Childhood

85 2 1
                                    

"Dree, pakopya! :D"

"Ha? Asa! Bahala ka jan! Alam mo namang hindi ako nagpapakopya eh!"

"Ang damot mo naman! :( Sige na kahit tatlo lang."

...

Hi! Ako nga pala si Kevin Velasquez Ibarra. 16 years old. 1st year college, Engineering kinukuha ko. :) tahimik lang ako, pero hindi ako kj ah! may talino naman kahit papano, tamad lang talaga, ayoko ng makalat, madumi, gusto ko organisado lahat ng gamit ko kahit lalake ako. Galing ako sa marangyang pamilya, laht ng gusto ko, naming magkakapatid nasusunod. Business woman ang mommy ko, si dad kapitan ng barko, lola ko may branch ng starbucks sa US. Kaya naman walang problema sa financial, sa family meron. Mahilig ako sa mga masasayang pangyayari, ayoko ng boring baka iyon ang ikamatay ko eh. Varsity ako nung High School, at salutatorian nung Grade school, wala na akong honor nung 4th year eh. Nabuhos ko kase yung buong oras at buong atensyon ko sa babaeng minahal ko... Si Katherine, ang kaisa isahang babaeng pinangarap ko.

Eto ko ngayon, nag rereminisce nung mga kulitan namin date ni Dree. :"( Miss ko na kase sya eh, musta na kaya sya? Hindi ko alam kong mapapatawad pa niya ako sa mga nagawa ko T.T Handa na akong mag bago, sana bumalik na sya, sana hindi ko nalang yun ginawa, sana nung una palang wala nang maling pangyayari, hindi na sana umabot sa ganto.

...

"Sabi sakin ng papa ko, wag daw akong maging madamot! magdamot lang daw ako pag dating sa PAGBIBIGAY NG SAGOT."

Okay class, finish or not finish pass your papers!

"Hayss! Wala na :< Madamot kase yung isa dyan eh!"

"Ako pa naging madamot? mag-aral ka kasi!"

...

Ako po si Andrea Castillo Cornelio, 16 years old. 4th year high school. :) Simula kindergarden ako, may honor na ako. Hindi naman sa pag mamayabang, pero siguro dahil na din yun sa pag push ng parent ko na mag aral ng mabuti. Hilig ko to eh. 1st honorable mension lang ako nung grade 6, pero 1st ako nung grade 1,2,3, 2nd nung grade 4, 1st nung grade 5, 1st year, 2nd, and 3rd year high school. Meaning, running for valedictorian po ako ngayon. :"> In short, muntik na akong maging kilala sa school :))))) bukod sa pagiging student council president, eh hawak ko din ang pagiging Ms.Campus. (Wala akong kalaban,kaya ako ang nanalo) Joke! Maingay ako, magulo, malikot, madaldal, pero may common sense at may konting talino. Broken family ako, masasabi kong maayos na kami ngayon, pero dati? Walang wala kame.

Chess player po ako ng school, at volleyball player din. Inlove ako.. Oo, inlove ako sa lalaking hindi nakakahalatang inlove ako sakanya. Hindi kase kami nagkakasama, iba kasi hilig nun, taliwas sa mga hilig ko. :D Nagbago ang tingin nya sa akin simula ng may hindi magandang pangyayari....

CHAPTER ONE

(Andrea's POV)

"Ayoko na Leo! Sawang sawa na ako sa ganitong pamumuhay! Hindi ko na kayang tumagal kasama ka. Hindi na asawa ang turingan natin! Pagod na pagod na ako!"

Ito ang mga eksenang maririnig nyo sa bahay namin, lalo na tuwing linggo. Mabisyo kasi ang papa ko. Palaging umiinom tuwing linggo. Napakalaki ng sahod nya, sobra sobra para sa gastusin namin, pero nauubos dahil sa pag gigimik kasama ang barkada. Kaya napilitan na si mama mag trabaho para hindi kame mabaon sa utang.

"Anak, magtatrabaho muna ako sa ibang bansa. Iiwan muna kita at ang kapatid mo sa papa mo ha? Bayaan mo yang tatay mo! Wala yang kwentang ama sa inyo! nandyan naman ang tita mo sa bahay kasama nyo :( Anak, yung mga sinbi ko sayo dati lagi mong tatandaan yun ha?"

He's Out of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon