#Chapter47
Hansel's POV
Talagang sumasang ayon ang mga kaganapan sa plano ko, ngumiti naman ako sa natanggap kong balita.
Isang taon din akong nag hintay para ulit makita ang mga Kyril, tiniis kong hindi makipag kita sakanila at patayin sila isa isa dahil sa mga nagawa kong plano.
I heard Misha's partner is JM, one of the best attorney in the country, bakit ba ganito ang mga Kyril? naiinlove sa hindi nila katulad ng pananaw sa buhay.
From investigator to doctor and now an attorney? really girls?
Isang taon ko na ding pina manman si Misha, nabalitaan ko noong itinago ito ng magaling niyang kuya sa Davao Oriental, kaya pinasundan ko ito.
I thought Misha is a heartless Kyril, hindi ko aakalaing matutulad din siya sa mga pinsan niyang nag paloko sa pag ibig.
now I heard that Misha and JM will going marry each other after this month.
Nag hahanap lang ako ng tyempo para makaharap ulit sila, and I heard every Kyril is invited, sa ngayon alam kong hindi lang ako ang may planong sirain ang importanteng araw ng mga Kyril.
Each Kyril have an enemy, kaya may chance na silang makipag patayan pag nasa iisang lugar ang mga Kyril.
Gusto ko man patayin si Misha, mas masarap siguro tignan siyang maging mesirable muna bago ko siya patayin.
I'm not only targeting Misha but also JM.
Be ready Misha
Misha's POV
Isang taon na ang lumipas, dalawang buwan kaming mag kasama ni JM sa Davao Oriental.
Habang tumatagal kong nakakasama ang isang JM, mas lalong naging delikado ang lagay ng puso ko.
Alam kong pag nahulog ako sakanya, sakit din ang katambal nito.
Sinagot ko siya nung nasa Davao pa kami, pero laking gulat ko hindi lang pala yun ang masayang nangyari habang magkasama kami ni JM kasi may napapansin ako, nung una akala ko wala lang yun pero nung umuwi kami galing davao, kahit si kuya Ashton nag taka na din.
Tama ang naging hinala namin noon, galit na galit pa ito kay JM nung una pero di rin nag tagal tanggap na niya, kahit si JM hindi makapaniwala.
Habang buntis ako non, todo ang alaga niya saakin. Yes di ko alam pano nangyaring may nag bunga na naman sa pag lalaro naming dalawa sa apoy.
Hindi lang naman kasi yun na araw kami nag laro, once a week yun nangyari, hindi ko alam pero parang nag usap sila ni Masha non na every weekend ay naka Ville ito.
Sinabihan na din ako ng parents ko na dapat na kaming mag pakasal ni JM na sinang ayonan naman ni JM kaya hindi na ako nag dalawang isip na umoo pa.
Hinintay lang namin na makapanganak ako at mag pakasal na kaming dalawa.
Ang daming nangyari sa isang taon, hanggang ngayon hindi ko pa mahanap si Hansel, kahit sila Alice hindi din nila nahanap kaya hinayaan ko na lamang ito at magpakasaya.
Kailangan ko padin harapin si Hansel, alam kong hinding hindi magiging ligtas ang pamilya ko habang nasa paligid si Hansel.
At hanggang ngayon hindi ko pa masabi sabi kay JM ang totoo, sinabihan na din ako ni Ashton habang maaga pa hindi pa kami nakakulong sa isa't isa dapat ko ng sabihin pero paano yun?
Selfish na kung selfish mas gugustohin kong makulong muna kami sa isa't isa bago ko sabihin sakanya ang lahat para wala na siyang kawala saakin, para wala siyang rason para hindi niya kami balikan pag umalis ito.
Ang mga anak ko din ang iniisip ko pag tuloyan kaming iwan ni JM pag nalaman ni JM ang totoo.
Masasaktan at masasaktan ako pag piniling iwan ako ni JM pero double ito sa mararamdaman ng mga anak ko dahil tatay nila ito. Sino ba naman kasi ang magulang aabandonahin ang sariling anak dahil sa nalaman?
Ashton told me something important, tungkol ito sa magulang ni JM.
That's why in the first place palang ayaw ko ng mainlove dahil alam kong mahirap tanggapin ang isang tulad ko. Sa pagkakaalam ko, nahirapan din si Zyryl noon na tanggapin ang katotohanan tungkol kay Alice.
That's why Alice choose to run away kasi masakit para sakanya na mismong mahal niya hindi siya tanggap.
Nalaman ko din kay Alice noon kung paano nalaman ni Zyryl ang katotohanan, ikakasal na sana sila pero hindi ito natuloy dahil sa mga nalaman ni Zyryl, hinintay ni Alice si Zyryl noon pero walang Zyryl na bumalik sakanya kaya napag desisyonan niyang umalis at mag tago nalang dahil sa sakit na naramdaman niya.
Ayokong mangyari din yun sakin, sino pa ang mag hahanap saakin pag umalis ako? okay lang din sana kung sa pag alis wala akong mga anak.
Komplikado ang sitwasyon ko kaysa kay Alice, Alice can run away but me I can't, I'm already a mother of two children kaya kailangan kong mag pakatatag at mag isip ng mabuti para sa mga anak ko.
Ang naisip kong mabuting desisyon ay sasabihin ko kay JM pag nakatali na kami sa isa't isa, this is not for me but for my children.
About my children? si Masha marunong nag mag tagalog at ang kapatid niya ay isang lalaki, pinangalanan itong Jackson Mark katulad lang ito kay JM.
Sa tuwing wala kaming dalawa ni JM, si Ville or ang mga pinsan ko ang nag babantay nito. Umaalis padin ako ng bansa, hanggang ngayon pinag patuloy ko padin ang pag liligpit, walang nag bago.
Hinahayaan naman ako ni JM sa gusto kong mangyari pero hindi ko pa alam kung anong plano ko pag kinasal na ako.
Kinausap ko na din si tito ang tatay ni Belle, sinabi niyang iyon na daw ang huli niyang pakiusap saakin dahil pinagalitan daw siya ni Belle nang malaman ni Belle ang tungkol dito.
Nag tatrabaho na din ako sa kompanya, isa din ito sa naging rason bakit labas pasok ako sa bansang to, agad akong umuuwi pag natapos ko ang pag close ng isang deal, di pwede akong mag tagal dahil kailangan din ako ng pamilya ko sa Pilipinas.
Naging mabuti naman ang buong taon na ito sana tuloy tuloy na ito, at sana mahanap ko na ang gagong rason kung bakit hanggang ngayon hindi padin ligtas ang pamilya ko.
Ang plano ko ay bago kami ikasal ni JM dapat nailigpit ko na si Hansel.
BINABASA MO ANG
Snow White and the Poisonous Apple ✔
ActionKyril Series #3: Snow White and Poisonous Apple Highest Rank: #3 Thriller Misha Kyril is the fourth child of Kyril Group, she's had the goddess beauty but behind that, she love doing crimes as if it's game for her. When Misha set her foot in the Isl...