dalawa HAHAHAHA
May kukunin siguro sa kusina kaya di ko na lang pinansin at wala din akong balak pansinin, kahit jowa este bestfriend siya ni Kuya Ash di naman kami close.Civil lang kami with each other like tatango or ngingiti siya pag nakakasalubong ko siya, ganun lang. Di pala ngiti, sungit HAHAHA kaya medyo aloof ako sakanya.
"Congrats pala Hermione" seryosong sambit ni Kuya Mateo habang papalapit sakin galing kusina.
"Thanks Kuya Mateo" tugon ko agad baka bigla akong bigwasan pag di ako sumagot bwahahaha
Lumabas din siya agad matapos niya akong batiinat bitbit niya yung kinuha niyang alak at yelo sa kusina. Sigurado mag iinuman nanaman sila nila Kuya Ash at anong oras nanaman matatapos. Buti nga pinapayagan na sila Kuya nila Tatay kahit Grade 12 SHS palang sila, mag college palang sila next year. Wala pa sa legal age.
Natapos akong kumain at napili ko munang panuorin ang kalokohan ni SB.
BINABASA MO ANG
K I S M E T (ON-GOING)
NouvellesThe story is all about two people who have gone through a long time but they still end up together. Like a soulmate, destiny and fate ♡