She's Back

70 2 1
                                    

(Andrea's POV)

Last na naming pagkikita ng mga classmates ko at friends ko nung graduation namin, :( Masakit sa damdamin na hindi ako yung valedictorian, kahit alam ko na ako ang deserving doon.... dati. Hindi na ngayon, kasalanan ko nagloko kasi ako.

Dinala ako dito sa Baguio nang papa ko, probinsya namin. Dito nalang daw ako kesa sa maging sira ulo ako sa maynila. Alam nya lahat ng kababuyan kung ginawa. Uminom, sigarilyo, tulog sa ibang bahay, gala, tambay, kaya naman dinala nya ako dito. Sakabila ng mga ginawa ko, ganito pa din ako kamahal ng papa ko...

Kung tatanungin nyo ang mama ko...

Mabuti pang wag na lang, walang maasahan dun. Mas wala pa syang kwenta kesa sa papa ko. Tumatawag nga, pero parang hindi na sya yung mama ko dati :( Miss na miss ko na sya, yung lambing nya sakin, yung pag iipit nya sa buhok ko. Nagdadalaga na ako, wala yung mama ko na nakakausap ko pag may problema ako.

Galit..

Galit ang nasa puso ko, hindi man lang kasi kami naalalang regaluhan ng mama ko o kahit sabihin man lang na anak, malapit na akong umuwi, miss ko na kayo. Hindi eh. Tatawag lang, nagpadala ako ng 1000 sige na, ingat kayo palagi. Yan at yan lang palagi.

Hindi ko na sinabi sakanila kung nasaan ako, lalo na kay Kevin. :( Alam kong madaming chismis ang tungkol sa akin, hayaan ko nalang. Basta alam ko sa sarili ko na wala naman akong ginawang iba, at nasa mabuti akong kalagayan ngayon. Maayos na ang buhay namin dito sa probinsya, masaya na ako, unti unti nang nasasanay sa kanilang pamumuhay. Hindi ko na naiisip ang maynila, di gaya nung una.

...

...

...

...

...

...

1YEAR LATER

Hindi ako nag aral. Oo, huminto ako ganun na nga. Nawalan na den kase ako ng gana, ok na ako sa ganitong pamumuhay.

Abala ang lahat sa mga gawain, bisperas kasi ng fiesta dito habang kaming lahat ng magpipinsan nakatambay sa ilalim ng puno ng sampalok at nagkukulitan. Nang biglang may paparating na sasakyan...

"Ay, ate kaninong sasakyan yan?"

"Sino yan? :|"

"Susyal ah!...Kotse..."

Pagtataka naming lahat, na nakatingin sa kotseng pumaparada sa may tapat ng malapit na puno sa amin. Una, wala pang kotseng dumaan dun sa tinagal tagal kong pagbabakasyon dun. Probinsya yon, malayo sa kabihasnan, malayo ang pamilihang bayan, walang computer, walang malapit na paloadan. Walang internet shop, malayong malayo sa pamumuhay sa Maynila, kaya ganoon nalamang ang pagtataka naming lahat..

Hanggang sa........

"MAMA??" ang tanging nasabi ko, pag kakita ko sa pagbaba nya mula sa kotse..

Gulat na gulat ako...

Halos huminto ang paghinga ko sa mga nakita ko...

Parang sasabog ang puso ko sa tuwa...

Pero parang tutulo ang luha ko sa lungkot...

At parang gusto kung sumigaw sa pait...

Hindi ko alam kung anung emosyon ang bumabalot sa akin ngayon.. Mataas ang tirik ng araw, pero bakit nilalamig ako. Bakit parang huminto ng pag ikot ang mundo?

Naririnig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ko, pero bakit isang salita lang ang tanging sinisigaw ng puso ko...

"MAMA"...

"MAMA"...

Bakit ganun? Isang kita ko lang sakanya, parang nawala lahat ng galit ko sakanya. Lumalambot ang puso ko sa mama ko. Nasabik akong makasama sya, ibang iba na sya. Ang ganda ganda na nya, madami na syang mga alahas at hindi na sya kagaya noon. Ang puti na nya, nakakailang lapitan, sobrang bango nya..

"Anak! Andrea...Halika na, sinusundo na kita. :("

Napaiyak si mama nung nakita nya ako, She hugged me tight...tight as you can feel the affection of her love. Love of the mother...

"Bakit nandito ka? Lumayas ka tapos ano? Bigla bigla mo nalang silang kukunin sa amin, matapos mong iwanan ang mga bata?"

 Pagsingit ng papa ko sa pagitan namin ni mama.. Nagusap sila sa loob at hindi kami pinasama, kasama nilang kausap ang lolo at lola ko.

..

...

....

......

......

Nalulungkot yung mga pinsan ko kasi daw iiwanan ko na daw sila. Haysss.....Ano ba tong mga pinsan ko..

Hanggang sa lumapit si papa at niyaya ako sa kusina, kakain daw kami.. Si mama, kausap yung kapatid ko si Aljeon.

...

...

...

..

..

Habang kumakain, kasama si papa..

"Anak, mag aaral ka nang mabuti sa maynila. :( Tapusin mo ang pangarap mo doon, mahal na mahal ka ni papa anak.. :( Mamimiss kita! yung pagkanta mo sakin ng AKAP tuwing pupunta tayo sa bukid.. Yung pag aayos mo ng damit ko sa cabinet kase lage kong nagugulo. Yung pagtanggal mo sa ilan kong puting buhok, yung pagpapaalala mo sakin na kailangan ko nang mag ahit ng bigote, yung pagsasabi sakin na maligo na ako kasi amoy pawis na ako, yung pagsisintas mo sa sapatos ko kase sabi mo mapangit yung pagsisintas ko, lahat ng ginagawa natin, mamimiss ko yun Drea." Humagulhol lang si papa pag ka sabi.

"OPO."

lang ang tanging nasabi ko, at simula nang tumulo yung mga luha ko. Alam ko na ang ibig nyang sabihin sa mga oras na to. T.T

---

"Hays sa wakas, nakarating din tayo..

Ayos ka lang anak? Dito na tayo sa bahay..." Nakangiti nyang sabi sa akin..

Nagsigh lang ako.. "Opo, ayos lang po ako.."

Malaki yung bahay.. Hindi ako naaamazed, kahit napaka ganda nito.. Puro question ang nasa isipan ko, pano nangyari to? :|3

"Lika na nak sa kwarto mo, Para makita mo, pinaganda namin yun! Mag aaral ka na uli ha?"

Aba! May sarili pa pala akong kwarto, edi maganda. :)) Excited akong mag aral ulit. Gusto ko nang makita si Ibarra. Kamusta na kaya sya? Hindi ako makatext wala na kasi akong cellphone, hindi na naloloadan simula nung umuwi ako sa Baguio, naaalala pa kaya nya ako? Kamusta na kaya sya? Hindi na nga pala kami magkaklase? :"( 2nd year na sya. Sana maalala pa nya ako. Kilala pa kaya nya ako?

He's Out of My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon