#Chapter6

1.2K 13 0
                                    

#Chapter6

JM's POV

"Kailangan mo akong mapalabas dito!"

"I'm sorry Mr. Bob Patron but I'm still fixing everything" kalma kong sabi, nakikita ko naman pagmumukha niya ang galit.

Sanayan nalang siguro ako dahil ang dami ng kliyenteng dumaan saakin na ganito.

Minsan nga nakokwelyohan pa ako, kung hindi lang talaga mataas ang pasensya ko sinapak ko na eh, kahit itong kaharap kong kliyente ngayon, kanina pa kasi ako sinisigawan.

"No! hindi ko na kaya dito! sabihan mo nga si mommy na palitan ang attorney namin!" reklamo niya pa sa pulis na nag babantay sakanya ngayon.

Napahilot nalang ako sa sentido ko dahil sa pinag gagawa nitong kaharap ko ngayon.

"Bob! puro ka reklamo!" sigaw ng kapatid nitong kliyente ko

"Bakit ba ikaw ang andito?"

"Because they're busy!"

"Siguradohin niyong makakalabas ako dito! ayoko na dito!" pumasok na ulit ito, narinig ko nalang ang pag buntong hininga nitong si Ms. Patron

"Bakit ba natatagalan ang paglabas ng kapatid ko Attorney?"

"Dahil may hawak silang ebidensyang nagtuturo kay Mr. Bob Patron"

"Then do something! binabayaran ka naman ah?"

.....

"Kuya"

"Not now Jassie" mahina kong sabi, agad naman akong umupo sa sofa at pinikit ang mata.

"You look suck kuya"

"I know" tipid kong sabi.

"You should take a rest Kuya"

"Ginagawa ko na Jassie"

"No I mean vacation"

"No thanks, teka nga, bakit ka andito? mag aral ka don"

"Anong pag aaralan ko kuya? mga pangalan ng mga kaklase ko, hello! first week palang ngayon! wala pang lesson!"

"Oh bahala ka, wag mo lang akong disturbohin, may aasikasohin pa ako mamaya"

"Tsk!" narinig ko naman ang pag alis ng kapatid ko.

I do have a younger sister, ako na mismo nag papaaral sakanya dahil wala na kaming mga magulang.

My father is being murdered tapos sumunod ang nanay ko, hindi niya nakayanan ang pagkawala ng tatay ko, hindi na niya naalagaan ang sarili niya even us, her children, at hindi na nakayanan ng kanyang katawan.

Kaya ito, ako ang naiwan para mag alaga sa kapatid ko. Mabuti nalang talaga hindi siya masakit sa ulo alagaan, she's a college student kaya alam na niya ang tama at mali.

Bumitaw naman ako ng malalim na pag hinga bago sinagot ang nag iingay kong cellphone.

"Justin"

"Yes Frank?" sagot ko, he's the secretary and currently managing our little business, ang naiwang business ng mga magulang ko, kaya nakapag tapos ako ng pag aaral ko ng walang problema dahil sa kayamanang iniwan saamin ng magulang namin even though nanakawan iyon, hindi naman lahat nanakaw.

"May mga papeles po kayong kailangang pirmahan, ihahatid ko po ba diyan sa bahay niyo?"

"Yes please" mahina kong sabi.

"You're sounds tired sir, are you okay?"

"Yes I'm fine Frank"

"Okay po I'm on my way there"

"Okay take care" siya ang pinagkakatiwalaan ng tatay ko simula palang kaya nung nawala ang mga magulang ko, tinulongan niya ako sa bagay bagay, kahit may hawak akong mga kaso, di naman masyadong stress para saakin dahil andiyan siya para maging kapalit ko sa negosyo ng pamilya ko, tinutulongan niya lamang ako

Nakarinig naman ako ng kotse ni Frank, kaya umayos ako ng upo.

Bumukas naman ang pinto ang niluwa si Frank na may madaming folder na dala, agad niya naman itong nilapag sa coffee table at nakapag pahinga siya ng maluwag.

"You look so tired Justin."

"I know, hindi padin matapos tapos ang kasong hawak ko ngayon, at wala na akong mahanap na alibi para makalabas itong si Patron"

"The black sheep Patron"

"Yeah"

"Talo ka sa kasong yan JM"

"I know, may hawak silang malaking ebidensya"

"By the way kamusta?" pag iiba ko ng usapan namin.

"The business is fine as always"

"Magaling ka eh"

"But your sister is not" napatawa naman ako ng mahina sa sinabi niya.

Sa pagkakaalam ko pagkatapos ng klase ni Jassie dederitso siya ng kompanya para turuan siya ni Frank.

"Saan?"

"Ang hirap niyang turuan, don't get me wrong ha pero matalino naman yung kapatid mo eh pero fvck teenagers now a days"

She's taking business management course, saaming dalawa nakapangalan ang kompanya pero ang gusto ko siya ang humawak dahil alam ko naman sa pinili kong trabaho wala akong panahon para umupo man lang sa opisina, pero nag bibigay naman ako ng oras para sa meetings and dealing with contracts, kahit si Frank kasi ang humarap sa bagay na yun lalo na sa big contracts? kailangan ng abogado.

"Basahin mo nalang yan bago mo pirmahan, kukunin ko nalang pag tapos na"

"Maybe tomorrow? or in the next day? basta wag ngayon pagod ako"

"Halata nga"

"Nga pala aayusin ko na yung loteng bibilhin ng kompanya"

"Are you sure about that JM?"

"I already read the business plan, why not?"

"Wala naman, nga pala about the case of your father?"

"Binasura nila dahil wala namang makakapagturo kung sino ang may sala, siguro mag gagathered muna ako ng data n makakapagturo bago ko buksan ulit ang kaso"

"Pano kung wala talaga?"

"God knows kung sino ang may sala, siguro siya nalang ang bahala"

"Okay aalis na ako? mag pahinga ka na, ako na nga nag aasikaso sa negosyo niyo para hindi mabigat sayo pero you look suck, siguro madedepress ka na pag binigay ko sayo ang trabaho sa negosyo"

"Tsk thank you Frank, mag ingat ka sa pag mamaneho"

"Okay, paki sabi naman sa kapatid mo agahan niya naman ang pag punta, dahil hindi yung schedule ko ang mag aadjust sakanya, she's 2 hours late kanina at hindi lang siya ang schedule ko every afternoon, please inform her"

"okay I will" napailing nalang ako, umalis naman ito.

Nilock ko naman yung pinto at umakyat na papuntang opisina ni dad na ngayong naging opisina ko na, dala dala ang mga files na hinatid ni Frank.

Nilagay ko lamang ito doon at dumiretso sa kwarto ng kapatid ko, kumatok pa ako bago ko ito binuksan.

"Okay bye for now Missy" binaba niya naman yung telepono niya at humarap saakin.

"Kuya bakit?"

"Andito si Frank kanina, at sinabi niya saakin ang pinaggagawa mo"

"Sumbongero"

"Wag mo ng ulitin yun Jassie, di mahirap ang ginagawa ni Frank"

"Okay po"

"Siguradohin mo lang, matulog ka na" Tumango naman ito, ngumiti nalang ako at hinalikan siya sa noo bago ako lumabas ng kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko.

Snow White and the Poisonous Apple ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon