1

5 0 0
                                    

                               

Mahaba-habang biyahe ang papunta sa Sitio La Vista. Siguro lima o pitong oras ang biyahe. Si Daddy ay nasa frontseat, si Mommy, Tita Eliza at Tito Randy naman at ako ay sa backseat. Kung sana'y kasabay namin ang mga pinsan kong lalaki ay kasya pa kami rito.

Earphone on my ears and pillow on my neck. Pinag dress akong Hawaiian ni Mommy para daw maganda tignan. Ganoon din ang mga suot nila.

I laugh so hard seeing Dad wearing Hawaiian shirt at ang printed ay ang paborito kong tulips. Si Mommy ganoon din ang design. Iba naman ang printed kina Tito at Tita at magka parehas din ang suot at ako?, Naiiba. It's sunflower black Hawaiian dress. 

Madilim pa habang binabaybay namin ang daan. Humikab ako ng makaramdam ako ng antok. Pinipilit kong wag matulog upang pag masdan ang huling tanaw ko sa Maynila. Ang city lights. Ang maraming tao. Ang maraming sasakyan. Ang nagtataasang gusali. Lahat ng ito ay mamimiss ko ng husto. Ang mga kaibigan ko, I missed them already.

Bumabagsak na ang talukap ng aking mga mata ng lubusan na kaming nakalabas ng Maynila. Sila Tito at Tita ay nakatulog na sa biyahe. Si Mommy may kung anong kinakalikot sa kanyang cellphone, siguro ay tungkol sa trabaho. Nasa likod nila akong tatlo kaya hindi alintana ni Mommy kung tulog na ba ako o hindi.

Hindi ko na namalayan na naka tulog na ako sa biyahe. Nagising nalang ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha at ang boses ni Mommy.

"Evette" si Mommy.

"Hmmm" kinusot ko aking mga mata at luminga-linga sa paligid.

Wala na ang mga nagtataasang gusali. Ang nakikita ko nalang ngayon ay maaliwalas at puro puno. Hula ko'y nasa palengke o bayan kami dahil maraming nagtitinda sa paligid at maraming tao.

Ako nalang at si Mommy ang nasa loob ng sasakyan. Natanaw ko si Daddy, Tito at mang Ven ang aming driver na nag uusap sa labas.

"Hija, may gusto kaba ipabili? Mamimili kami ng Tita mo para sa ating tanghalian" anang ni Mommy na naghihintay sa akin.

"Gutom kana ba?" Tanong niya pa. "May Sandwich at juice diyan sa likod"

"Ponytail, My" sabi ko. Dahil nakalugay ang mahaba kong buhok. "And sandwich okay with me" At tinignan ang pagkain sa likod.

Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi. Lumabas na siya ng sasakyan at pinuntahan si Tita Eliza na naghihintay sa kanya.

Binaba ko ang pillow neck at tinago ang earphone sa aking bag. Kumuha ako ng sandwich at isang bote na may juice atsaka ako lumabas ng sasakyan.

Tanaw ko ang bayan mula sa kinatatayuan ko. Hindi naman iyon kalayuan. At sa tingin ko'y nandito na kami sa Sitio La Vista. Isang bakanteng lote ang pinag parkingan ng aming sasakyan.

May nagbababa ng balde-baldeng isda mula sa isang sasakyan. May isang kumpol ng mga kabataan na sa tingin ko'y mga nasa sampu pababa ang edad.

Naglakad ako papunta roon. Hindi para maki-usisa kundi para tignan yung batang umiiyak at nagkakagulo ang mga tao sa paligid niya.

"Evette don't go somewhere" sigaw ni Daddy

Nilingon ko siya.

"Doon lang ako, Dy" sabi ko at tinuro ang kumpol na mga tao. Tumango naman siya. Kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nang makarating ako sa batang umiiyak. Nabunggo pa ko ng isang lalaki dahil hindi alintana ang gagawin sa bata. Tumingin siya sakin saglit.

Whisper Of The HeartWhere stories live. Discover now