Habang nagbabakasyon ako dito sa probinsya namin ay tumawag ang tita ko na si tita lordes sa rizal kung saan kami nagaaral ng mga kapatid ko, kung inaakala nyong pinagaaral kami ng tita namin ay nagkakamali kayo dahil dun lang kami nakikitira para padalhan kami ng tatay namin na nasa abroad kasama ang kabit nya pero ung kambal nilang anak ay nasa pilipinas at may sakit ang isa at nasa ospital pa ito pero di naman sinasabi ni papa kung saang lugar para naman madalaw namin at yun na nga tumawag ang tita lordes namin para sabihing magenroll nakami at lalo na ako na mag gragrade 11 ngayong pasukan nga pala naging Completer ako na with honors 90 ang average ko (autor: kala ko naman naka 95 ka pataas kung makapg malaki to ehh no ikaw na ang with honors hahhaha pero congrats)
Eto talagang si author napakasama saakin mag cocongratulate lang may kasama pangaasar ehhh pero thanks
Ok balik na tayo sa dinidiscuss ko na kailangan daw medyo maaga kasi gawa ng voucher kailangang asikasuhin kasi private ako galing kaya ang daming checheburetche ang daming hinihinging papeles para sa 14,500 na voucher at depende pa daw yun sa trabaho ng magulang kung mapipili kang magkaroon ng voucher kasi nga akala nila pag nagaaral ka sa private mayaman kana pwes kami hindi pinipilit lang talaga namin na sa private kami kasi liliitan ng tatay ko ung padala nya kapag nag public kami at para na rin sa pangalawa kong kapatin na sabihin na nating mahina ang ulo dahil natututukan dito pero ung nanay ko naman na astigin nag tratrabaho bilang traffic enforcer sa probinsya namin kahit medyo maliit ang sahod na kapag patayo sya ng bahay at naka bili na rin ng lupa dahil narin sa kakaraket kung saan saan bukod pa sa trabaho nya.
"Mga june 3 dapat nandito kanakasi mageenroll pa kayo tapos ung tatay mo naman gusto kayo sa public para makaluwag sya sa inyo naku yang tatay mo talaga! Parang di tatay kung magisip, ikaw nga ang kumausap dun at sbihin mo mageenroll na yung dalawa mo nalang na kapatid ang papag aralin nya kapag nakuha mo nanaman yung voucher mo ehhh.... basta ikaw magtapos ka at tulungan mo mga kapatid mo sa pagaaral nila magtulungan kayong tatlo hah....
"Opo tita salamat po"
"Ayy sige na at magluluto pa ako nandito na si lola mo galing palengke"
" Tita pwede po ba makausap si nanay" (nanay kasi tawag ko sa lola ko🤣 pero love ko yun)
"Hello gail anak"(anak naman ang tawag nya saming tatlo)
"Hi nanay maria kamusta ka na po miss na po kita"
"Eto sumasakit parati yung tuhod ko pero umiinom naman na ako ng gamot kaya ok ok na ako miss ko na rin kayo mga anak".
"Ayy sige napo nanay magsasaing papo ako kasi parating natin po si mama galing trabaho at sa isang araw na po ang june 3 kaya makakauwi na po kami dyan sige po bye love you"
"Love you too anak sige na magsaing kana at ikamusta mo ako sa mama mo hah bye.."
Inend call kona at nagsaing na ung dala kong kapatid ay naghahanda na nga damit para sa pag alis namin sa isang araw pauwi pero habang nagiimpake sila natatawa ako kasi umiiyak sila at habang naglalagay ng damit nila ang sinasabi lang nila ay "ayaw ko pang umuwi guto ko dito" tapos iiyak hahhahahahha
Broooom!,.......( di ako marunong mag sound effect ehhh sorry)
Agad akong pumunta at kinuha ang dala nya at nilagay sa lamesa at sina bi na kailangan naming umuwi sa june 3 para makapag enroll alam kong habang sinasabi ko yun ay nalulungkot sya dahil matagal nanaman kaming di mgkikita at tinignan nya din ang nagiimpake na umiiyak kong mga kapatid na napatqwa sya dahil sa itsura nung dalawa kong babaeng kapatid hehehhehe