Nasulit ko ng matindi ang dalawang buwan kong bakasyon, naging adventurous pa ako.
Nagtry ako ng zipline sa kwarto ko, nag surfing ako sa CR namin, nag hiking sa sala namin at higit sa lahat naka summer dress with bikini inside sa kusina namin. Grabe sulit na sulit, wala pang gastos libre lang.
Di seryoso wala talaga masyadong nangyari nung bakasyon, kahit man lang mag aya mga classmate mamasyal sa park wala. Hays
At di rin kami yung tipo ng pamilya na nag a-out of town maski nga yung province ni Ma kung san siya lumaki di kami makapunta sa kadahilanang mahal ang pamasahe.matulog, kumain, manuod, mag FB TWITTER YOUTUBE PINTEREST & WATTPAD at tumulong magbantay sa paninda ni Ma na meryenda ang pinaggagawa ko buong durasyon ng summer.
At noong May nakapag enroll na ako, grade 7 na ako ngayun taon.
Kagagaling ko lang sa school ko at halos gumapang na ako sa daan makauwi lang dahil sa pagod ko, andaming pina pagawa sa amin.
"Oh anak okay ka lang?" tanong ni Ma pagkauwi ko galing school.
"Opo Ma, masakit lang po ulo ko. Dami lang po akong ginagawa malapit na po kasi yung second grading exam namin" tugon ko kay Ma.
"Ay, ganun ba sige magbihis ka na, balik ka dito nang makapag meryenda ka na at pahinga ka pagkatapos" sabi ni Ma sakin.
Pagkatapos ko magbihis agaran akong pumunta sa habag dahil naghanda si Ma ng meryenda.
"Ma tapos na po ako, sa kwarto po muna ako. Salamat po pala sa meryenda. Ugh luhme" pasasalamat ko kay mama.
"Sige pahinga ka na tawagin na lang kita pag hapunan na"
Papikit na ako ng bigla kong naalala yung nagyari sa canteen.
"Eugene" mahina kong sambit ng maalala ko yung pangalan nang lalaki kanina.
Nakasalubong ko siya nung papasok ako sa canteen habang siya naman ay palabas. Wala naman masyadong ganap nun katulad sa inaasahan ng iba (cliché)- madadapa ako at bigla niya akong sasaluhin, mapapatid ako at mapapa upo ako sa sahig at lalapit siya para itayo ako o di kaya magkakabunguan kami at ma out of balance ako, tutulungan niya ako at tatanungin kung okay lang ako next nun magkakatitigan kami. WALANG GANUN UY!
Sa haba ng pag iimagine ko ngunit hindi man lang ako naka idlip naabutan na akk ng hapunan.
"Ashleen bangon na, kakain na" tawag ni Ma sakin.
"Sige po Ma, babangon na" tugon ko habang palabas na.
BINABASA MO ANG
K I S M E T (ON-GOING)
Short StoryThe story is all about two people who have gone through a long time but they still end up together. Like a soulmate, destiny and fate ♡